"Bola, Belle, bola." Sigaw sa akin ni Michael ang may-ari ng bar na kabigan ni Liv. Magkakampi kami sa basketball. Diniribble ko ang bola at nagbluff kunwari na doon pupunta sa labas pero hindi at sumalaksak ako sa loob para ilay up ang bola sa ring. "Nice one, Belle." High five pa namin magkakagrupo. Sila lagi ang kakampi ko sa basketball simula noon thirteen years old ako pwera na lang kay Michael. Nakilala ko si Michael noon naging kaklase na siya ni ate noon third year college at small world dahil dito siya sa village nakatira. Kagaya ko, mahilig din siyang magbasketball.
Most of the girls that I knew were starting to know how to dress up well like a lady and act like lady when I was thirteen but not me. That time was the start that I really got interested into sports. At doon nga nagsimula ang grupo namin na magkakampi sa basketball. What I like about my group? They don't discriminate me even if I girl. Balyahan kung balyahan at walang arte. Isa na rin ito kung bakit puro company ng lalake ang prefer ko. They are just accepting of who you are and just laugh at how stupid or bad you are.
"Belle, play." Sigaw ni Michael at tumango ako. May pinapapraktis kasi kaming play kung saan tatakbo ako sa likod ng ring, magpapahabol si Michael, ipapasa namin sa isang team sa gitna, tatakbo ang isang player namin sa gilid tapos ay ipapasa sa akin. Komplikado pero magagawa kung tama ang timing. Umakto na si Michael at sunud-sunod na ang galaw ng kateam mates ko ngunit ng pinasa na sa gitna ay nabitawan ito. Napailing ako. Si Jebs talaga! Kaya Jebs ang tawag namin sa kanya ay dahil parang may tae ang kamay niya kapag humahawak ng bola. Lagi naagawan ng bola o nadudulas sa palad niya. Madalas tampulan namin siya ng tukso dahil doon.
Kaagad akong tumakbo at hinabol ang sinundan ni Michael na may dala ng bola. Dinouble team namin ito at ng ipapasa na niya ay nakuha ni Michael ang bola at dinala sa court namin. Mabilis akong tumakbo rin. Dare-daretso si Michael papuntang ring. Idudunk na sana niya pero sumala kaya inagapan ko ang bola at nilay up. Shoot!
"Iba ka talaga, Belle." High five nila sa akin.
Lumapit na ang kabilang grupo namin. Tapos na rin sa wakas ang laro at panalo kami.
"Galing naman ng star player niyo." Salita ng lalake at sabay ngiti pa sa akin at lapit. "Arthur nga pala. Di pa tayo napakilala." Nakipagkamay na lang ako.
"Oops sorry Art. Hindi pwedeng sulutin ang star player namin." Natawa ako sa sinabi ni Michael. "Belle here is not available." Dagdag pa nito at kinunotan ko lang ito ng noo.
"Ay sorry bro, girlfriend mo?"
"Ay naku hindi. Sister in law ko. Baka kung ano gawin sa akin ng ate niyan kapag pinabayaan ko." Binatukan ko si Michael. "Aray naman Belle!"
"Uy Belle, may naghahanap sa'yo." Salita ni Jebs. Well, iyon talaga tawag namin sa kanya.
"Sino naman?"
Tinuro ni Jebs ang naglalakad sa likod niya at laking gulat ko na naman na nandito siya.
"Kilala ba natin siya, Belle?" Harang pa ng isang kateam mate ko na si Scar. Scar ang tawag namin sa kanya dahil sa peklat niya sa may pisngi. Tiningnan ko lang ito at nakangiti ito. As much as gusto kong ipabungi ang buong ngipin niya sa team mates ko ay napaisip ako. Naawa ako kay ate pagnagkataon. Hindi gugustuhin ni ate ng boyfriend na bungal.
"Ano na naman ginagawa mo rito?" Naglakad na ako patungong bleachers para uminom at kunin ang gamit ko. Sumunod lang ito sa akin. If I remember it correctly may atraso pa sa akin ito.
"Inimbitahan ako nila Tito at Tita for lunch. Napaaga ang dating ko kaya naisipan kong maglakad lakad dito sa village. At nakita kita rito na naglalaro. Ang galing mo ha."
Naupo na ako uminom ng tubig. Tiningnan ko lang ito habang umiinom ako.
"Sino siya Belle?" Napatingin naman ako kay Michael na lumapit sa amin.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...