Chapter 15

4.8K 124 4
                                    

Nagtaka ang mga tao at nag bulungan..

Pati si Sylvia Montes ay namangha ngunit naging interesado sa mga susunod na mangyayari.

            Nakayuko si Kasandra at hindi makapagsalita, para syang matutunaw na kandila sa labis na kahihiyan, hindi rin makapaniwala si Leandro.

"Kung hindi niyo sya anak, sino ang babaeng ito, ha Leandro?"

Biglang lumapit si Martina.

"Siya si Kasandra isa sa aming mga katulong! Si Beatrice ang aming anak at hindi ang babaeng ito! Anong ginagawa mo dito anong ginawa mo?" singhal na sabi ni martina kay Kasandra.

Nagbulungan ang mga tao.

"Leandro magsalita ka!" singhal ni Don Miguel.

At dito nagkaroon ng loob na makapagsalita si Leandro at kaniyang hinarap si Kasandra.

"Sino ka? bakit biglang nagbago ang pakiramdam ko sayo! ano ang ginawa mo sa akin?"

Naalala ni Kasandra ang sinabi ng kanyang tiya Elena na ang sino mang makahaplos ng kaniyang balat ay hinding hindi iiwan, lalo na at inaakala niyang nagamit na niya ang huling talutot ng mga benditas, lumakas ang loob ni Kasandra nang naalala niya ito kaya nagsalita siya.

            "Oo nag sinungaling ako, patawarin mo ko Leandro dahil mahal na mahal kita.Ako ang nararapat sayo! Mas maganda ako kay Beatrice!" Sabi ni Kasandra at nang narinig ito ni Donya Martina ay lalo itong nagalit kay Kasandra.

"Anong sinasabi mong mas maganda ka sa anak ko?" singhal ni Donya Martina.

            Sasampalin ni Martina si Kasandra ngunit pinigilan sya ni Dr. Alfonzo.

"Magugustuhan ba ako ni Leandro kung hindi ako maganda at kung hindi malasutla ang mga balat ko, nasan ka Beatrice? lumabas ka!, ang mga tao na ang bahalang humusga!! Mamili ka sa amin Leandro mamili ka!!Nasaan na si Beatrice magpakita ka, ipakita mo sa kanila ang iyong anyo!"

At biglang dumating si Beatrice.

"Ako ba ang hinahanap mo Kasandra?"

Nagulat si Kasandra, nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Beatrice, napakaganda nito, naka suot sya ng long gown na pula na lalong nakita ang ganda ng kanyang kutis at mukha.

           Humarap sa mga tao si Beatrice, namangha ang mga tao sa kanyang kagandahan, pati si Leandro ay namangha..

"Ikaw?" manghang sabi ni Leandro nang nakita niya si Beatrice.

Naalala ni Leandro ang babaing madalas nyang makita sa panaginip, ang babaing una nyang inukit. "Siya si Beatrice ang aming anak, hindi ang babaeng ito!" Mariing sabi ni Donya Martina.

Sa sobrang sama ng loob ni Kasandra ay nilapitan niya si Beatrice para saktan ito ngunit biglang lumapit si Sylvia at sinabunutan naman niya si Kasandra.

"Walang hiya kang babae ka, sino ka? Lumayas ka dito hindi ka nababagay dito!"
Galit na sabi ni Sylvia.

Maya-maya ay lumapit si Nando..

"Sylvia tama na!! Tumayo ka na Kasandra anak!"

"Anak?" nagulat na sabi naman ni Sylvia.

Nagbulungan ang mga tao..

"Oo, anak ko si Kasandra at humihingi ako sa inyo ng kapatawaran sa
mga ginawa niya, tayo na Kasandra!" Hinawakan sya ni Nando papalabas.Nagpipiglas si Kasandra.

"Leandro ! mahal mo ko diba nangako ka sa akin!Leandro!"

"Lumayas ka na!" singhal ni Sylvia.

            "Leandro! Leandro! Tandaan niyong lahat mga ginawa niyo sa'kin, pagsisisihan niyo yan, lalo ka na Beatrice at Leandro, babalikan ko kayo babalikan ko kayo!" humihiyaw na sambit ni Kasandra habang pilit siyang nilalayo ni Nando sa lugar na 'yon.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon