Found Book 2
Prologue
May malaking handaan sa lumang bahay ng mga Davidson. Gabi at maraming ilaw at maraming pagkain. Ang mga matatanda ay abala sa pakikipag-usap at pakikipagsosyalan samantalang ang mga bata ay makulit na nagtatakbuhan at naglalaro.
Imbitado sila ng Mama niya sa handaan na ito ngunit tanging si Eki lang ang pinapunta ng Mama niya dahil meroon daw itong pupuntahan. Babalikan na lang daw siya nito at sumang-ayon naman siya. Hindi naman iba ang mga Davidson sa kanila. Kalaro at kaibigan niya ang dalawang magkapatid maging ang mga pinsan nito. Sabi ng Mama niya ay mabubuting tao raw ang mga ito at dahil doon kaya raw sila pinagpapala sa buhay. Umunlad daw kasi ng umunlad ang negosyo nito at palagian niyang nakikita ang mga Tito at Tita niya na tinuturing, na mga magulang ng magkapatid na laging maganda ang damit tuwing umuuwi sa bahay. Gaya na lang ngayon. Magara ang damit ng mga Tito at Tita niya. Nakatitig nga siya ng matagal sa damit lalo na sa Tita niya at napaisip siya na bagay rin ang ganoon damit sa kanyang Mama. Pero kapag sinabi niya iyon sa kanyang Mama ay sasabihan siya nito na wala itong pera pambili ng ganoon kagarang damit. Kaya sa puso at sa isip niya, kapag lumaki na siya at nakapagtrabaho ay ibibili niya at pupunuin ang kahoy na aparador ng kanyang ina ng mga magagandang damit.
Ang kaibigan niya na si Olivia o Liv ay napakaganda rin ng damit. Mas gumanda ito at bumagay ang baby blue na bestida na suot nito. Sabi nga ng Mama niya ng makita ito bago umalis ay dalagang-dalaga na ito para sa edad niya na katorse. Samantalang siya ay hindi makapagsalita ng unang makita niya ito. Napipi na nga ata siya sa ganda ni Liv.
Ang bunsong kapatid ni Liv na si Isabelle o Belle naman ay napakacute na nakasuot na pink na bestida. Cute na cute talaga si Eki sa bata na ito na may pagkachubby. Pero hindi gaya ng dati, hindi ito lumapit agad sa kanya pagkakita. Para pa siyang namalikmata dahil doon. Nalungkot pa siya dahil nasanay siya na ito ang lalapit sa kanya at yayakap at bubuntot-buntot sa kanya pero hindi ngayon. Hindi ito ganoon kasigla at mukhang malungkot. Napapaisip siya kung bakit malungkot ito. Hindi kasi siya sanay na ganito ito. Masyado siyang bothered sa pinapakita nito sa kanya.
Matapos nilang kumain ay nagyayang maglaro ng taguan. Si Diana ang naging taya dahil siya ang natalo sa jack en poy. Nagkaroon pa ng maliit na komosyon sa magpipinsan dahil ayaw ipasali nila Diana si Belle dahil sa nangyari noon nakaraan pagmamaldita nito pero pinakaiusapan ito ni Liv. Gustuhin man niya kasing magsalita pero sinabihan siya ng Mama niya na huwag magsasalita o magsusuhestiyon sa mga magpipinsan. Hindi niya rin naman alam kung bakit ito sinabi ng Mama niya kung dati naman ay malaya siyang nakakapagsalita sa mga ito.
Nagsimula ng magbilang si Diana. Nagkatinginan sila ni Liv at ngumiti siya. Tumango ito sa kanya at alam na niya ang ibig sabihin nito. Kinuha niya ang kamay ni Liv at ng kukuhanin niya na rin ang kamay ni Belle na katabi niya lang ay nahawakan na ito ni Enzo. Tumingin naman siya kay Belle at mukha itong galit sa kanya dahil namumula ang chubby pisngi nito bago ito sumama ng tuluyan kay Enzo.
Sinundan niya lang ng tingin si Belle at si Enzo. Hindi niya alam kung bakit pero nalungkot siya. Siguro kasi ay namimiss na niya ang atensyon na binibigay ni Belle pero ngayon ay wala. Pero bukod doon ay nakaramdam siya ng inis sa pinsan nito na si Enzo.
Nakahanap na sila ng matataguan at iyon ay sa ibabang kwarto ni Nay Lita. Si Liv ang nanguna sa pagtatago at nagsarado ng pinto. Madilim sa kwarto at ramdam niya ang panlalamig ng kamay ni Liv dala siguro ng excitement ng taguan.
Rinig niya pa rin ang boses ni Diana na nagbibilang. Nasa malapit lang kasi sila. Ang layo ng taguan kasi ay hanggang loob ng bahay lamang kay mas maliit ang hahanapan. Matapos magbilang ay hinila siya sa may sulok ng kwarto sa likod ng aparador ni Liv. Rinig niya ang tawag ni Diana mula sa labas. Mukhang nasa malapit lang ito sa kanila dahil sa malakas na boses nito.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...