Chapter 12

4.7K 139 15
                                    

Samantala sa mansion nila Beatrice. 

Nagsalamin si Beatrice, nakita niyang dumadami ang mga butlig na parang bulutong sa kanyang mukha at kumakalat na ito sa kanyang buong katawan, umiiyak si Beatrice nang biglang kumatok si Luna.

"Magandang umaga! heto na ang iyong almusal,'

"Wala akong gana kumain Luna!"

             Nilapitan siya ni Luna, ngunit nakayuko lamang si Beatrice at ayaw nyang makita ni Luna ang kanyang itsura.

"Senyorita Beatrice kumain ka na,"

Hinawakan niya si Beatrice sa likod at tinabig siya nito, at nakita ni Luna ang itsura ni Beatrice.

"Naku, kumalat na ang mga butlig sa katawan mo, papano nangyari yan?"

"Luna nakikiusap ako sayo, huwag mo ipapa alam kahit kangino, kayo lamang ni Kasandra ang nakaka alam, naiintindihan mo?"

"Oo, pero kailangan mo ipasuri yan sa doktor!"

"Ayoko natatakot ako!"

"Dapat mapagamot mo na yan,' nag-aalalang wika ni Luna.

"Sinabi ng ayoko, sige lumabas ka na!" Desperadong singhal ni Beatrice.
Walang nagawa si Luna kundi lumabas na lamang ng silid.
At sa kaniyang paglabas ay nakita niya si Kasandra, at sinabi niya ang nangyayari kay Beatrice.

            "Alam mo ba, kumalat na sa buong katawan nya yung mga butlig, nakakadiring tingnan!"

"Talaga, buti nga sa kanya!"

"Bakit kaya nag kaganon ang balat niya?" nagtatakang sabi ni Luna.

"Alam mo ba, pag nagtagal pa yun, mangingitim at mangungulubot pa ang kanyang mga balat na parang halimaw at baka makapinsala pa yun, kaya gusto ko ng umalis dito delikado!"

"Papano mo nalaman na mangingitim at mangungulubot pa yun na parang halimaw?"

"Basta alam ko, kaya hindi na muna ako papasok doon sa kuwarto na 'yon, baka mahawa ako, nakakatakot!"

            "Pero ang daya mo naman, hindi pwede na hindi ka na papasok sa kuwarto ni Beatrice, trabaho natin to!"

"Wala akong pakielam , basta ayoko, hindi na ako papasok sa loob ng kuwarto na yun!"

"Baka matanggal ka sa trabaho?"

"Ok lang, tutal kami na naman ni Leandro, malapit na akong umalis ng tuluyan dito, dahil pakakasalan niya ko at yayaman na ako!"

"Papano naman ako Kasandra, pwede mo ba akong isama?"

            "Bahala ka na nga sa buhay mo Luna, aalis nga pala ako ngayon magkikita kami ni Leandro," wika ni Kasandra na mukhang sabik na sabik ng makipagkita kay Leandro, at biglang umalis na ito at nagpahatid kay Fredo sa may dalampasigan.

Naiwan si Luna sa may pinto at nagtataka sa mga nangyayari kay Kasandra at Beatrice.

Nakita siya ni Elsa na balisa.

"Bakit di maintindihan mukha mo Luna?" Nagtatakang sabi ng mayordomang si Elsa,

"Ah ito kasing si Kasandra eh!"

"Saan na naman pupunta ang babaeng yon,  bakit hindi nag papa alam?"

"Di ko po alam,"

            "Lagi na lang umaalis si Kasandra, at bakit nga pala hindi na lumalabas si senyorita sa kaniyang silid, may sakit ba siya?"

"Wala syang sakit pero may mga tumubong mga butlig na parang bulutong sa buo niyang katawan, kaya hindi na sya lumalabas,"

"Ano? Bakit hindi nyo agad sinabi para mapasuri?"

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon