Chapter 14 - Of Free Coffee & Dreams (Part 2)

2.1K 124 55
                                    

I ordered a big cup of cafe mocha and he ordered machiatto. Bumili pa ito ng three slices of cheesecake. Kaagad naman akong uminom ng kape ko. It was heavenly.

"Ang sarap." Napalakas naman ang salita ko at ngumiti si Eki. "Matagal ng panahon bago nakainom ulit." He grinned again.

"Kapag naubos bili ulit tayo."

"Gusto mo bang hindi ako makatulog." Mataray na sagot ko. Umiling lang ito.

"The cupcakes were a hit." Salita niya matapos niyang humigop ng kape niya. "Masarap. Nakakamiss iyon mga experiment mo dati."

"And...and you were always the one who was brave enough to taste all of it."

"I loved eating all of it."

"Sinasabi mo lang iyan. Some were really not that edible. Halata ko iyon sa mukha mo dati." Naalala ko pa.

"Pero gusto ko pa rin kainin iyon dahil pinaghirapan mo iyon. Ako kaya ang number 1 fan mo, di ba?" Natigilan ako. This can't be.

"Ayoko ng pag-usapan." Mahina kong tugon at putol kung saan man patungo ang usapan namin.

"I heard from Faye that some of our colleagues were asking about your cupcakes. Ayan ha, hindi lang ako iyon nasarapan pati sila. Balak mo bang paunlakan sila at tumanggap ng orders?" Napabuntong hininga ako.

"I won't. Ginawa ko lang iyon para kay Chari. At isa pa wala akong pera pampuhunan."

"Pero iyon ang passion mo di ba? If it is money then I can lend you again."

"Eki please." Naiinis na ako. "Hindi na ako iyon bata na mahilig magbake at mag-experiment. Iba na ako. Hindi na ako iyon Belle na kilala mo. I changed a lot. Hindi mo ba nakikita? Maraming nagbago. Nagbago ako at nagbago ka na sa sampung taon na iyon. Iba na ang gusto ko!" Natigilan ako dahil napalakas ang boses ko at napuna ko na nakatitig sa akin maiigi si Eki. Nakakainis na kasi!

"Ano ng gusto mo ngayon?" He asked seriously. Naumid naman ako. "Ano ng gusto mo ngayon, Belle?"

"I...I don't know." Iwas ko ng tingin sa kanya. "Please stop asking me this kind of stupid question. I...I told you I am not the same Belle before. I am different now." Ulit ko.

"I can see that Belle." I heard him say. "Hindi naman ako bulag para hindi makita na iba na iyon batang Belle dati sa ngayon. Sorry, akala ko kasi meroon pa rin parte ng Belle noon sa Belle na ngayon. Akala ko lang pala...ngayon sinabi mo iyan siguro nga wala na. Ibang-iba ka na nga siguro. I'm sorry." I looked at him and I saw remorse. He should be.

"Don't insist about it anymore or else..."

"Will do." Tumingin ito sa akin at bahagyang ngumiti. "I'm sorry." Tumango na ako. "Can you fill me in about you for the last ten years? Gusto kong makilalang mabuti iyon Belle ngayon." Napabuga ako ng hangin. Bwisit! I am obliged to speak now because of this damn coffee. Sinasabi ko na nga ba. Kahit na sinabi niya na wala itong utang na loob pero ito na iyon nangyayari. Hindi dapat ako nagpapaniwala sa mukha ng lalaking ito. Magaling ang taktika niya!

"I'm into modeling before they ruined my career. I'm also into sports. All sorts. I love to travel to weird, unchartered places. I love to eat especially sweets and pastries. And I love partying." I reluctantly said.

"I think the sweet and pastries--" Tiningnan ko siya ng masama. Alam ko na ang sasabihin niya. Yes, sige na...sige na dati ko pa gusto iyon.

"Mahirap ba iyon pag-aaral mo dati?" Natigilan naman ako sa tanong niya. Hindi ko iyon inaasahan.

"Nope. I am intelligent Eki. I am not just a pretty face. Eventhough I cut classes and was asleep in classes for half a year but mind you I am a dean's lister." Irap ko rito. Tumawa naman ito.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon