"Grabe, Belle hindi ko lubos maisip na muntikan na kitang mapatay."
"It was nothing." Sagot ko kay Faye. "Hindi mo alam."
"Pero naman..."
"Get over it, Faye." Saturday ngayon at nasa bahay ko sina Faye at Chari. Kakatapos lang namin kumain ng lunch na niluto ni Faye sa bahay ko. At thank goodness wala na itong shrimp samantalang si Chari ay nasa sala at nanunuod ng tv. She is one cute and behave kid. Hay...I am growing very fond of this kid. Noon pagkakita niya sa akin ay kaagad niyakap ako nito ng mahigpit. She said she missed me and she was truly sorry about what her mom unintentionally did to me.
"Okay...ngayon alam ko na." Ngiti ni Faye na guilty. "Meroon ka pa bang ibang allergy na dapat malaman ko?"
"Shrimp lang." Ngiti ko. "I can eat anything but shrimp."
"Noted." Ngiti ni Faye. "Oo nga pala may kumakalat na balita sa trabaho natin."
"Tsismis na naman." Nag-ikot pa ako ng paningin.
"Oo. Kayo ni Sir Heze ang tsismis. Noon nakasick leave ka kasi ay nag-urgent leave rin si Sir Heze. Siyempre automatic na mag-isip ang mga tao sa atin tapos nakita ka pa ng lahat na buhat-buhat ni Sir Heze."
"Let them think about that. Matatapos rin iyan tsismis." Napatingin naman ako kay Faye na nangalumbaba sa harap ko at may kakaibang ngiti.
"Totoo ba?"
"Ang alin?"
"Ang tsismis?" Natawa ako.
"I have no one to accompany me, Faye." Huminga ako ng malalim. "Can I share to you something? A secret." Nagliwanag naman ang mata ni Faye na halatang interesado. "Iyon si Sir Heze or Eki as I call him ay kaibigan ko simula pagkabata. He...he's like family to me." Pag-amin ko.
"Talaga?" Hindi naman ito nakapaniwala. "Hindi ko naman nahalata. Pero medyo may nararamdaman ako sa inyong dalawa noon birthday ni Chari. Iyon siguro ang nararamdaman ko sa inyo. Matagal na pala kayong magkaibigan." Tumango na lang ako. "Hindi ba man lang nagcross sa isip mo na maging mas beyond pa sa pagkakaibigan lang?" Malaki ang ngiti ni Faye.
"He is my sister's boyfriend, Faye."
"Ah...okay." Lumungkot naman ang mga mata nito. "Pagpasensiyahan mo na." Paumanhin pa nito.
"I mean he is my sister's ex boyfriend. Pero alam ko pa rin naman na mahal pa rin nila ang isa't isa." With all their denials...I still think they have something for each other.
"Sorry talaga. Wala akong alam."
"Okay lang ano ba? No biggie." Ngiti ko. Iniwan ko na ito sa kusina ko dahil siya nf nagprisintang maghugas at naglakad na ako patungo kay Chari at ngumiti ito pagkakita sa akin.
"Tita Belle ang laki po ng tv niyo." Bungisngis niya.
"Talaga?" Ngiti ko. "Pwede kang manuod dito lagi kung gusto mo."
"Talaga po?" Silip pa nito kay Faye na tila humihingi ng permiso.
"Oo naman basta hindi abala ang Mama mo." Naupo ako sa tabi niya.
"Tita, pupunta po ba si Tito Heze dito?"
"Ha? Bakit mo naman natanong?" At talaga naman nakakagulat ang paghahanap niya kay Eki.
"Di ba po boyfriend niyo po siya? Pareho nga po kayo ng kulay ng damit noon birthday ko." Natawa naman ako sa bata. Pinisil ko ng marahan ang ilong niya.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...
