Chapter 17

5.4K 133 4
                                    

"Saan ka nanggaling Luna?" tanong ni Elsa.

"S-sinundan ko si Kasandra, dahil gusto ko lang malaman kung ano ang kaniyang gagawin! Nagtungo siya sa dalampasigan at n-nakita ko NAGPAKAMATAY SIYA! At nag-iwan siya ng Sumpa!" bulalas ni Luna.

Kinilabutan ang lahat sa kaniyang sinabi.

"Anong sumpa?" tanong ni Gobernor Raul.

"Sinumpa nya si Senyorita Beatrice at Senyorito Leandro at mga tao dito sa Sta.Barbara, at sinabi niya na sya ang mag po-protekta sa puno lahat na magtatangkang lumapit sa puno ay kanyang isusumpa! Magbabalik daw sya at maghahasik ng lagim at pag sumapit ang

kabilugan ng buwan ay kukunin nya at isasama nya sa kadiliman!"

"Ano ang po protektahan nya? ano ang meron sa puno na yon?" tanong ni Gobernor Raul.

"H-Hindi ko po alam, matapos nyang sabihin ito ay nagbigti sya at nakita ko biglang

gumalaw yung istatwa na nasa kanyang tabi!" Naghihisterya habang sinasabi ito ni Luna.

"Luna huminahon ka!" sabi ni Elsa at hinagod niya sa likod ito.

"Yung imahe na 'yon ang aking inukit, bakit ko nagawang iukit sya ng ganon?" kinikilabutang sabi naman ni Leandro.

"Ano ang ating gagawin?" kinakabahang sabi ni Don Miguel.

"Papano ang mga bata?" nag-aalalang sabi ni Donya Martina.

"Kailangan nating umalis na dito!" sabi naman ni Dr. Alfonzo.

"Huwag tayo masyadong padalos-dalos, hindi totoo yang mga sumpa na yan!" sabi naman ni Governor Raul.

"Ngunit ang piano tumugtog ito ng nag iisa?" sabi ni Donya Martin.

"Hindi tayo maaaring mag desisyon agad-agaran!"

Nag-usap-usap sila at napag desisyunan na kailangan na muna nilang makausap si Aurora

at nagbabalak bago lisanin ang Santa Barbara.

...

Nung gabing iyon sa pagtulog ni Leandro ay nanaginip ito na katabi niya si Kasandra sa kama at hinahalikan sya nito.

"Layuan mo ako! Hindi kita mahal, wala akong nararamdaman na

kahit ano sayo!"

"Sabi mo pakakasalan mo ako?" Sabi ni Kasandra

At maya maya ay nagbago ang mukha ni Kasandra, naging statwa ito.

"Pakasalan mo ako Leandro!" Malamig na boses na sabi nito.

At lalapitan sya, biglang nagising si Leandro at napaupo sa kama.

...

Gayon din si Beatrice, napanaginipan din niya si Kasandra.

"Ibalik mo sa akin ang mga Benditas Beatrice!ibalik mo sa akin!"

Maya-maya ay nagbago ang mukha ni Kasandra, naging kahoy ang mukha nito, at papalapit sa kanya, nagsisigaw si Beatrice at bigla syang nagising.

.............

Makalipas ang isang Buwan.

Nasa kanyang opisina si Gobernor Raul, nagsusulat ito nang may biglang kumatok ng kanyang opisina, binuksan ito ng kanyang sekretarya.

"Gobernor Raul, may mga kabataang nawawala at hindi ito matukoy kung nasaan sila!"

"Ano? Bakit nawalala?"

"Nandito po ang mga magulang ng mga batang nawawala, kakausapin daw po kayo,"

Pumasok ang mga magulang ng mga nawawala.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon