Hindi pa rin ako makapaniwala na isinama ako ni George sa site trip sa Palawan. Hindi naman kasi kami close at bukod doon hindi rin naman kami komportable sa isa't isa and yet she chose to let me accompany her to Palawan.
We rode an old pick up truck with someone who George called as Manong. The Manong said he was a emigrant to Palawan and was formerly from Ilocos. Marami raw talagang Ilocano ang naninirahan sa Palawan. May pagkamadaldal ang matanda. I yawned to let him shut his mouth. We had an early flight and I just want to rest for a while than to hear his nagging.
It was a long drive. Hindi ko na namataan kung ilang oras pero nagising na lang ako ng unti-unti ng bumagal ang sasakyan. We entered a farm called Hacienda Emmanuel. Pumarada na ang sasakyan at bumaba na rin si George. Sumunod na rin ako.
Nawala naman ang pagod ko ng makita ang paligid. It was all green. Everywhere I look was green. There were trees, shrubs and whatever foliages it were cause I didn't know the names. I took off my sunglasses and just really looked into the beauty of the hacienda.
"Belle, dalian mo. Kailangan na nating makita si Sir Boaz." I hurriedly followed. Baka sungitan na naman ako ni George. Pumasok kami sa isang bahay at tila mukha itong opisina sa loob. Ito siguro ang sinasabi ni Faye na head office. Sa labas ay mukhang bahay ito pero sa loob ay opisina pero homey pa rin ang pakiramdam.
"Oh sino iyan kasama mo?" May isang lalakeng kayumanggi na may katandaan na ang lumapit sa amin. Nakangiti ito na tila may pagkapilyo. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa.
"Good afternoon Sir Abel. Bago pong Logistics Manager in training." Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabing post ni George. Logistics Manager in training? "Sir Abel, si Belle po. Belle, siya si Sir Abel, isa sa mga bosses rito sa farm."
"Magandang hapon po." Nag-abot ito sa akin ng kamay at nakipagkamay ako. Ngumiti ito ng malaki sa akin.
"Minsan lang tayo pagpalain ng ganitong kagandang nilalang sa hacienda. Ang una ay sobrang tagal na. Naheartbroken pa nga si Tatang Boaz." Tatawa-tawa si Sir Abel. Ngumiti naman si George.
"Naku Sir." Sagot naman ni George. "Hinahanap po namin si Sir Boaz. Alam niyo po ba kung nasaan?"
"Nandoon sa may maiisan." Salita pa ni Sir Abel at hindi mawalay ang tingin sa akin. Kung hindi lang ito boss ay sinimangutan ko na ito at tinarayan. Well, kaya ko pa rin gawin iyon ngayon kahit boss siya pero naiisip ko si Eki. Siya ang nagrekomenda sa akin at ayokong may masabi sa kanya. "Alam mo naman si Tatang Boaz mahal na mahal ang maisan. Iyon kaya ang alaga ng kanyang pinakamamahal dati." Tumawa si George sa sinabi ni Sir Abel. Hindi ko alam ang mga patutsada niya kay Tatang Boaz. Para bang close na close sila at pamilya na ang turing. "Kapag nakita niya itong si Ganda naku may maalala na naman iyon." Ngiti nito ng malaki.
"O sige po, sir. Tuloy na kami sa maisan." Salita ni George. Tumango na lang ako kay Sir Abel at kinindatan pa ako nito. "Hindi manyak si Sir Abel. Natural lang na mapagbiro iyon. Ganyan siya sa lahat kahit sa lalaki lalo na sa mga bago. Kaya huwag kang mainis diyan." Nagulat naman ako sa sinabi ni George. Mukhang inoobserbahan niya ako.
"I know where to open mouth and protect myself." Salita ko at tumango ito sa akin. Sanay na rin naman si George na sinasabi ko kung anong nasa isip ko sa kanya. I can be frank to her without her being offended. That is one thing I like about her.
Naglakad pa kami ng malayo. Buti na lang talaga ay dala ko ang sunglasses ko dahil sa tindi ng araw ngayon. Mayamaya pa ay nakarating na kami sa matatangkad na mga halaman. May mga nakita akong tila umbok sa mga iyon at doon ko na lang natanto na mga mais ito dahil sa golden na hibla mula roon. I have never seen a corn plant before and I am happy to see. This is so new to me.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...