Pagdating nila sa mansyon si Gobernor Raul.
"Tiyo Raul sinusundan nya kami!"
"Isara lahat ng bintana at mga pinto!" utos ni Gobernor Raul sa mga katiwala.
At pagkasara ng mga pinto at bintana ay tinawagan agad ni Beatrice ang kanyang ama at ina. "Mama, nandito kami kina Tiyo Raul ngayon, bukas na lamang kayo pumunta dito.
"Ano ang nangyari anak?"
"Huwag na kayo mag alala mama, ligtas kaming lahat,bukas na lamang tayo magkita!"
...
Naupo sila sa sala
"Nakita ko rin ang buong kaanyuan nya! Nakakakilabot!'
"Kailangan maibigay ang mga Benditas sa kanya!"
"Alam na namin kung saan ito makukuha Beatrice, malapit na matapos ang sumpa!"
"Saan ito matatagpuan?" tanong ni Beatrice.
"Sa isang tagong kagubatan ng Sta. Barbara si Antonio Jose ang kukuha ng mga Benditas.
"Hindi po ba mapanganib pumasok sa gubat na iyon?"
"Siguradong mapanganib ito, ngunit may mga pangontra si Antonio at eksperto sya sa mga ganitong bagay kaya malalagpasan nya ang mga ito!"
"Sana makuha na nya at makaligtas ng maibigay na kay Kasandra ang hinihiling nya at matapos na ang sumpa!"
"Kaya bukas na bukas ay lalakad kami ni Leandro, sasamahan namin si Antonio hanggang bukana ng gubat!"
...
Kinabukasan ay nakahanda na sila patungo sa kagubatan.
Sumakay sila ng kabayo mula sa hacienda ni Don Miguel.Matapos ang mahaba-habang paglalakbay.
"Nandito na tayo sa kagubatan!" sabi ni Antonio Jose.
Bumaba sila at nakita nila na may makapal na parang usok sa bukana ng gubat.
"Bakit may makapal na parang usok?" nagtatakang tanong ni Leandro.
"Hindi ko alam Leandro, ngayon lang ako nakarating dito, sigurado ka ba Antonio na papasok ka mag isa dyan?"
"Oo may dala akong mga pangontra, huwag kayong mag alala sa akin!"
"Mag-iingat ka!"
Iniabot ni Antonio ang kanyang diary na libro kay Gobernor Raul.
"Ano to?"
"Hawakan mo na muna ito Gobernor Raul, dyan ko sinulat lahat ang mga pangyayari, yung mga ikinuwento nyo sa akin tungkol kay Beatrice at Leandro, ang storya ng pag iibigan nila at kung papano nagsimula ang mga sumpa ni Kasandra, at ang aking kaalamanan, ngunit hindi matatapos ang librong iyan hangga't hindi ko nakukuha ang mga benditas, kaya kailangan ko itong gawin upang matapos ang libro na yan at matapos ang sumpa!"
"Ako ang bahala dito Antonio mag iingat ka,hihintayin namin ang iyong paglabas,"
Kinuha ni Antonio ang kanyang mga gamit at pumasok na ito sa kagubatan..
Ngunit lumipas ang mga oras ay hindi pa din ito lumalabas. May naririnig silang mga malalakas na alingawngaw mula sa gubat.
"Anong ingay yon?!"
Hindi makakibo si Gobernor Raul, dahil pati sya ay kinikilabutan sa kanyang mga naririnig.
"Ang tagal naman ni Antonio Jose?"
Ngunit mag didilim na ay wala pa din ito.
"Wala pa din sya ano na kaya nangyari sa kanya?"
"Ano po kaya kung puntahan natin sya sa loob?"
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...