"Paulit-ulit na ang pagkakamali mo. Gusto mo bang malugi ang kumpanya na ito dahil umalis lahat ng clients natin dahil sa kapalpakan mo?" Alam kong ako ang may mali kaya kailangan kong tanggapin ito. Kulang ang dalawang deliveries na dinispatch ko. Responsibility ko ito at nagkamali ako. Siguro nga wala ako sa sarili ko sa nagdaan araw pero pinilit ko naman magtrabaho. Pinilit kong maging maayos ang trabaho ko kahit wala akong gana at kahit araw-araw ay ayoko ng pumasok. Hindi ko alam kung bakit. Kung hindi ko kailangan ng pera wala ako rito ngayon. Pinagkaitan ako ng choice. Bwisit na yan! "Sumama ka sa meeting mamaya." Inis na salita ni George matapos ay alis ng opisina namin.
Napabuntong hininga na lang ako.
...
"Belle." Tumingin ako at doon ko na lang napansin si Faye sa harapan ko. Nakaupo ako sa pantry ngayon at tinitingnan lang ang pagkain ko. Wala akong gana. "Anong nangyari sa'yo?"
"Wala naman." Sagot ko at sinubukan kong sumubo ng pagkain.
"Mukhang meroon pero ayaw mong sabihin." Salita nito at naupo sa tapat ko. Binuksan niya ang tupperware niya. May baon ito. "Kumain ka." Kumuha ito ng ulam niya na hindi ko alam ang tawag. "Panget ang payat. Mas maganda sa'yo ang may laman ang pisngi mo. Pumapayat ka na." Ngumiti ako sa kanya ng tipid. This week I am lethargic. Pag-uwi ay hihiga na agad ako sa kama at nakatingin lang sa kisame hanggang sa matulog. I'm just tired of all things maybe. Wala akong gana sa lahat pati sa pagkain. "Miss ka na ni Chari. Ikaw lagi ang bukambibig at ang cupcakes mo."
"Chari." Napangiti ako. That adorable kid.
"Aw...Nakakatuwa naman na sa pagbanggit ko ng pangalan ng anak ko ay lumiwanag ang mukha mo."
"Talaga?"
"Oo. Mahilig ka talaga sa bata." Napatingin naman ako sa kanyang mabuti. What does she mean by that? "May pamangkin ka ba na kasing edad ni Chari?"
"Wa-wala pa." Liv's child? Hindi ko nga alam ang balita sa kanya o kung gusto niya na bang mag-asawa. Ano naman pakialam ko na sa kanya?
"Anak?" Nakangiting tanong ni Faye. It was a stupid question but I didn't bother to scold her. I just can't bring myself in saying foul things to Faye.
"Wala pa akong anak. Asawa nga wala pa. Anak na agad?" Tumawa ito.
"Ilang taon ka na nga ba?"
"Twenty two." Sagot ko. Tinikman ko ang ulam ni Faye at masarap ito. "Ang sarap."
"Thank you." Ngiti niya. "Ang bata mo pa pala, Belle. Pero sabagay bente dos ako ng mabuntis ako kay Chari. Iyon na ang pinakamasaya at pinakanakakabang pangyayari sa buong buhay ko."
"Talaga?" So she was as young as I when she conceived her. A baby in my age? A baby...hmm... why not?
"Uy gusto na rin magkababy." Napatingin naman ako kay Faye sa sinabi niya. "Mahirap, Belle, lalo na kapag hindi ka pa handa. Mas mahirap kung nag-iisa ka lang." Her voice turned sad.
"Hindi ka ba niya pinanagutan?" Walang prenong tanong ko.
"Oo." Ngiti ni Faye. "Sabi niya hindi pa siya handa. Sabi niya wala pa raw sa plano niya."
"Gago pala siya." Komento ko. "Hindi pa siya handa pero nakikipags*x siya sa'yo. Natural may mabuo. Ang gago lang. Buti wala na siya. Atleast hindi mapopollute si Chari ng kagaguhan ng ama niya." Irap ko. Hindi ko naman inasahan ang pagtawa ni Faye. Tawa ito ng tawa to the point na mapaluha na siya.
"Thank you, Belle. Tama ka. Walang silbi ang mga kagaya niya." Hinga pa niya ng malalim. "Basta ako gagawin ko ang lahat para sa anak ko at sa pangarap ko sa kanya. Kahit na hindi ko na matupad ang pangarap ko basta siya matupad ang pangarap niya." Napatitig naman ako kay Faye.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...