Chapter 3 - Frustrated

2.6K 125 9
                                    

Last night I heard Liv cried so hard. Pangalawang ulit na siyang umiyak ng ganoon. Tanda ko pa noon una, iyon ay ng umalis si Hezekiah ng mga bata pa kami.

Hezekiah left when I was barely twelve and both of them were seventeen. Hezekiah's parents were separated. Dito siya sa Pilipinas kasama ang Mommy niya pero namatay ito dahil sa aksidente. Matapos noon ay nangibang bansa na ito dahil kinuha na siya ng kanyang Daddy. Before he left, he promised to keep in touch. But I didn't hear any call or receive any message from him for me or to Liv. Another one of his promises that was broken. Nakalimutan o sadyang kinalimutan niya kami at ngayon bumalik siya akala mo walang nangyari?

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila o napag-usapan kagabi. But I am really bothered because of what is happening to Liv right now. Hindi nga nagpuntang shoot niya si Liv ngayon at nagcall in sick ito na hindi kailan man niya ginawa sa trabaho niya. Kahit nga inaapoy ito ng lagnat ay aarte pa rin ito o magphophotoshoot.

"O ayan na bakla, ready ka na." Tapos na akong make-up-an ni Titus ang matipunong baklang make-up artist ko para sa photoshoot ko ngayon ng ad ng isang international line of denim pants. So much to my muni-muni.

Kaagad na akong tumayo at binalanse ang sarili ko sa stilletos na suot ko at nagpose ng desired na pose ng photographer.

It took us half day to complete the shoot because all the models cooperated and all are experienced. Wala ng arte kumbaga. Matapos ng shoot ay nagyayang lumabas ang mga kasama kong models pero sinabi ko nalang na susunod ako sa bar at laking pagtataka pa nila. Palagi kasi akong available basta gala or bar hopping but not right now. I need to do something first.

...

Pumarada ako sa tapat ng isang two story building na may kalaparan. This is the business address that he gave to Mama. Tumuloy ako at nakita ko ang isang tao sa guard house. Kinatok ko ang bintana.

"Yes po mam?" Sumipol pa ito ng makita ako. I really hate people catcalling.

"Ulitin mo ulit iyan kuya sa kangkungan ka na pupulitin." Mataray na salita ko dito.

"So-sorry po mam. Sino pong pakay nila?" Gulat na tanong nito sa akin.

"Si Hezekiah Garcia."

"Si Sir Heze po?"

"Yup, whatever, call him." Aba't nakatitig lang sa akin ito! "Hello! Pakitawag naman kuya kailangan kong makausap." Natauhan naman ito at nagmadaling tinawagan ng sikyo sa telepono at maghintay lang daw ako rito sa labas. Maya-maya pa ay bumukas ang malaking pintuan at mukhang malaking warehouse ang loob. Lumabas doon si Hezekiah na nakat-shirt na puti at pantalong na sira-sira at sobrang pawisan. So this is how he greets visitors?

"Belle? Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong nito saka ngumiti at punas pa ng pawis nito.

"I need to speak with you." Mataray kong salit sa kanya.

"Ah...okay." Tumingin ito sa relo niya. "Pwede ka bang maghintay? May tatapusin lang ako saglit tapos bihis ako at kain tayo."

"I just want to talk. Ayokong kumain at bakit ako kakain kasama ka?" Angal ko pa.

"Lunch na rin naman. Gutom na ako. That is the only free time I have to talk." Umirap ako rito.

"Oh sige na dali na gawin mo na." Kung wala lang talaga akong pakay sa kanya ay hindi ako sasang-ayon.

"Halika, sa opisina ko na ikaw maghintay." Patuloy pa nito sa akin paloob. I was met up by people who  were all smiles. Lahat sila ay nakatingin sa akin na akala mo ay ngayon lang nakakita ng tao. What's wrong with those people?

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon