Chapter 7

5.6K 153 11
                                    

"Dahil kapag sinabi nya ang lihim ay marami matutuksong kunin ang kambal na bulaklak at marami ang taong malilinlang, nagpupumilit ang lola na sabihin ng lolo ang kanyang lihim, ngunit hindi nya ito sinabi."

"At ang tungkol sa kambal na bulaklak ay naging isang kuwento na lamang."

"Pero totoo ang tungkol sa kambal na bulaklak, ang lolo ang nagpatunay?" Wika ni Kasandra.

"Oo,"

"Papano nyo nalaman ang lihim kung ayaw sabihin ng lolo?"

"Sinabi lamang nya ito sa lola nung namatay ang lolo, sa kondisyon na hindi ito kukunin ng lola sa gubat, at gawin ito isang lihim. At bago mamatay ang lola ay sa amin ng nanay mo ito nya sinabi pero ang iyong ina ang nagka interes."

"Malayo ba ang gubat na iyon?"

            "Sa ikabuturan ng kagubatan ng Santa Barbara ito matatagpuan,"

"Kagubatan?"

"Oo, sa loob ng makapal na puting hamog,"

  "Tagong lugar yon?"

"Oo, lahat ng nagkakamaling pumasok sa loob ng hamog na gubat na iyon ay di na nakakalabas ng buhay, maliban lamang kung alam ang lihim tungkol sa bunga ng hermosa,"

"Nakapasok na po ba kayo doon?"

"Oo, sinama ako ng ate Aurora, nawala ang takot namin nung pumasok kami doon nung kinain namin ang bunga ng Hermosa, ngunit pagkalabas namin ay doon namin nadama ang takot kaya hindi na ako nagka interes na bumalik pa doon,"

"Ano po ba ang itsura ng bulaklak na yon?"

"Kapareho sila ng itsura ng ordinaryong mga pulang rosas, kumikinang ito ngunit kapag napitas na ay nawawala na ang kinang, ngunit di ito nalalanta."

"Gagayahin ko ang nanay gusto kong makuha 'yon."

"Nasa sayo yan Kasandra, lihim ng pamilya natin ito at malaki ka na para magdesisyon sa sarili mo, pero tandaan mo, huwag mong kukunin ang enigma."

"Bakit po?"

"Dahil mayroon itong kapalit."

Hindi ininda ni Kasandra ang sinabi ni Elena.

"Papano gamitin ang mga iyon?"

Sinabi ni Elena ang kanyang kaalaman kay Kasandra.

"Pero bakit nanumbalik ang dating anyo ni nanay?" Interasadong tanong ni Kasandra, nang biglang dumating si Aurora.

"Bakit ang tagal nyo naman, heto at marami na akong nasungkit na mga mangga at Avocado."

"Ah wala po inay, nag kukuwentuhan lang kami."

"Sya sya hindi na kami magtatagal ni Kasandra, hinihintay na sya ni Beatrice, at paki sabi na lang kay Oscar salamat ulit."

"Ganon ba ate, o sige mag ingat na lang kayo sa pag uwi."

Pagdating nila sa mansion ng gabing iyon ay hindi makatulog si Kasandra sa mga sinabi ng kanyang tiya Elena.

"Kailangan kong makuha yon, kung si inay ay nakaya, ako pa kaya?"

Sabi ni Kasandra sa kanyang loob.

"Bukas na bukas gagawin ko ang lahat, nalalapit na ang "Night to Remember" kailangan kong gawin to titiisin kong maglakad kahit ilang oras pa. Kailangan ko na muna pumunta sa puno ng Hermosa upang kumuha ng bunga nito!"

..........................

            Kinabukasan ng gabi ay pagod na pagod si Kasandra pabalik ng mansion, pumasok agad si Kasandra sa kanilang silid, nandoon si Luna nag titiklop ng mga damit..

The Creepy Statue of Kasandra Book 1 'The Piano'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon