FOL Chapter 11 - Love is not easily angered, it keeps no records of wrongs (Fin)

2.2K 98 110
                                    

Ephesians: 2. 8. For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— 9. not by works, so that no one can boast.

Iyon ang bagay na palagi kong binabasa araw-araw simula ng pag-uusap namin ni Tatang ng gabing iyon. I cried that night. I cried because I wanted to be loved that much. No conditions just love because of his grace. There is acceptance.

I've been branded a black sheep of the family. Ako iyon laging reklamo sa school, iyon hindi palaging umuuwi sa bahay at ako iyon Davidson na sumira ng pangalan ng pamilya ko for doing rebellious things and one of it was posing nude. Noon bata ako, I was branded as terka o maldita. Hanggang sa paglaki ko I was branded names. At akala ko iyon talaga ako. Iyon ang tawag nila sa akin kaya pinili kong maging iyon. Pero mali. Maling-mali iyon. Gaya nga ng sinabi ni Tatang, God moves in mysterious ways. And maybe that's why he brought back Eki to me. Para pukawin ako na hindi naman talaga iyon ang identity ko. That my identity is with God. I am God's daughter. And I remember he said that to me before but I didn't take it to heart but right now it all made sense to me.

Oo at bago ako sa pakiramdam na ito at sa pagtuklas ko pa sa relasyon na meroon kami na sinabi ni Tatang pero eager akong matuto at mas makilala pa siya. I want to know him more, I want to have his grace. I want to know and feel his love. I have this eagerness in me that I didn't know where it came from.

Dalawang linggo na ako dito sa poder ni Tatang at marami akong bagong natutunan. Tatang would always share to me his devotion everyday and I will just listen to what he read. Minsan pinapaliwanag niya at minsan ay hindi. Minsan nagtatanong ako at minsan ay hindi. Minsan tatahimik lang kami. At pagkatapos ng araw dala pa rin namin ang mga nabasa namin ng umaga. Minsan pa nga ay marerelate ko roon ang pangyayari sa bukid.

Sa dalawang linggo na iyo katulong ako sa pagluluto ng pagkain ng mga tao sa araw-araw at kapag minsan ay binibigyan ako ni Tatang ng pondo para ipagbake ang mga tauhan niya. Nakakatuwa na gustung-gusto nila ang mga simpleng binake ko.

Napuna ko rin ang trabahador ni Tatang na nagnakaw. Para ngang walang nangyari ganoon kung paano siya itrato ng mga tao. Palagay ko dahil si Tatang ay naglelead ng example. Hindi niya kasi ito hinusgahan agad ngunit pinakinggan. At bukod pa roon ay pinatawad.

"Hi barbie doll." Napangiti ako sa pagtawag na iyon. Lumingon ako at nakita ko si Tita Sam. May dala itong malaking lagayan ng ulam. Last week pa sila dumating ni Tito Matt. Ang mga magulang ni Teo. Napakaganda ni Tita Sam. Alam kong nasa mid or late thirties na ito pero mukha itong bata. Kaya pala naging tipo ito ni Tatang. Pareho sila ng mga mata ni Teo. At si Tito Matt, ang gwapo rin nito. Kamukhang-kamukha ni Teo si Tito Matt. Pero napansin ko naman may pagkakapareho ng kulay ng mga mata ni Tatang kay Tito at may pagkakahawig rin sila pero para sa akin mas gwapo si Tatang ko. Well, biased ako dahil love ko si Tatang.

"Kailangan mong tulong, Tita?"

"Hindi na barbie doll. Tulungan mo na lang ako lagyan ng dikin ang mesa." Biyernes ngayon at tuwing Biyernes ay may salu-salo tuwing gabi ang mga trabahador kasama sila Tatang at alam na alam iyon nila Tita. Marami pa ngang niluto si Tita.

Inaayos ko na ang mesa ng dumating si Teo at may dala itong bandehado rin. Nilagyan ko ng dikin ang paglalagyan niya roon.

"Thanks, babe." Kindat pa nito sa akin.

"Always babe." Kindat ko pa rito. Yes, I call him babe. Wala naman ng malisya sa amin. Katuwaan na lang namin iyon. Ngumiti naman sa akin si Tita Sam. Hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya pero gaya ng palagi kong sinasabi kapag nagtatanong siya na kaibigan ko lang si Teo. At kapag sasabihin ko iyon ay magbubulungan sila ni Tito Matt. Hindi ata alam nila Tito at Tita na heartbroken ang anak nila kay Dani at Stephen.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon