Chapter 18

4.7K 138 3
                                    

"Huwag kayo matakot meron akong bagong natuklasan!"

"Ano ang iyong natuklasan Antonio Jose?"

"Kinakailangan ninyong maglakad ng paatras, mula sa inyong
tirahan hanggang isang daang hakbang, at huwag kayong lilingon, at mula doon ay

hindi kayo masusundan, kailangan ninyong gawin ito sa araw!"

"Papano mo napatunayan na may bisa ang sinasabi mo Antonio?" tanong ulit ni Gobernor Raul.

"Napag-aralan ko ito noon, at pinagawa ko ito sa bagong
nabiktima, at nasa ibang lugar na sya, sumapit na
ang kabilugan ng buwan pero buhay pa din sya hanggang ngayon, hindi na nagpapakita
ang statwa sa kaniya,"

"Ibig sabihin ligtas na ang taong tinutukoy mo?"

"Oo, ngunit gaya ng sabi ko, ito ay pansamantala lamang Gobernor Raul, ngunit nandoon pa din ang sumpa!"

"Anong ibig mong sabihin Antonio?"

"Kailangang hindi masusundan ng kahit sinong kadugo ang
biktima, siguraduhin na walang makakasunod sa inyo kahit kailan, dahil kapag nasundan kayo ng taong kadugo ninyo ay masusundan ng maligno at makikita ang taong isinumpa, ...... at pagsapit ng kabilugan ng buwan , ay kukunin pa rin ito!"

"Papa ano ang gagawn natin? Natatakot ako?" kinakabahang wika ni Beatrice.

"Huwag kang mabahala anak, bukas na bukas din ay gagawin na natin iyon at aalis na tayo!" sabi ni Dr. Alfonzo.

             Samantala ... sa puno ng Hermosa pagsapit ng gabi ay biglang humangin ito at may lumabas na katauhan sa puno ng Hermosa at pumasok sa loob ng estatwa at sinundan ang mga bakas ni Beatrice na kasing bilis ng bulalakaw.

Maya-maya lamang ay biglang lumakas ang mga hangin at may narinig si Beatrice ng himig ng isang nag pi piano.

"May naririnig akong nag pi piano!" bulalas ni Beatrice.

"Nag-uumpisa na ang sumpa kay Beatrice, tuwing gabi ay lumalabas ang kaluluwa nya ng puno upang puntahan ang taong nakalapit sa puno, kahit saan ito ay magpapakita!" sabi ni Antonio Jose.

"Leandro natatakot ako!" Niyakap ni Leandro si Beatrice.

"Ano ang gagawin natin?tulungan nyo ang aking anak!

            "Huwag kayong matakot, sa ngayon ay walang masamang mangyayari kay Beatrice dahil hindi pa kabilugan ng buwan ngayon, mahina pa lamang ang kanyang lakas, ngunit magpapakita ito sa kanya sa oras na gusto nya magpakita!"

"Magpapakita din sya sa atin?" tanong ni Donya Martina.,

"Maari sya magpakita kahit kanino niya gustong magpakita,"

"Tulungan ninyo ko natatakot akong makita sya!" natatakot na sabi ni Beatrice.

"Huwag ka matakot mahal ko hindi kita iiwan!"

            Napatingin si Beatrice sa salamin na bintana at nakita niya ang buong kaanyuan ng estatwa ni Kasandra at nagsalita ito.

"Ibigay.. mo.. sa akin.. ang Benditas!"

Nagsisisigaw sa takot si Beatrice

"Nakita ko sya, nakita ko sya!"

Niyakap ni Leandro si Beatrice, at tumingin sa paligid ngunit di ito nagpapakita sa kanila.

"Saan ako kukuha ng Benditas?!" Takot na takot na sabi ni Beatrice.

"Benditas? yun yung matinding gayuma na sinasabi mo sa akin Gobernor na nakakapag malasutla ng balat at nakakapag pag ibig ng wagas? Bakit mo sinasabi na saan ka kukuha ng mga ito Beatrice?" tanong ni Antonio Jose.

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon