Chapter 40

1.4K 45 4
                                    

Pagpasok ni Beatrice sa loob ng comfort room ay nakita nya si Adel na nananalamin , may iba pang babae sa loob nito.

ADEL: Hazel tapos ka na ba?
HAZEL: Sandali na lang.

Paglabas ni Hazel ay si Adel naman ang pumasok sa loob ng cubicle , at sa kabilang cubicle ay pumasok naman si Beatrice.May pumasok na dalawang babae.

BABAE 1: Bakit may mga lalaking nasa labas ng cr, binabantayan nila
mga girlfriend nila, nakakatawa naman haha.
BABAE 2: Oo nga eh, ang guguwapo nung mga yun no?

Lumabas ng cubilcle sina Adel at Beatrice.
Nakita nila si Beatrice nagka tinginan lamang sila.

HAZEL: Tara na Adel.

Ng papalapit sa pinto si Adel at Hazel ay biglang.....

narinig nila ang himig ng nag pi piano.

Knilabutan si Beatrice..

BEATRICE: Wala ba kayong naririnig?

Tanong ni Beatrice sa babae na katabi nya.

BABAE: Ano yon? wala naman ah, hay makalabas na nga tara na Gina!
Sabi ng babae sa kasama nito.
At lumabas na ang mga babae sa cr at naiwan na lamang silang tatlo.

Naiwan sa loob sina Hazel takot na takot, hindi agad sila makatinag sa kanilang kinatatayuan, tumingin sila kay Beatrice.

HAZEL: Naririnig mo din ang himig na iyon,?
BEATRICE: Oo, naririnig nyo rin ba?
ADEL: Oo
HAZEL: Isa rin kayo na nakalapit sa puno ng Hermosa gaya namin, biktima kayo ng sumpa?
BEATRICE: Oo, kaya ako nagbalik sa lugar na ito ay para matapos na ang sumpa!
ADEL: Pero isa lang ang maaaring maka alis ng sumpa.
BEATRICE: Oo alam ko at ako yon.

Maya maya ay lalong lumakas ang himig at biglang nag galawan ang mga gamit sa loob ng cr gaya ng mga sabon at hand towel na nasa loob nito,

HAZEL: Ikaw po ba si Beatrice?!
BEATRICE: Oo ako nga bakit nyo ko kilala?

Biglang humangin ng malakas at biglang nagpakita sa ka nila ang estatwa ni Kasandra, nasa dulo ito , nakataingin ito ng masama sa kanila, nanlilisik ang mga mata nito, at bigla itong humakbang papalit sa kanila, ilang hakabang lamang ay aabutin sila nito dahil maliit lamang ang banyo na iyon, takot na takot sila Beatrice, hindi nila mabuksan ang pinto, narinig nila Leandro ang ingay sa pinto.

PATRICK: Hazel, Adel buksan nyo ang pinto!
LEANDRO: Beatrice buksan mo ang pinto!

Napatingin si Patrick at Jasper kay Leandro.

JASPER: Beatrice?
PATRICK: Kilala nyo si Beatrice?
LEANDRO: Oo asawa ko sya, Beatrice buksan mo ang pinto.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon