Prologue

7.8K 172 28
                                    

"Ang bad mo talaga Belle!" Salita ni Enzo ang nakakatandang pinsan ng bata.

"I didn't do anything!" Sigaw ni Isabelle.

"Nakita kaya kitang bulinggit ka. At huwag ka ngang mag-english diyan. Tagal mo na dito sa Pilipinas. Bakit ang ate mo magaling na magtagalog?" Salita pa ni Diana, isa pa niyang nakakatandang pinsan.

Naiwan lang nakatayo si Isabelle at nakatingin sa kapatid niyang nakaupo sa damuhan samantalang si Enzo at Diana ay dinaluhan ang kapatid niya na nadapa.

"Masakit ba Liv? Tatawagin ko si Tita." Nanlaki ang mga mata ni Isabelle at lalo siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Ayaw niyang malaman ng Mama niya ang nangyari dahil pagagalitan na naman siya nito. Wala naman siyang ginawa at ayaw na ayaw niyang mapapagalitan kung wala naman talaga siyang kasalanan.

"Anong nangyayari dito?" Dumating ang nag-aalaga sa kanila at pumunta agad kay Olivia na umiiyak. "Ay naku Diyos ko!" Histerikal pa nito. "Diyos mio sinasabi ko na nga ba na huwag ng makipaglaro. Hindi ka sanay sa habulan Olivia. Hindi ba sinabi ko naman sayo na sa bahay na lang muna hangga't hindi ka pa ganoon kagaling?"

"Gu-gusto ko po kasing makipaglaro kina Diana." Hikbi pa ni Olivia. "Careful naman po ako Nay Lita...a-aksidente po...ang nangyari." Salita ni Olivia. Napatingin si Isabelle sa kapatid niya.

"Hindi po Naynay Lita." Sabad ni Diana. "Tinisod po siya ni Belle. Nakita ko. Di ba Enzo?" Tumango pa si Enzo at tumingin ang lahat kay Isabelle.

"Ikaw na naman Isabelle! Kaliit-liit mo pero napakaterka mo talaga ano?" Pagalit pa ni Nanay Lita sa kanya. "Isusumbong kita talaga sa Mama mo." Banta pa sa kanya ng tagalag-alaga.

"Nay Lita hindi kasalanan ni Belle." Awat pa ni Olivia. "Aksidente iyon. Hindi niya sadya."

"Hay naku Olivia huwag mong pagtakpan ang kapatid mo. Kilala ko kayong dalawa at alam kong kamalditahan ng kapatid mong bunso. Hindi ko nga alam kung kanino nagmana iyan." Nagtiim ang palad ni Isabelle at aktong susugurin niya ang tagapag-alaga niya pero natigilan siya ng may dumating.

"Sorry nalate ako." Lumingon siya at nakita niya si Hezekiah na humahangos patungo sa kaniya. Nakatingin ito sa kanya at nakangiti pero saglit lang iyon at nawala na sa kanya ang atensyon nito kundi kay Olivia na nakaupo sa damuhan at nasaktan sa pagkadapa nito. "A-anong nangyari?" Tanong sa kanya ni Hezekiah. Magsasalita na sana siya ngunit dinaanan lang siya nito at kaagad na nagpunta sa kapatid niya.

"Liv, okay ka lang? Masakit?" Abala ni Hezekiah kay Olivia.

"Okay na ako. Medyo masakit lang."

"Nanay Lita pakikuha po iyon first aid kit po para magamot po natin iyon sugat ni Liv."

"Ay tama!" Malakas na salita pa ni Nay Lita at humangos palaob ng malaking bahay.

"Masakit?" Tanong pa ni Hezekiah kay Olivia.

"Medyo." Ngumiti si Olivia sa batang lalake na kaedad niya.

"Ano bang nangyari? Hindi ba hindi ka pwedeng mapagod pa?" Salita ni Hezekiah na lubos ang pag-aalala.

"Kasi iyon maldita nagpupumilit na maglaro ng taguan at dahil wala ka pa nagpumilit na maglaro ng takbuhan. Alam mo naman kung gaano kapilit ang isang iyan at kamaldita. Tapos ngayon dahil lagi siyang taya kasi hindi kami mahuli kaya tinisod si Liv." Sabat ni Diana.

"Hindi...hindi kasalanan ni Belle iyon." Mahinahong salita ni Olivia at tingin sa kapatid niya na nagpipigil ng luha.

"Napakabait mo Liv tapos ang bad ni Belle. Parang di kayo magkapatid. Pinatid ka na nga--aray!" Natamaan si Diana ng bato na binabato ni Isabelle. Galit na galit ito at naghahanap pa ng bato na ipupukol sa kanila. "Aba ang maldita talaga! Ang liit liit mo tapos ka maldita mo." Pinukol ulit siya ni Isabelle ng batong maliit at natamaan siya sa may paa. "Aray!"

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon