nanonood ng TV si Beatrice.
BEATRICE: Leandro, halika panoorin mo ito?
Pinakita sa TV ang bayan ng Santa Barbara at ang mga kamag anak ng mga nawawala at pinakita ang estatwa ni Kasandra, ang reporter na nagsasalita ay nasa puno mismo ng Hermosa katabi ng estatwa.
BEATRICE: My Gosh!
LEANDRO: Bakit ano ang pinapanood mo?
BEATRICE: Marami na naman nabibiktima.
LEANDRO: Pero nung umalis tayo noon ay wala naman napabalita? Pero bakit
ngayon?
BEATRICE: May nag post noon sa internet ng estatwa na yan, mula noon naging curious
ang mga tao at ginawa nila itong tourist spot, pinagbawalan na sila ng mga taga Sta.
Barbara na huwag pumunta pero matitigas pa din ang ulo nila.
LEANDRO: Oo nga kawawa naman sila.
BEATRICE: Babalik tayo ng Sta. Barbara.
LEANDRO: Pero Beatrice bakit? Mapanganib para sayo, ayokong mawala ka sa
buhay ko!
BEATRICE: Ang dami ng nadadamay Leandro, ako ang kailangan ni Kasandra...
LEANDRO: Hindi ako papayag Beatrice, hindi tayo babalik doon!Nagpunta sila sa patahian ni Eva, ngunit pagdating nila dito ay wala na ang patahian na iyon..
MILA: Nasaan na kaya si Eva, anong gagawin natin?
KARIO: Magtanong tanong tayo!Naglakad lakad sila at nagtanong sa isang babaeng may karga kargang anak na nakasalubong nilang naglalakad..
MILA: Maaari po ba magtanong?
BABAE: Ano yon?
MILA: Saan na po yung dating patahian dito na pag aari ni Eva ?
BABAE: Ah! si Eva ho yung may ari ng dating patahian?
MILA: Opo, yun nga!Masayang tugon ni Mila.
BABAE: Lumipat na sila sa San Isidro, ipagtanong na lamang ninyo doon , nag
iisa lang ang patahian na yon doon e.
MILA: Ah ganon ba, maraming salamat sayo.Bumalik agad sila ng Van.
LUCAS: Malayu layo din dito ang lugar na yon.
Pag dating nila ng San Isidro ay nakita nila ang patahian ni Eva.
MILA: Ako na lamang ang papasok dito na lamang kayo.
Bumaba ng van si Mila at pumasok sa loob ng patahian ni Eva.
MILA: Eva ?
EVA: Mila?
MILA: Oo ako nga ito, meron sana ako gustong itanong sayo?
EVA: Ang tagal mong nawala ah!
MILA: Oo mga dalawang taon din, Saan matatagpuan ang bahay nung may ari ng gown na pinahiram mo sa akin noon?
EVA: Bakit mo gusto malaman anong dahilan?
MILA: Mahabang storya Eva , kailangan kong makita si aling Elena,
EVA: Anong kailangan mo sa kanya?
MILA: May itatanong lamang ako sa kanya na mahalagang bagay!
EVA: Doon sya nakatira sa pangatlong kanto mula dito, sa tabi ng tindahan. Bagong lipat din sila doon.
MILA: Maraming salamat Eva, aalis na ako.Sumakay sila ulit sa van at nagpunta sila sa tinuro ni Eva, pagdating nila doon ay nagtanong sila sa mga tao at tinuro sa kanila ang bahay ni aling Elena..
Pagdating nila sa bahay nito ay naabutan nila itong nagwawalis ng bakuran.ELENA: Asunta huwag ka mag papakagabi, darating ang nanay mo mamaya!
ASUNTA: Opo Tiyang, babalik din ako..Habang nasa labas ng bahay ang buong mag anak ay nakasalubong nila si Asunta ang dose anyos na anak ni Aurora kay Fredo, nagtanong sila dito.
MILA: Dito po ba nakatira si Elena?
ASUNTA: Ah Tiya Elena ko , opo ayun po sya, yung nagwawalis.
MILA: Salamat .Nilapitan nila ito, napahinto si aling Elena sa pagwawalis ting-ting at tumingin sa kanila.
BELEN: Mawalang galang po, kayo po ba si aling Elena?
ELENA: Ako si Elena, ano po ba kailangan ninyo?
Nagkatinginan silang lahat.
MILA: Meron po sana kami nais itanong po sa inyo tungkol sa Benditas?
Namangha si Elena ng narinig niya ang Benditas nabitawan niya ang hawak niyang walis ting ting.
ELENA: Ah pasensya na po kayo at wala ko maitutulong sa inyo tungkol dyan
maaari na kayong umalis.
BELEN: Nakikiusap po kami, binabalutan ng sumpa ni Kasandra ang aming mga anak
at ang Benditas lamang ang tanging makakatulong sa kanila.Napatahimik si Elena ng marinig niya ang pangalan ni Kasandra.
ELENA: Kasandra?
HAZEL: Opo tulungan po ninyo kami.
ELENA: Sino ba kayo at sa tingin ninyo ano ang maitutulong ko sa inyo?
KARIO: Gusto namin malaman kung papano makukuha ito sa loob ng kagubatan?
ELENA: Mapanganib at walang nakakalabas sa loob ng pusod ng gubat kaya
huwag na kayong pumunta doon.
LUCAS: Alam naming meron kayong itinatagong lihim!Pinatuloy sila ni Elena sa loob ng kanyang bahay, naupo silang lahat at nasa gitna nakaupo si Elena
ELENA: Papano ninyo nalaman ang tungkol sa Benditas at papano ninyo
nalaman ang tungkol sa akin?Tumingin si Belen kay Carmen at sinenyasan niya ito na siya na ang magpaliwanag.
CARMEN: Kilala ko si Leandro at Beatrice, at isinulat ito sa libro ni Antonio Jose.
ELENA: Oo natatandaan ko sila ngunit ano ang maitutulong ko sa inyo?
CARMEN: Alam namin na alam mo kung papano makukuha ito!
MILA: Parang awa nyo na ituro ninyo sa amin kung papano ito makukuha!BELEN: Mapanganib pumasok ng kagubatan ng Sta. Barbara at walang
nakakalabas ng buhay dito, ngunit nakaligtas ang iyong kapatid at si Kasandra,
ituro ninyo sa amin kung papano ang kanilang ginawa!ELENA: Ngunit ito ay lihim ng aming pamilya, hindi ko ito maaring sabihin.
MILA: Parang awa nyo na! maawa kayo sa aming anak, marami na ang
nabibiktima!KARIO: Maaari ninyo po ba ituro sa amin kung ano ang aming gagawin?
LUCAS: Tulungan ninyo ang aming mga anak.
Nag isip si Elena..
ELENA: Huwag kayong mag alala sasabihin ko sa inyo, ngunit ipangako ninyo na
hindi ninyo ipagkakalat ang tungkol sa mga Benditas.KARIO: Umasa po kayo sa amin, mailigtas lamang ang aming mga anak.
LUCAS: Ano ang aming gagawin?
BINABASA MO ANG
The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'
HorrorSa isang bayan ng Santa Barbara ay may nakatayong Estatwa sa tabi ng Puno ng dalampasigan. Dalawang kabataan ang nagka interes na makita ito, ngunit lingid sa kanilang kaalaman na ang sinomang lumapit sa puno na iyon ay makakaranas ng lagim. Than...