Chapter 10

4.8K 137 20
                                    

Napansin ni Beatrice na walang lumalapit sa kanya, at maraming mga lalaki ang lumalapit kay Kasandra upang makipag sayaw ngunit tinatanggihan niya ito.

"Bakit hindi ka makipag sayaw, kahit isa sa kanila?"

"Nahihiya ako ate, hindi ako sanay,"

Maya-maya lang ay nakita ni Beatrice na papalapit si Leandro sa kainauupuan nila ni Kasandra, kinabahan ito ng bigla, pumikit si Beatrice at yumuko dahil kinakabahan sya sa paglapit ni Leandro, ito na ang matagal niyang pinakahihintay ang makita muli si Leandro at makilala.At paglapit ni Leandro at iniabot niya ang kanyang mga kamay at nagsalita ito.

"Miss pwede ba kita maisayaw?"

Dahan-dahang Binuksan ni Beatrice ang kanyang mga mata.

Nakita ni Beatrice ang kanang kamay ni Leandro na iniaabot sa kanya, sa pagitan nila ni Kasandra.

Kinabahan si Beatrice at iaabot din nya ang kanyang kamay ngunit pag tingin nya kay Leandro ay Kasandra ito nakatingin.

"Oo ba!" Nakangiting sambit ni Kasandra.

            At iniabot ni Kasandra ang kanyang kamay kay Leandro at nagpunta sila sa mga may nagsasayawan.Hindi makakibo si Beatrice biglang nanginig ang kanyang buong kalamnan at nanlamig, at para siyang matutunaw na kandila.Nakaramdam siya ng matinding selos. Pakiramdam niya ay hindi siya maganda, nakita niyang masayang nagtitinginan sila Kasandra at Leandro habang nagsasayaw..

            At maya-maya lang ay narinig nya ang usapan ng mga kabinataan na mga nakatayo malapit sa kinauupuan niya.

"Sabi ko na nga ba si Leandro ang gusto nya e, nakakawalan ng pag asa, biruin mo yung pinaka magandang babae dito sya na naman ang natipuhan!" dismayadong sabi ng binata.

"Wala na tayo magagawa mga pare, si Leandro talaga ang pinaka sikat dito.Maghanap na lang tayo ng iba," sabi naman ng isa.

"Wala na akong makita, alangan naman yung mga walang nakipag sayaw yung lapitan natin? No way!"

Napatingin ang isa kay Beatrice.

"Pare tingnan mo yung babaeng naka belo, mukhang maganda, baka gusto nyong lapitan?" Sabi naman nung isang binata.

"Naku di bale na lang, bakit siya naka belo? Ikaw na lang pare kung gusto mo!"

"Ayoko nga, maghihintay na lang ako matapos si Leandro makipagsayaw, at ako naman ang susunod!"

"Sa tingin niyo ba pakakawalan pa ni Leandro yung maganda na babaeng yon?"

            Nakadama si Beatrice ng sama ng loob sa kanyang mga narinig.

Samantala...sa lamesa ni Sylvia Montes ay tinitingnan niya ang kasayaw ni Leandro.

Napansin siya ng mga kasama niya sa table na panay ang titig ni Sylvia kina Leandro,

"Sylvia kanina ka pa nakatingin sa anak mo, napakagaling pumili manang-mana sa kanyang ama haha!" sabi ng isa sa mga kaibigan ni Sylvia.

"Sino ba ang babaing 'yon? sino kaya ang mga magulang?" sabi ni Sylvia habang nakatitig pa rin ka Kasandra.

            "Hindi ko kilala, pero malamang ay alam na ni Leandro ngayon yan," sabi ng katabi niya.Hindi na nakakibo si Sylvia.

            At nang natapos na ang unang tugtog ay lumayo sina Leandro at Kasandra at nagpunta sa kabilang hardin, nakita 'yon ni Beatrice at di na nakatiis sa kanyang nararamdaman kaya biglang tumayo ito at gusto ng umuwi, hinabol siya ni Luna.

"Senyorita!, saan ka pupunta?"

"Uuwi na ko Luna, hindi ko na kaya!"

"Sandali lang papano si Kasandra?"

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon