Pagpasok nila sa kagubatan ay nakita nila si Beatrice na nakaipit ang mga paa, at naglalapitan ang mga taong puno,
Pinagtulung tulungan nilang alisin ang mga paa ni Beatrice, at maya maya ay naalis ito, inakay nila si Beatrice ngunit inabutan sila ng oras, nawalan na nyg bisa ang kanilang kinain na bunga, pag punta nila ng makapal na usok ay lumabas sila ngunit paglabas nila ay biglang nasa tabi sila ulit ng mga halaman ng Benditas..BEATRICE: Leandro inabutan na tayo ng oras, hindi na tayo makakalabas!
Nakita nila na naglalapitan na ang mga taong puno..
..........
Samantala sa labas ng kagubatan habang naghinintay sila Hazel ay biglang narinig nila ang himig ng piano at nagpakita ang estatwa ni Kasandra..
Nagsindi ng kandila si Mang Kario habang binubugaw nila si Kasandra, nakangisi lamang ito sa kanila.
HAZEL: Malapit na magkabilugan ng buwan, Hindi na tayo nakaligtas, hindi na sila makakalabas ng kagubatan,
huhuhu, nanay!!Samantala sa loob ng kagubatan..
BEATRICE: Wala na tayong pag asa Leandro huhuhu!
At may naalala si Patrick.
PATRICK: Jasper diba may sobra pang bunga ng Hermosa?
Biglang Kinapa ni Jasper ang kanyang mga bulsa..
JASPER: Oo meron pa.Kinuha ito isa isa ni Jasper ngunit nagkulang ng isa.
JASPER: Bakit nag kulang ng isa ito?
PATRICK: Tingnan mo mabuti Jasper!Papalapit na ang mga taong puno..
LEANDRO: Kainin na ninyo yan at iwanan nyo na ako dito!
BEATRICE: Leandro hindi ako papayag sasama ako sayo Leandro!
LEANDRO: Basta mahal na mahal kita,sumama ka na sa kanila,,
Kailangan mong tapusin ang sumpa.BEATRICE: Hindi Leandro,ayoko, pag hatian natin ito!
PATRICK: Hindi pwede pag hatian, wala din itong bisa!
JASPER:Sandali lang, ayun yung isang bunga nahulog sa bulsa ko, kukunin ko.Ngunit marami ang lumalapit na mga taong puno.Kinain ni Jasper ang kanyang hawak na bunga at kanyang nilunok, at nag atrasan ulit ang mga taong puno, pinuntahan ni Jasper ang bunga na nahulog.Kinuha nya agad ito,
JASPER: Eto na yung isa.
Sabay sabay nila ito kinain at biglang nag atrasan ang mga taong puno na lumalapit sa kanila.
Tumakbo sila papalabas hanggang nakalabas sila ng kagubatan nakita nila na nilalapitan sila ni Kasandra at bigla na kamang nawala ito..
JASPER: Adel!
ADEL: Jasper?!
HAZEL: Patrick!Nagyakapan silang magkakasintahan.
MILA: Salamat at nakaligtas kayo! salamat at nakaligtas kayo!
LEANDRO: Nasa sa akin na ang mga Benditas!
LUCAS: Kailangan na natin umalis dito!.........
Pagdating nila ng bahay ng hacienda ni Don miguel ay nag ring ang cellphone ni Beatrice.
BEATRICE: Hello papa, nasaan kayo? ... opo pupunta po kami dyan.BEATRICE: Leandro doon tayo sa aming bahay, dumating ang papa't mama.
Pumunta silang lahat sa mansion nila Dr. Alfonzo.
DR. ALFONZO: Anak, kamusta ka na? hindi kami nakatiis ng mama mo kaya
sinundan ka namin dito.
MARTINA: Beatrice anak..Niyakap ni Martina si Beatrice.
BEATRICE: Papa, Mama!
Pinakilala ni Beatrice ang lahat sa kanyang mga magulang at sinabi nila ang nangyari.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...