Chapter 26 - So Much More than a Birthday Surprise (Part 1)

2.2K 108 58
                                    



"I love your ate talaga." Inirapan ko nalang si Titus na kasalukuyan minamakeup-an ako para sa surprise birthday ni ate. A surprise birthday that she knew. "Sabihin mo naman ipasok ako sa showbiz." Tinitigan ko naman si Titus na kasalukuyan kinikilayan ako. Pwede sa palagay ko. Gwapo naman ito at matikas hindi mo aakalain na bakla ito kung hindi mo talaga kilala. Well, ako lang ang friend niya talaga at ang iba ay fling friends niya lang. May ganoon talaga ang lalaki na ito. Selective sa friends dahil galing sa kilalang pamilya at most especially ay ayaw niya ng pangit. Hindi siya kumakausap ng hindi maganda o pangit.

"Pwede. Kaso hindi ka tatangkilikin kung bakla-baklaan ka. Kailangan mo magpakalalaki." Ngiti ko.

"Ay!" Irit nito. "Marami akong kilala na closet gay sa showbiz. Pwede na rin ako dun. Kung artehan lang naman na lalaki kayang-kaya. Good thing I didn't allow myself to learn the gay lingo. Atleast there won't be any mannerism/language I need to correct." Tiningnan kong mabuti si Titus. Totoo, hindi ko narinig na mag-gay lingo ito. Kung hindi ko siya kausap ng Filipino ay English speaking ito. Though paminsan-minsan lalo na kapag kausap ako in private ay nagbabae ito ng boses pero kapag iba na lalaki na ulit ito. "Ano pwede na ba?" Binabaan niya ulit ang boses niya at hinawi ang buhok. Kumindat pa ito. Umirap ako.

"Hindi lahat ng lalaki ganyan."

"Sino na naman hindi? Si Eki na naman?" Tumirik naman ang mga mata nito.

"Wala akong binabanggit."

"Belle..." Iling nito. "Stop being vulnerable most especially infront of him so that he'll know that he cannot play on you. Nasaan na ang amazona kong kaibigan na naghahamon ng suntukan at nanggugulpi ng lalaki?" Napangiti ako.

"I am not being vulnerable to him."

"If you say so." Irap nito. "Done. Ganda-ganda mo, Belle. Belle, the artwork of Titus Weiz."

"Thanks Titus." Halik ko sa pisngi niya.

"Sige na wear something very sexy na at late na tayo. Maraming lalaki doon!" Irit nito. "Hahanapan kita talaga ng kaone night bliss mo." Umiling na lang ako kay Titus.

"Ayoko Titus." Irap ko. "At hindi ako iinom ngayon."

"Hindi ka iinom? Oh my goshness! Guguho na ba ang mundo?" Gulat na gulat ito.

"Shut up, Titus." Iling ko matapos ay ngiti sa kanya.

...

"I still want the red, very tight dress." Irap ni Titus pa sa akin. Tatlo ang pinamiliin kong damit ko na natira at hindi ko binenta noon tag-hirap ako. Gustung-gusto ni Titus and blood red, very skimpy dress na minsanan kong sinuot at hapit na hapit iyon sa katawan ko pero hindi ko iyon pinili. Birthday ito ni ate at ayokong nasa akin ang pansin dahil sa suot ko. Sinuot ko na lang ang isang simpleng itim na dress ko. Hindi man ito kasing hapit noon una pero naaccentuate pa rin nito ang mga assets ko.

Nakahook ang kamay ko kay Titus ng pumasok kami sa loob. Marami ng tao ang naroon at hindi ko sila kilala lahat. Parang lahat nga ata ay kabilang sa ginagalawang mundo ni ate. Until Tita Kris emerged from the crowd and escorted us to our place. I saw Michael there smiling widely at me and I was about to run towards him when I saw a familiar stalwart figure standing at a corner. He was wearing this navy blue blazer, white shirt inside and brown pants. His choice of clothes were impeccable. And his short hair now was stylishly unkempt. Why he looks so handsome?

Napatingin naman ako kay Titus ng hinila ako nito.

"Yes, he looks to die for right now but remember that he hurt you and is still hurting you. Go to Michael and make Eki see his loss." Napatingin naman ako kay Titus dahil sa sinabi niya. Kinindatan ako nito atsaka hinila papunta ka Michael. Michael was all smiles when he looked at me.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon