Kinagabihan...
Habang nasa silid si Hazel para matulog ay narinig na niya ang himig ng piano..
Tinakpan ni Hazel ang kanyang mga tenga hangga't nawala ito.
Nakatulog sya nang tinabihan ng kanyang ina.
Habang kinukumutan ni Aling Mila si Hazel ay bigla na lamang humangin sa paligid. Walang kamalay malay si Mila na naka silip ang estatwa sa may bintana. Bahagyang nakaramdam ng takot si aling Mila.
Hindi na lamang niya ito pinansin at siya ay nakatulog na din.
Makalipas ang dalawang araw.
Kagagaling ng eskwela ni Hazel at Mia, nakasalubong nila si Adel sa daan.
"Nandito na ang Tiya Carmen ko nasa bahay namin, halikasumama ka sa akin." Aya ni Adel.
"Sige sasama ako sayo magpapa alam lang ako kay nanay."Pagdating nila sa bahay nila Adel, nakita nila si Carmen na nakadungaw sa may bintana.
"Mano po Tyang, siya si Hazel kaklase ko po."
"Kaawaan kayo ng Diyos."
"Tiya Carmen, may sasabihin po kami sa inyo,"
"Ano yon?"
"Nakita namin ang babaeng statwa, sa puno ng Hermosa!"
"Ano?"
Nagimbal si Carmen sa sinabi ng mga bata.
"Naku! Malaking pagkakamali ang nagawa ninyo! Ilang beses na kitang sinabihan Adel!"
At bigla niyang hinawakan sa kamay sina Adel at Hazel.
"Mag siupo kayo at sasabihin ko sa inyo ang misteryong bumabalot sa puno na 'yon, maupo kayo dito, dapat niyo itong malaman."
Umalis si Carmen upang pumasok sa kanyang silid at mayroon itong kinuha.
"Natatakot ako sa sasabihin ni Tiya Carmen,"
"Oo nga pero dapat natin malaman."
Pagdating ni Carmen ay may dala itong lumang libro na parang diary.
Naupo ang dalawa sa upuan sa harapan ni Carmen na takot na takot.
Ngunit maya-maya lamang ay dumating ang ina ni Adel.
"Ate Carmen nandito ka na pala?"
"Oo, kadarating ko lang kanina," sabi ni Carmen at nagpatuloy ito magsalita.
"Belen, may problema ang anak mo!" Bulalas ni Carmen.
"Ha, ano sinasabi mo ate?" Kinakabahan na sabi ni Belen.
"Nag-uumpisa na naman ang sumpa!"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ang dalawang batang ito, nagpunta sa dalampasigan at lumapit sa puno ng Hermosa!"
"Bakit kayo nag punta doon? Adel sinabi ko na sa yo na wala ng nag
pupunta sa dalampasigan na yon, bakit mo ako sinuway?!""Sorry po Mama, gusto lang naman naming makita yung statwa,"
"Nakita niyo yung Estatwa?
"Opo."
"Totoo nga na may statwa doon ate Carmen!"
"Oo, totoong meron doon."
Napaupo sa kaba si Belen.
"Ate anong gagawin natin?" Natatakot na sabi ni Belen.
"Kailangan natin ipatawag ang mga magulang ni Hazel upang malaman nila ang mga pwedeng mangyari sa kanilang anak,"
"Uuwi po ako, tatawagin ko sila."
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...