Maya maya lang ay dumating na sina Adel at Jasper kasama nila Lucas, Belen at CArmen, may dala dala silang mga kandila.
CARMEN: Kario sindihan natin ang mga kandila ngayon din at isara lahat ng
bintana.
KARIO: Para saan po yang mga kandila na yan?CARMEN: Natatandaan ko na nakalagay sa libro sa pangalawang pagbabalik ni
Kasandra ay mas may lakas ito di gaya ng una, at takot sya sa apoy. Ito ang
makakatulong sa atin pansamantala.Sinindihan agad nila ang mga kandila at sinara lahat ng bintana.
BELEN: Ano ang gagawin natin, ito ang kinakatakutan nating lahat ang
araw na ito, huhuhu.
Umiiyak na sabi ni Belen..
CARMEN: Isa lamang ang nararapat gawin ng bata.
ADEL: Ano po yun?
CARMEN: Kailangan nating bumalik ng Sta. Barbara, nakasulat sa libro ang dapat
gawin, ngunit hindi pa din tayo nakakasiguro sa kaligtasan ng mga bata,
dahil ang libro ay hindi natapos.
HAZEL: Papano gagawin namin?
CARMEN: Kailangan natin bumalik ng Sta. Barbara.
ADEL: Ayoko napo bumalik doon natatakot kami!
CARMEN: Ngunit kailangan, marami pang nakasulat sa libro, kailangan nating
alamin kailangan natin mabasa ang libro.
KARIO: Lalo lang malalagay sa panganib ang mga bata kung babalik tayo doon?
JASPER: Ano pong libro yon? Kung gusto po ninyo kami na lamang ang
kukuha ng libro na yon at ibibigay namin sa inyo.
CARMEN: Kahit nandito ang libro ay kailangan pa din bumalik ng Sta. Barbara.
MILA: Bakit?
CARMEN: Dahil nasa Sta. Barbara ang mga gagawin para mawala ang sumpa.
LUCAS: Diba sabi ninyo hindi tapos ang libro, papano maaalis ang sumpa.
CARMEN: Hindi natapos dahil walang nakakagawa ng mga pagsubok na yon.
MARIO: Ano ang mga pagsubok na kanilang gagawin?
CARMEN: Nakasulat sa libro kaya kailangan natin bumalik sa lalong madaling
panahon bago abutan ang mga bata ng kabilugan ng buwan!ADEL: Tiya Carmen hindi ko po kaya pumunta don huhuhu.
HAZEL: Ako din po !
MILA: Wala tayong magagawa kailangan nating bumalik doon, nasa Sta. barbara ang sekreto.
CARMEN: Kahit nandito kayo sa Maynila ay magpapakita na din sya sa inyo,
natunton na nila kayo kaya wala itong pinag kaiba.Maya maya ay may kumatok sa pinto.
PATRICK: May kumakatok po sa pinto ako na po ang magbubukas.
HAZEL: Patrick huwag mo bubuksan yan!!
PATRICK: Ha bakit!?
HAZEL: Basta huwag mo buksan!Nagdagdag si Kario ng mga kandila at sinindihan.
CARMEN: Tandaan ninyo kahit sinong kumatok sa pinto ay huwag na huwag
ninyo bubuksan, kailangan nating mag ingat, tuwing gabi siya nagpapakita at kapag
sumapit ang kabilugan ng buwan doon lamang siya may malakas na kapangyarihan,
PATRICK: Kung gayon po ay hindi sya malakas dahil hindi pa kabilugan
ng buwan ngayon?
CARMEN: Oo, ngunit ito na ang pangalawa nyang pagbabalik kaya mas may lakas
sya kaya mapanganib, tanging dasal at ang mga kandila lamang ang makakatulong sa atin pansamantala..
BELEN: Pero Ate Carmen, noon nakakapasok sya kahit nakasara ang mga pinto.
bat po noon hindi tayo gumamit ng kandila?
CARMEN: Sa pangalawang pagbabalik lamang ito may bisa dahil meron syang ibang
lakas, di gaya ng dati.
LUCAS: Kung sakaling hindi magtagumpay ang mga bata sa pagsubok, maaari ba
nating ulitin ang ating ginawa noon? Ang maglakad patalikod?
CARMEN: Ang nakasulat sa libro ay isang beses lamang ito maaaring gawin,
masusundan ka na nya kahit ano pa ang gawin natin.
LUCAS: Bukas na bukas din ay babalik tayo ng Santa Barbara!
PATRICK: Sasama po kami!
LUCAS: Hindi kayo maaaring sumama baka madamay pa kayo.
JASPER: Kailangan po naming matulungan sila Adel, kung anu man po ang
aming magagawa!
MILA: Ngunit papano ang inyong mga magulang?
PATRICK: Sa dormitory po kami naka tira, tatawagan na lamang namin
ang aming mga magulang.
JASPER: Oo nga po kailangan kami nila Hazel at Adel.
ADEL: Pero Jasper?
JASPER: Hindi kita papabayaan.
HAZEL: Sigurado na ba kayo ha Patrick?
PATRICK: Oo, sigurado na ako!
ADEL: Salamat sa inyong dalawa.MILA: Maghahanda ako ng hapunan.
Habang sila ay naghahapunan sa lamesa ay kung anu ano ang naririnig nilang ingay sa labas.
At lumalakas ang mga hangin.Takot na takot ang mga bata.MIA: Nanay natatakot ako!
MILA: Huwag ka matakot , hangga't nakasindi ang mga kandila na iyan ay hindi
makakapasok dito sa loob ng bahay.
KARIO: Ano ang plano natin na gawin bukas pagdating ng Sta. Barbara.?
CARMEN: Kailangang mabasa ko ang libro.Matapos nilang kumain at makalipas ang ilang oras.
KARIO: Magsitulog na kayo mga bata at kami na ang bahalang magbantay dito,
bukas na bukas pagsikat ng araw ay aalis tayo !
PATRICK: Kami na po ni Jasper ang bahala, kami na po ang magbabantay
ng mga kandila, magpahinga na po kayong lahat!
KARIO: Sigurado ka ba iho?
PATRICK: Opo sigurado po kami.MILA: Belen halika na kayo , dun kayo matulog sa kuwarto ng mga bata.
BELEN: Hay Mila heto na naman tayo!
MILA: Oo nga Belen, pero kailangan nating harapin.Pumasok na sila ng silid at naiwan sa sala sila Adel, maya maya ay lumakas ang mga hangin at malakas ang mga kabog sa mga bintana at pinto, napapatayo si Jasper at Patrick na di mapalagay..
HAZEL: Huwag kayong matakot hindi sya makakapasok sa loob ,
kaya kailangan nating bantayan ang mga kandila.
PATRICK: Kinikilabutan ako, hindi ako makapaniwala sa mga pinag uusapan
ninyo, totoo pala lahat ng mga naikuwento mo sa akin.
HAZEL: ito na ang mga araw na kinakatakutan naming lahat.Niyakap siya si Patrick
PATRICK: Huwag ka na matakot, lalaban tayo, may awa ang Diyos kailangan
nating magdasal, walang nagtatagumpay na kasamaan laban sa kabutihan
kaya huwag ka matakot.Binantayan nila Jasper at Patrick ang mga kandila habang natutulog ang lahat, at maya maya ay sumikat na ang mga araw, huminto na ang mga ingay..nung nagliwanag na ay tsaka lamang nakatulog si Patrick at Jasper..
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...