Monday came. Maaga akong pumasok pero hindi ko inaasahan si George at si Eki sa opisina. Umalis na rin agad si Eki afterwards.
Pagkaalis ni Eki ay hindi pa rin ako pinapansin ni George. So I just did my job without her instruction. Noontime came when George talked to me in two sentences. She told me that 'I am doing fine. And continue what I am doing'. Hindi pa ako makapaniwala noon. Siguro, kung tatagal ako rito kailangan kong sakyan ang mood swings ng boss ko.
Matapos niya akong kausapin ay umalis na ako at nagpuntang labas para magdispatch ng mga deliveries. Nang matapos ay bumalik na ako sa loob.
"Belle!" I was deep in thought when I heard my name called. Tumingin ako kung saan galing iyon at nakita ko si Faye na nasa pantry. Napatingin naman ako sa orasan ko, ala-una na pala. Hindi pa ako nananghalian. "Kain. Birthday ko kaya may konting salu-salo." Tumingin ako sa mga tao sa loob. Nandoon ang karamihan sa mga empleyado. Tinablan naman ako ng hiya. "Dali na." Hindi ko naman inaasahan na lumapit ito sa akin at hinila pa ako. "Maraming food. Alam kong hindi ka pa kumakain. Mamaya na iyang work." Hindi na ako nakatanggi.
Pumasok na ako sa loob at nakangiti silang lahat ng pumasok ako. Nandoon rin si George at Eki na kumakain. Si Faye naman ay kinuha na ako ng pagkain. Hindi ko nga alam bakit ganito kabait at kamaalalahanin nito sa akin.
Kumakain pa ako ng unti-unti ng nagsialisan ang mga tao. Naiwan nalang ako at si Faye kasama na sina George at Eki. Pero maya-maya ay nauna na si George dahil may gagawin pa raw siya. Napatingin ako sa relo ko. I still have thirty minutes left for lunch. Hindi naman niya siguro ako papagalitan.
"Kamusta ang trabaho?" Naingat ko naman ang paningin ko ng marinig ko si Eki. Nakatingin sa akin ito at nakangiti.
"Maayos naman po." Hindi ko alam kung paano siya sasagutin kapag nasa opisina ako. Kaya pinili ko na lang maging magalang.
"Mabuti naman kung ganoon." Salita pa nito. "Sige, mauna na ako. Happy birthday ulit Faye. Salamat sa tanghalian." Ngumiti lang ito at nakipagkamay kay Faye. He is not too formal but he is not that casual in facing his subordinates.
"Walang anuman po Sir Heze. Salamat din po sa regalo."
Tumango si Eki at saka lumabas na. Naiwan naman kami ni Faye at nilapit pa nito ang ibang pagkain sa akin.
"Happy birthday nga pala." Nahihiyang bati ko sa kanya. "Pasensiya na wala akong regalo. Hindi ko kasi alam."
"Naku okay lang Belle." Ngiti nito. "Masaya na akong nakasalo ko kayo sa pagkain. Atsaka si Sir Heze lang naman ang nagregalo sa akin." Napatitig naman ako kasi tuwang-tuwa ito sa regalo ni Eki. "Kapag ikaw naman ang nagbirthday ikaw naman ang makakatanggap ng gift sa kanya."
"He gives gifts to all of you on each and everyone's birthdays?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo. Excited nga ako every year kung anong regalo sa akin. Take note ha, hindi iyon cash voucher ang bibigay sa'yo kundi something personal. Ganoon kathoughtful ang boss batin."
"Really?"
"Oo." Ngiting-ngiti ito at nilabas ang malaking box na palagay ko ay regalo ni Eki sa kanya. "Last year binigyan niya ako ng bag dahil nakita niya siguro na lumang-luma na ang bag ko. Ano kaya ngayon?" Sinilip nito ang nasa malaking kahon at nanlaki ang mga mata nito at naluha pa.
"What is it?" Interesadong tanong ko. Pinasilip niya sa akin ang nasa malaking kahon na nakabalot at ayaw niya pang buksang ng tuluyan. Napakunot naman ang noo ko. "A doll house?" At bakit dollhouse ang binigay niya?
"Oo." Pahid pa ng luha ni Faye. "Meroon akong anak na babae, Belle. Isa akong single mom. Gustong-gusto ito ng anak ko kasi uso ito ngayon." Natahimik naman ako kung paano magsalita si Faye. It was full of gratitude because of one doll house. Well, it does not cost so much and even I can buy... Natahimik naman ako sa naisip ko. Wala na pala akong kakayahan na mabili iyon.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...