Maaga akong nagising para makapagjogging for the last time. Nagbihis na ako ng shorts, running shoes at nagpony ako ng buhok. I ate my apple and rushed to open my door.
Hindi naman ako makapaniwala sa nakita ko na nakaupo sa floor hallway malapit sa pinto ko. Si Eki. Anong ginagawa nito dito?
"Hey!" Alog ko rito. Pupungas-pungas ito ng dumilat. Kaagad naman itong nagpakita ng ngiti.
"Belle... Good Morning." Mapungay ang mga mata nito na tila nanaginip.
"What are you doing here?"
"I'm here to see you off." Tumingin pa ito sa relo niya. "Teka, your flight is at seven in the morning and it is already six thirty..."
"My flight?" Kaagad naman itong tumayo at tumayo na rin ako.
"Titus told me that you are leaving for France today."
"Baliw talaga itong si Titus!" Naiiling ko nalang ang ulo ko. "I am not going today. My flight is tomorrow." Inis kong salita. Eki still looked confused. Bukod sa bagong gising ito ay mukha itong puyat sa lalim at itim ng mga mata niya.
"Ah...ganoon ba." Tila nalugi itong nagsalita.
"Talagang pumunta ka pa rito..." Tiningnan ko lang ito. Ano bang gagawin ko sa'yo Eki? Ngayon desidido na ako lumayo ay ikaw naman ang lapit ng lapit.
"Gusto lang kita makita bago ka umalis." Tingin nito sa akin at hindi maalis ang tingin ko sa mata niyang malalim dahil sa puyat.
"Hay..." Nawalan na ako ng mood na magjogging. Tiningnan ko naman ang itsura nito. He looked miserable. "C'mon go in." Yakag ko sa kanya sa loob ng unit ko. Tumugon naman ito at sumunod sa akin. "I think you already know where the bathroom is. Maghilamos ka ng mukha. Ang pangit mo." Tumango lang ito sa akin.
Nagsalin na ako ng naibrew ko ng kape sa isang mug at kinuha ang muffins na ininit ko. Naglagay ako ng tatlong piraso sa plato niya. Naglagay na rin ako ng cut fruits at cheese para sa kanya. Naawa ako na di ko maintindihan kay Eki.
"Good morning." Bati nito at mas umaliwalas ang mukha nito ng maghilamos.
"Kumain ka na." Anyaya ko sa kanya at tinuro ang lugar sa mesa na pinaghanda ko sa kanya. Nagpasalamat pa siya sa akin at pumikit at tumahimik after nun. Pinagmasdan ko lang siya habang nagdadasal.
"Kumain ka na?" Nakangiting tanong pa nito.
"Kumain na ako ng apple." Matipid kong sagot.
"Share tayo. Marami ito." Iaabot na sana niya sa akin ang plato pero tinanggihan ko.
"Akala ko ba namiss mo ang muffins ko? Kainin mo yan." Pagkasabi ko ay tumalikod ako sa kanya at kumuha ng tubig. Pagbalik ko ay parang bata itong kumakain ng muffins. Sarap na sarap ito. Gustuhin ko man ngumiti dahil sa nakikita ko pero pinigilan ko.
"Hanggang kailan ka sa France?" Nagising naman ang diwa ko sa tanong niya.
"A year... or so. It depends..."
"Matagal pala..."
"Bakit akala mo isang linggo lang?" Mataray kong tanong rito. Ngumiti naman ito ng maliit at umiling. "Pagkatapos mong kumain umuwi ka na at matulog. At please lang huwag na huwag mo ng gagawin ulit iyon ginawa mo kanina kung ayaw mong ipatawag ko ang security." Banta ko rito at tumango ito. Inubos pa nito ang lahat ng inihanda ako at matapos ay nilagay sa lababo ang pinagkainan. "Ako na iyan." Salita ko. "Ayan ha napakain na kita. Bayad na ako sa'yo kahapon."
"I'm happy that you are following your dreams. I am really happy." Nagulat naman ako ng tinabihan niya ako at naupo sa katabi ng kinauupuan ko.
"Yeah...well thank you."
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...