Walking along my building I saw a newly opened bakeshop. Kaagad naman ako nagkainteres na puntahan ito at pumasok ako roon. There were lots of people because of the opening and there were free cakes everywhere and I was given a cupcake.
Tinikman ko ito and the taste was a bit bland. It was triple chocolate cupcake pero kulang sa pagkachocolatey kaya after kong makita ang konsepto nila ay lumabas na rin ako. I can do better than that.
Napatigil naman ako sa may harapan ng shop dahil may poster ng mga pretty cupcakes. Napangiti naman ako sa ideyang nabuo sa isip ko. Alam ko na ang ireregalo ko kay Chari.
...
With my budget calculation ay may extra pa akong pera. I headed straight to the market where Eki accompanied me and looked for a shop selling things for baking and I found one.
It was a baker's paradise. Lahat ng kailangan sa pagbabake ay nandoon at sobrang mura pa compared sa grocery. I've searched for online recipe sa lobby ng condo dahil may libreng wifi roon at kinuha ko ang isang recipe. I need to try first bago ko sabihin kay Faye.
After I paid the necessary ingredients and things I headed back home. Buti nalang talaga at may customized oven akong installed kung hindi ay napagbenta ko rin ito.
I mixed the necessary ingredients and after that I baked it in the oven and waited. Matapos ng 30 minutes ay luto na ito at kaagad kong nilagay sa cooling rack ang iilang trial cupcakes ko. Nang mapalamig ko na ito ay tinikman ko ito. The recipe was a bit bland. Triple chocolate din ang balak kong ibake at kulang ito sa chocolatey goodness at sa pagiging moist.
The shop owner told me to use half part brown sugar and to add yogurt for more moist, denser cupcake. But then something is still missing. There is a big part missing in the cupcake. Tinabi ko na lang ang mga nauna kong naibake. Pwede kong kainin ito sa almusal bukas. Mapagtatiyagaan.
...
I was hesitant at first but then what the hell. Binuksan ko ang pinto. It is still early for the night. May mangilan-ngilan na rin tao. Buti nalang ay malapit-lapit itong resto-bar niya.
"Belle!" Napalingon naman ako at nakita ko si Michael na papalapit sa akin. Nagulat naman ako ng niyakap ako nito ng mahigpit.
"Michael! Ang higpit ha." Batok ko sa kanya. Tumawa naman ito.
"Saan ka nanggaling? Bakit hindi ka na nagbabasketball? Bakit hindi ka na tumatambay rito?" Sunod-sunod na tanong nito.
"Akala ko alam mo na. I'm sure sinabihan ka ni ate." Alam kong sasabihan siya ni Liv dahil alam niyang maaring lapitan ko si Michael.
"Medyo." Ngiti ni Michael at akbay pa sa akin. "Ginalit mo talaga si Liv. Ikaw naman kasi."
"Hindi ako nagpunta rito para sermunan mo at pag-usapan iyon. Dahil kung ibibring up mo ulit si ate magbabasag talaga ulit ako rito." Tumawa naman si Michael. "Pero I get it kung ayaw mo akong patuluyin rito. Alam ko naman kung nakanino ang loyalty mo. Mahal mo siya di ba?" Irap ko pa rito.
"Ito naman. Namiss kita. Hayaan mo na iyon si mahal ko. Kapatid ka pa rin niya at ang kapatid ng mahal ko, mahal ko rin."
"Pengeng pagkain, Michael. I missed good food. Pero wala akong pambayad. Libre mo na lang."
"Ang kapal talaga ng mukha mo Belle." Tatawa-tawa pa ito. "Sige, sige halika na. Pumayat ka nga eh. Halata sa boobs mo lumiit." Binatukan ko ito.
"Hayup ka Michael sa dami ng makikita mo dibdib ko pa."
"Oo naman. Hindi ko man lang naramdaman noon niyakap kita. Dati ramdam na ramdam ko." Sinuntok ko sa tiyan si Michael at hindi mahina iyon. "Aray! Masakit iyon."
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...