I saw my Mama and Papa's smiling faces as I walked towards them in the airport. Paglabas ko ng gate ay kaagad akong sinalubong ni Mama at niyakap. Samantalang si Papa ay kinuha ang bagahe ko. Niyakap ko rin ng mahigpit si Mama at napansin ko naman ang pagtulo ng luha nito.
"Mama? Nandito na ako tapos naiyak ka pa rin?" Ngumiti naman si Mama sa akin.
"Ganyan iyan Mama mo ng nakaraan." Salita ni Papa habang tinutulak ang bagahe ko.
"Because you are really grown up now." Pahid pa ni Mama ng luha niya.
"Ma, I am 23 going to 24. I am really grown up." Ngiti ko. "At bakit nga pala kayo sumundo? Akala ko papasundo niyo na lang ako sa driver. It is Friday. Both of you still have work."
"Miss ka na namin, Belle. Sa iba ka pa ba namin papasundo?" Ngumiti ako sa sinabi ni Mama. This is the first time na sinundo nila ako sa airport. I've been overseas before going to trips but never did they fetch me. At ito ang unang pagkakataon na narinig ko kay Mama na namiss niya ako.
"Let's go home na. Para makakain ka na." Sungkit pa ni Mama ng kamay niya sa braso ko.
"Magugulat ka, Belle sa dami ng pinahanda ng Mama mo parang fiesta." Nangiti naman ako sa sinabi ni Papa.
...
"Namiss kita ikaw na bata ka!" Kurot pa ni Nay Lita sa tagiliran ko. Buti nalang nakaiwas ako ng konti at hindi ako nasaktan. "Naku, akalain mong mamimiss ko ang mga kalokohan mong bata ka." Salita pa nito na tila nine years old pa rin ako.
"See, namiss mo ako Nay." Ngiti ko. "O sinasabi niyo lang iyan dahil may pasalubong ako." Tumawa naman si Nay Lita at iginiya na niya ako sa hapagkainan.
Napangiti lang ako sa dami ng putahe na nakahain. Tama nga si Papa fiestang-fiesta nga. Si Mama ngumiti sa akin na tila guilty. Napangiti na lang ako. First time talaga mangyari sa akin lahat ng ito. Para bang bago ang lahat. Para bang nagreboot ang relasyon ko sa pamilya ko dahil sa pag-alis ko. O dahil na rin sa mga pinagdaanan ko?
"Maupo ka na." Ngiting-ngiti si Mama at hinainan ako. "Di ba namiss mo ito? Favorite mo itong roast beef ko di ba? Nagluto ako para sa'yo." Ngumiti ako. Nakakapanibago. Ang tagal na atang panahon na magluto si Mama ng roast beef matitikman ko nalang ulit ngayon.
"Ito Belle, pinapaluto mo ito sa akin itong Salpicao." Pati rin si Nay Lita ay nagbida.
"Sige, titikman ko lahat pero hinay-hinay lang." Ngiti ko. "Kain na tayo." Saka lang naupo si Mama. Si Papa naman ay malaki ang ngiti. "Nay, salo na kayo sa amin. Dali na." Hindi naman nagdalawang isip ang matanda at tumabi kay Mama. Kumain na kami. "Si ate,ma? Hindi pa ba gising?"
"Naku, nasa location shoot siya ngayon sa Batanes. May bagong pelikula." Napangiti ako.
"Sikat na sikat na talaga si ate. Daming movie ha."
"Sinabi mo pa." Sabi pa ni Nay Lita na avid fan ni Liv. "Iyon bagong movie niya starring iyon sikat na Fil-Australian actor na si Chris Jackman. Bagay na bagay sila ni Liv." Kulang na lang ay may makita akong puso sa mga mata ni Nay Lita habang nagsasalita ito.
"Anong title ng movie, Nay?" Sigurado akong alam niya ito. May pagkatsismosa si Nay Lita at bukod doon ay para itong writer ng blind item sa dami ng alam niyang showbiz balita.
"Love on Canvas." Ngiting-ngiti si Nay Lita.
"Oh...sounds like an interesting film." Salita ko.
"Aba't siyempre! Hindi naman kukuha si Liv ng wala lang di ba." Nangiti nalang ako kay Nay Lita.
"Kailan daw po ang uwi niya, Ma?" Tanong ko.
"Until next week pa sila doon." Ngiti ni Mama. "Pero baka mapaaga. Excited na iyon makita ka, Belle kaya susubukan niya raw mapaaga matapos ang shoot nila." Tumango naman ako sa sinabi ni Mama. Napangiti dahil sa excitement na sinabi ni ate. Pero hati ang nararamdaman ko. Ang una,excited rin ako na makita siya. Pero ang pangalawa, nag-aalangan at hindi mapalagay. Gusto ko na kasing sabihin kay ate ang lahat sa amin ni Eki. Gusto kong malaman niya ang lahat lalo na ngayon niyaya na akong magpakasal ni Eki.
BINABASA MO ANG
Found
EspiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...