Lumabas na ng bahay si Hazel at nakita nya si Adel naghihintay sa gate ng compound.HAZEL: Adel kanina ka pa ba?
ADEL: Kalalabas ko lang,nasa mall na yung dalawa, dun na lang tayo magkita.
HAZEL: Ok tara na.
Sumakay sila ng LRT papuntang mall at pagdating nila sa mall ay, nakita nila sila Jasper at Patick naghinintay.
JASPER: Akala namin inindian nyo na kami e.
ADEL: Muntik na nga eh hahaha!
PATRICK: Ok lets go, nood tayo ng sine.
HAZEL: Adel bumili ka na muna kaya ng dictionary.
ADEL: Mamaya na lang bago tayo umuwi maaga pa naman eh.
JASPER: Tsaka mag uumpisahan na ang palabas.
PATRICK: Bilisan natin baka hindi natin maumpisahan.
Nakasakay pa din ng bus si Berto.
BERTO: Dalawang oras na lang at nasa Maynila na ako, magdidilim na pala.
Pag lubog ng araw, biglang humangin ang puno ng Hermosa at sinundan nya ang mga bakas ni Berto na kasing bilis ng bulalakaw, walang ka malay malay si Berto na nakasunod sa kanya ang estatwa.
Makalipas ang dalawang oras, bumaba ito ng bus at sumakay ng jeep papunta sa mall na napag usapan nila ng kanyang kaibigan..Samantala kalalabas ng sinehan sina Hazel , Adel, Patrick at Jasper.
ADEL: Ang ganda ng movie nakaka in love.
JASPER: Kaya ba inlove ka lalo sa akin no?
ADEL: Sa movie lang, teka samahan nyo muna ako bumili ng dictionary
dyan sa book store.Pagdating nila sa tapat ng books store.
HAZEL: Dyan ko mismo nabili yung dictionary ko.
ADEL: Sandali lang at bibili lang ako.
JASPER: Samahan na kita Adel.
HAZEL: Maghihintay na lang kami ni Patrick dito sa labas.
ADEL: Ok,wait nyo kami dyan ha.
Pumasok sa loob ng book store ang magkasintahan.
Pumunta naman sila Hazel at Jasper sa terrace ng Mall malapit sa may escalator.PATRICK: Anong masasabi mo sa napanood natin nagustuhan mo ba?
HAZEL: Oo naman, ang galing nakaka inlove.
PATRICK: Sana tayo din magkatuluyan no.
HAZEL: Sana nga.
PATRICK: Kaya dapat lagi tayong magmahalan.
At inakbayan niya si Hazel.HAZEL: Uy ano ba, lumayo ka ng konti.
PATRICK: Bakit naman wala naman masama ah.
HAZEL: Kahit na nakakahiya e,hindi pa ako sanay ng ina akbayan.
PATRICK: Ok po.
HAZEL: Teka na muna pupunta lang ako sa cr,dito ka na muna baka dumating
na yung dalawa.PATRICK: Ok sige..
Samantala naglalakad si Berto sa loob ng mall wala syang kamalay malay na naka sunod sa kanya si Kasandra, walang nakakakita dito, at natanawan ni Berto ang kanyang kaibigan.
BERTO: Ayun si Gerry! Gerry nandito ako!
Habang naglalakad sya papalapit kay Gerry ay biglang nakasalubong nya si Hazel at nag kabanggaan ang kanilang mga balikat.
HAZEL: Ay sorry po.
BERTO: Sorry din.
Hindi nila nakilala ang isa't isa sa bilis ng pangyayari at tuloy tuloy na naglakad si Berto papalapit kay Gerry.
GERRY: Berto?
BERTO: Gerry? Kamusta ka na?
GERRY: Mabuti naman, buti at nakarating ka?
BERTO: Oo naman basta ikaw,.
At umalis na sila..
Nakasunod si Kasandra kay Berto at tuloy tuloy itong nag lakad kasama ng kaibigan, ngunit biglang huminto si Kasandra, dahil nakita nya si Hazel, lumingon si Kasandra at nakita nya si Hazel, biglang tinuro ni Kasandra si Hazel ngumisi ang mukha nito at ito naman ang kanyang sinundan, lumapit si Kasandra kay Hazel at sumunod sa likod nito..
Paglabas ng bookstore nila Adel at Jasper... Nakita ni Adel si Berto na naglalakad papalayo at bumaba ng escalator..kinilabutan si Adel at hindi agad makakilos sa kanyang kinatatayuan,
Samantala bumalik agad si Hazel kay Patrick.PATRICK: O, akala ko ba mag si cr ka?
HAZEL: Eh parang ayoko na may naramdaman lang akong kakaiba.
Nakita ni Hazel si Adel.
HAZEL: Adel, nandito kami.
Nang narinig ni Adel boses ni Hazel ay tsaka lamang ito nakakilos.
JASPER: Ok ka lang ba?
At lumapit sila kina Hazel.
PATRICK: O bakit para kang nakakita ng multo.
ADEL: Na... na... Nakita ko si Tiyo Berto.Nauutal sa takot na sabi ni Adel.
HAZEL: Ha? saan mo nakita?
ADEL: Nakita ko bumaba sya ng escalator.
HAZEL: Baka naman hindi sya ang nakita mo?
ADEL: Sya yun hindi ako maaaring magkamali, tiyo ko yun at matagal na namin
syang kasama sa bahay sa Santa Barbara, at kailan lang nagpadala sya ng sulat kay papa
may kasamang larawan nila ni Manang Adora.JASPER:Ano ba nangyayari? Ano ba nakita mo?
ADEL: Yung Tiyuhin ko..
HAZEL: Baka sya yung nakabangga ko, nagkabanggaan ang aming mga balikat.
ADEL: Baka nakita na tayo ni Kasandra, kinakabahan ako, anong oras na Jasper?
JASPER: Alas syete na ng gabi bakit?
PATRICK: Teka naguguluhan ako sa inyong dalawa, sino yung tiyo mo?
HAZEL: Natatakot kami kasi baka nasundan kami ng estatwa.
Tumingin sa paligid si Patrick.
PATRICK: Wala naman ah.
HAZEL: Hindi agad sya magpapakita.
PATRICK: Huwag nga kayo mag isip ng ganyan.
ADEL: Mabuti pa umuwi na tayo, dapat malaman nila Tiya Carmen to.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...