Samantala sa Santa Barbara, sa dating bahay nila Adel, nakatira pa din doon ang kanilang kamag anak na si Berto at ang asawa nitong si Adora.
ADORA: Pupunta ka ng Maynila?!
BERTO: Oo kinakailangan, ako lang ang maaasahan ng kaibigan ko , darating sya
mula America at wala syang kasama sa Maynila, kaya hindi maaaring hindi
ko sya samahan .ADORA: Pero bawal kang pumunta doon, masusundan ka kapag nasundan sila
alam mo na ang mangyayari?BERTO: Masusundan ako kung makikipagkita ako kay Adel o sa kaibigan nya, hindi
naman ako makikipagkita sa kanila kaya huwag ka mag alala.ADORA: Papano kung biglang makita ka nila o makita mo sila?
BERTO: Sa laki ng Maynila makikita nila ako, imposible naman yan, e nung
nakaraang taon lumuwas ako pero wala namang nangyari,ADORA: E kasi nga di mo sila nakita nung nagpunta ka noon, pero ngayon huwag
ka magpapakasigurado, papano kung bigla mo sila makita sa daan o hindi
alam nasa tabi mo sila pero di mo lang nakita papano na?BERTO: Masyado ka naman nag iisip ng mga ganyan e.
ADORA: Alam mo naman na kahit sa ibang bansa nasusundan diba? subok na yan
nung espanyol na nagsulat ng libro.BERTO: Binabasa mo ba yung librong iniwan sayo ni manang Carmen?
ADORA: Oo, pero hindi lahat, natatakot akong basahin , gaya ni manang Carmen,
takot din syang basahin ang lahat ng nakasulat sa librong yun.BERTO: Sa tingin ko tapos na rin ang sumpa na yan, kasi mula ng umalis sila wala
ng nabalita na nawawala dito sa Sta. Barbara, diba? Kaya wala ng silbi ang libro
na yan itapon mo na yan hindi mo naman nagamit yan eh.ADORA: Anong wala? Mahalaga ang librong ito, di ko man binabasa pero kung
kinakailangan ay babasahin ko. Alam mo may nabalita na meron na naman daw
nawawala dito sa lugar natin.BERTO: Oo nabalitaan ko nga din yun? may nagtanong pa nga sa akin na ilang kabataan
kung saan daw matatagpuan ang estatwa, pinagbawalan ko sila pero nagpunta pa din.ADORA: Nagpunta ako ng bayan kanina, nakita ko may mga nakapaskel ng mga
nawawalang kabataan, at ang iba ay hindi tiga dito.Siguradong nagpunta sila sa
dalampasigan.BERTO: Naku baka isa yun sa mga nagtanong sa akin, kawawa naman.
Bakit may nagpupunta pa doon? ang laki na nga ng nakasulat sa
karatula na bawal pumasok doon.ADORA: Hindi mo ba alam laging nawawala ang karatula doon, maraming
interesado makita ang estatwa ni Kasandra pero natatakot, mula nung umalis
sila manang Carmen wala ng nagpupunta doon, pero ngayon mga tiga ibang lugar ang
dumadayo, nakakaawa naman ang mga nabibiktima. Papano ko sila matutulungan, mga
nawala na sila.BERTO: Wala ka ng maitutulong sa kanila, nawala na sila.
ADORA: Yung mga bagong nagpunta doon pwede ko sila matulungan , pero papano ko
sila matutulungan hindi nila alam na may alam ako, at hindi ko alam kung sinu sino ang mga nagpunta doon,.BERTO: Wala kang magagawa doon Adora.
ADORA: Tutuloy ka pa din ba bukas?
BERTO: Oo, huwag ka mag alala hindi mangyayari ang sinasabi mo, mag iingat ako.
ADORA: Bakit ba naman kase hindi na lang yung kaibigan mo na yan ang pumunta dito?
BERTO: Kung pwede nga lang sana pero hindi puwede, wala na syang ibang kamag
anak sa Pilipinas, pinakiusapan lang nya ako na samahan ko sya
habang nasa Maynila sya, binebenta na kasi nila ang bahay nila sa Maynila at
meron na raw bibili, kaya umuwi sya para asikasuhin, e ako lang ang inaasahan nun,
huwag na huwag mo ipapa alam kay kuyang na luluwas ako ha.ADORA: Ano ang sasabihin ko kapag tumawag?
BERTO: Basta bahala ka na magdahilan.
ADORA: Oo sige na, bukas saan kayo magkikita?
BERTO: Sa isang mall daw sa Maynila tetext ko sya pag nasa mall na ako.
ADORA: Ano pa nga ba magagawa ko, basta mag ingat ka.
BERTO: Oo, ako bahala.
Kinabukasan , madaling araw pa lamang ay nakahanda na si Berto para lumuwas ng Maynila, 10 oras din ang biyahe pa luwas ng Maynila, pumunta ito sa sakayan ng bus... Samantala sa dako ng dalampasigan sa puno ng Hermosa ay biglang humangin ng malakas at gumalaw ang mga sanga ng puno at sinundan ang mga bakas ni Berto..
Bandang hapon ay naghahanda ng mag ayos si Hazel
MILA: Huwag ka magtatagal anak ha?
HAZEL: Opo inay huwag ka na mag alala sandali lang kami.
MILA: Aba e anong oras na mag aalas kuwatro na , baka gabihin na kayo nyan.
HAZEL: Hindi naman po siguro.
MILA: Siguro? Bakit kasi hindi kayo kaagad umalis ng ma aga aga.
HAZEL: E tinapos ko lang po gawin yung project para wala na akong problema,
yung assingment na lang.MILA: Hmm o sige mag ingat kayo.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...