"Babe, what are you doing?" Kinilabutan naman ako ng hawakan ako sa may balikat nitong si Teo. Nasa office desk ako at inaayos ang final consolidation ng deliveries sa Manila. Kaagad kong tinanggal ang kamay niya.
"Can you just please don't touch me ever again?" Mataray kong salita sa kanya. Ngumiti naman ito na nakakaloko.
"I haven't done anything wrong y'know. Maybe you felt the electricity between us?" Mas lalo akong kinilabutan sa batang ito.
"Listen kid, I have no time to speak to you. Can you please go and mind your own business? I have a lot of things to finish today." Mataray kong sagot.
"You keep on calling me kid. I am not a kid anymore. I am nineteen years old."
"Teo, you are just eighteen." Dumaan naman si Tatang Boaz. "At halika at samahan mo ako sa farm at maglibot. Tigilan mo na si Belle at abala iyan." Hay salamat! The best talaga ang timing ni Tatang.
"Tatay, I am already turning nineteen."
"In six months my boy." Sumimangot ito at tinawanan ko siya. "What's the difference? I am already nineteen. Ilang taon ka na ba Belle?" Napatingin naman ako kay Tatang dahil sa tanong ni Teo.
"Twenty two." Ngumiti ng malaki si Teo.
"Nice. Hindi naman tayo nagkakalayo." Kindat pa nito sa akin.
"Tigilan mo na si Belle, Teo. Halika na." Nakahinga na ako sa wakas. That pestering kid.
...
Naglalakad-lakad ako kasama ng mga kababaihan sa farm na nagprune ng maliliit na halaman ng mapadaan naman kami sa parte ng farm na ngayon ko lang nadaanan. May basketball ring doon at nandoon ang apat na lalake sa court at isa sa nandoon ay si Teo.
Tumigil ang mga kababaihan at nanuod since hapon na rin at tapos na ang trabaho. Nagbulong-bulungan ang mga kababaihan about kay Teo at kung gaano ito kagaling sa basketball at kung gaano ito kagwapo. Wala naman akong masabi roon. Marunong maglaro ito ng basketball dahil nga nasa team siya ng school at sumasali pa sa UAAP. Gwapo rin talaga ito kaya naging crush ito ni Titus.
Nanuod na lang ako at tiningnan ang moves ng bata. Mabilis at maliksi ang bata kumpara sa mga nakakalaro nito na mabagal. Magaling din itong magdribble ng bola at umiwas. The kid has the moves.
Nakashoot ito at tumakbo ito na akala mo ay victory run. Nagulat na lang ako ng lumapit ito sa akin.
"That is for you babe." Kindat nito. Nanukso ang mga kasama kong babae. I think they are swayed by this kid's move.
"That is too ordinary kid." Irap ko rito. Lumaki ang ngiti nito.
"Do you want me to show you my moves in the hardcourt?" Ngiti nito sa akin at nagpababa pa ng boses.
"No, kid I don't want that. Two on two, let's play." Hamon ko rito. Tiningnan lang ako nito na tila hindi makapaniwala. "Are you scared?" Ngumiti naman ito.
"Sure." Smirked niya. "Just don't hurt yourself, babe."
"I won't kiddo. It's you that should be worried." Inayos ko ang suot kong tshirt at sinintas ang Stan Smith na suot ko. I didn't bring my basketball shoes but this would work.
May isang lalakeng pumanig sa akin at isa kay Teo.
"Sa inyo na ang bola, babe." Abot pa sa akin ni Teo at ngumisi pa ang loko. At talagang minamaliit pa ako. "Kami ang defense." Kindat pa nito.
Nagpasahan na kami ng kakampi ko. Ang isang kakampi ni Teo ang nagbabantay sa akin pero pinalitan niya agad. Pinasa ko sa aking kakampi ulit ang bola atsaka pumasok sa loob at inintay na ipasa niya sa akin. Naagaw naman ng kabilang grupo ni Teo ang bola. Napailing ako. Para palang si Jebs itong kakampi ko. Ako na ang gumawa. Ako na ang nagbantay sa lalakeng may hawak ng bola at bago pa niya maipasa ay naagaw ko ang bola gawa ng stealth moves ko at tinuloy takbo ko na rin at shoot. Wala naman kasing nagbabantay at tila tulala si Teo na nakatayo lang roon. Naghigh five kami ng kakampi ko.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...