We were silently eating our breakfast inside his hotel suite. Naunang nagising sa akin si Eki at paggising ko ay may nakahain na sa small table sa gilid sa may glass panel. Binuksan pa ni Eki ang kurtina at overlooking ang view sa baba.
Maraming variety of French food ang nakahain. Palagay ko ay galing itong buffet. Nagrequest siguro si Eki na ideliver ito sa kwarto.
Patingin-tingin ako kay Eki habang nakain. He would look at me but his look would not linger. Tumahimik na lang ako. He told me we'll talk today. Hahayaan ko nalang siyang magsimula.
"Sure ka bang tapos ka na?" Tanong nito at tumingin sa akin ng matagal-tagal. Tumango ako at humigop ng coffee ko. Wala akong gana talagang kumain. Oo at magkasama kaming matulog kagabi pero wala pa rin pag-uusap ukol sa problema namin kaya hindi pa rin ako kampante. "Pumayat ka." Tumitig ako sa kanya. Inabot niya ang mukha ako at hinaplos niya ang pisngi ko. Napaluha naman ako. "Belle..." Inusod niya ang upuan niya sa akin. "Magang-maga na ang mata mo. Tama na iyan."
"Eki...sorry." Humilig ako at yumakap sa kanya. "Please...please believe me." Baon ko pa ng mukha ko sa dibdib niya.
"I am now ready to listen." Haplos pa niya ng ulo ko. Tumingala ako sa kanya at pinalis niya ang luha ko. "You can tell me everything and I will try to understand."
...
Inulit ko ang mga sinabi ko sa kanya kagabi pero mas ginawa kong detalyado. I held his hand while retelling him what happened. He would just nod or look at me. Matapos kong masabi ang lahat ay tumango lang ito.
"Eki...galit ka ba?" Tumingin lang siya sa akin mabuti at matagal. Napalunok ako kung gaano katagal ang pagtitig niya at sa pag-aanticipate ng sagot niya. Maaring galit pa rin siya sa akin. Hindi palagay ang loob ko kapag ganito si Eki.
"I was..." Salita niya. "Kaya nga ayokong makipag-usap kagabi bukod sa sobrang pagod at antok na ako."
"You were..." Napatungo ako. Nagalit si Eki sa akin. Nagalit siya.
"But good thing I didn't act on that anger." He looked at me straight.
"Bakit? Sasaktan mo ba ako pag nagkataon? Makikipagbreak up ka ba?" Siya naman ang humawak sa kamay ko.
"Bakit ako makikipaghiwalay sa'yo?" Tiningnan ko siya.
"Because of the kiss..."
"Nakita ko naman lahat, Belle...hindi sa'yo directed kagabi ang galit ko kundi doon sa French guy na iyon." Buntong hininga niya. "Makulit." Iling pa nito. "Ayoko lang talaga kausapin ka dahil natatakot ako na sa'yo ko maibaling ang nararamdaman ko. Kasi aaminin ko Belle medyo nasaktan ako na sumama ka sa kanya kahit na sinabi mo na between friends lang iyon sa'yo. At kahit na sasabihin mo siya sa akin pagkatapos niyong magdate."
"Mali rin naman talaga ang desisyon ko. Alam ko na iyon ngayon. Sorry for hurting your feelings. I just really want to get rid of him." Tingin ko sa kanya. Tumango na ito at bahagyang ngumiti. "Salamat naman at ngumiti ka na na kahit konti." Pag-amin ko sa kanya. "Kasi...kasi nakakatakot ang Eki na hindi nakangiti. Parang hindi ikaw." Tiningnan niya lang ako na tila amuse.
"Hindi lang naman iisa ang emosyon ko, Belle." Salita niya. "At willing ako ipakita sa'yo ang lahat para mas makilala mo ako." Tumitig ako sa kanya.
"Nakakaexcite pero nakakatakot." Salita ko.
"Natraumatize ba kita kagabi?" Umiling ako.
"Hindi." Ngiti ko. "Baka kasi kapag nakita ko na lahat. Iyon buong pagkatao ni Eki baka sobra-sobra na kitang mahalin. Ngayon pa nga lang..." Ngumiti naman ito at unti-unti namula ang mukha. "Oh nagbablush ka na naman." Biro ko rito. Hinila na ako nito at niyakap. Hinalikan pa ang buhok ko.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...