Pagbalik sa silid ni Kasandra.
"O Kasandra bakit ang aga mo?, mamaya pa matatapos ang kasiyahan ah, wala pa sina Elsa at iba pa dito,' sabi ng ina niyang si Aurora.
"Ay naku nay, umalis bigla yang Beatrice na 'yan at iniwan ako!"
"Ano bakit?"
"Alam mo ba nay ako ang sinayaw ni Leandro at hindi siya?"
"Ano? Papano nangyari yon e ang ganda ganda ni Beatrice at napakaganda ng kanyang kasuotan, galing pa ng ibang bansa, masyado kang ilusyonada!"
"Totoo po inay, ako ang nagsuot ng kanyang damit,"
"Huh? papano nangyari yon?"
"Kasi tinubuan ng mga butlig sa katawan si Beatrice, kaya pag yun ang isusuot niya makikita lahat at nakakadiri tingnan yon, kesa masayang kaya nagpalit kami, yung pinahiram niya sa akin may kasamang belo kaya natakpan niya ang kanyang likuran at mga braso,"
"Teka?, bakit nagka butlig sa katawan si Beatrice, at patingin nga ng balat mo?" Nagdududang sabi ni Aurora at kaniyang binuksan ang malaking ilaw.At tiningnan ang mga balat ni Kasandra.
"Kasandra tapatin mo ako, nag punta ka sa gubat ng Benditas? sinabi ba sayo ng tita Elena mo ang lihim na ito? ginamitan mo ba ng enigma kaya nag ka ganoon balat ni Beatrice?tapatin mo ako?"
"Ah e opo nay! wag kang maingay, wala na ako magagawa, pangarap ko si Leandro bata pa ako!"
"Pero isang hamak na mahirap ka lang, pag nalaman nila ang totoo itatakwil nila si Leandro gaya ko tinakwil nila ang iyong ama at naghirap din tayo.At ang nakakatakot ginamitan mo ng enigma si Beatrice! Kailangan mong maibigay ang huling talutot sa kaniya, magbabalik ka din sa dati mong anyo. Paglalaruan ka lamang ng Benditas na yan, kaya hindi ko na pina-alam ang lihim na yan sayo, yang si Elena dapat hindi na nya sinabi pa sayo!"
"Pero hindi lahat ng nangyari sa inyo ay mangyayari din sa'kin, iba ang panahon nyo noon at iba ang panahon ko ngayon, pag napaibig ko na si Leandro, tatangapin niya ako, at sikat na skultor at pintor si Leandro, kahit itakwil sya ng mga magulang nya, kaya nyang tumayo sa sarili nya, di gaya ng tatay!"
"Kunsabagay anak, hangga't nahuhumaling sya sa'yo ay hinding hindi ka niya iiwan, ganyan katindi ang gayuma ng Benditas na yan, pero kailangan makumpleto mo yan at kung hindi mawawala ang lahat!"
"Kaya nga wala tayo dapat ikatakot nay!"
"Anak, may ikukuwento ako sa'yo,"
" Ano po yun?"
"Noong unang panahon ang tagong gubat ng Sta. Barbara ay hindi pa mapanganib, ngunit dahil sa tago ito ay walang nakakapunta dito, hangga't may isang pangit na babae ang aksidenteng napadpad sa tagong kagubatan na iyon,"
"Doon po kung saan ko nakuha ang mga benditas?"
"Oo, at doon nakita niya ang kumikinang na kambal na bulaklak ang isa ay
matitinik at ang isa naman ay walang tinik, at kanya itong kinuha.Ngunit nang nakuha nya ito ay nawala ang mga kinang nito, nilagay nya ito sa isang flower vase.Lumipas ang mga araw ay laking pagtataka niya dahil hindi ito nalalanta.Naisipan nyang kumuha ng isang talutot mula sa mga walang tinik na bulaklak at nilagay sa isang timba at kanya itong binuhos sa kanyang katawan.Sumunod na araw sa kanyang pag gising ay laking gulat niya ng biglang gumanda siya at ang kanyang mga balat, malaporselana na hindi maihahambing kaninuman.At kinuha naman niya ang isang talutot ng kakambal nitong bulalak na puro tinik gusto nya malaman kung ano naman ang maidudulot nito at nilagay nya sa timba na may tubig at binuhos sa kanyang katawan.Ngunit sa kanyang pag gising ay nangati ang buo nyang katawan at unti unting may mga tumutubo na mga butlig at nangingitim ito, natakot ang babae kaya ginamit ulit nya ang benditas at sa isang iglap ay nawala ito.
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HororSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...