Chapter 2 - Past and Present

2.5K 117 20
                                    

"How are you hijo?" Tanong ni Mama. Nasa hapag kainan kami at nagsisimula ng kumain ng hapunan. Sinusubukan kong hawakan ang kutsara at tinidor pero masakit talaga ang kamay ko kaya nagtiyaga na lang ako sa juice at sa tinapay.

"Mabuti naman po." Ngumiti siya kay Mama.

"Kailan ka nga ba bumalik?" Tanong ni Papa.

"Three years ago na po."

"Tatlong taon na at hindi mo man lang kami binisita?" Tumingin ako kay Mama na tila nagtatampo. He was close to my parents because he's like a son to them.

"Ma..." Hinawakan pa ni Papa ang kamay ni Mama.

"Sa Palawan na po kasi ako tumuloy. Kina Tito Boaz po. Kailangan po kasi ako roon. Medyo busy po ng tatlong taon kasi marami na kasi pong export ngayon. Pasensiya na po talaga."

"Priorities ika nga. That is a good trait you have there, Hezekiah. As a man you should know your priorities."

"Kagaya ba ngayon ay wala ka pa rin asawa dahil diyan sa priorities mo na iyan?" Tumingin ako kay Ate Liv na tahimik na kumakain. Kanina pa ito walang kibo. Ang akala ko ay magiging masaya siya sa pagkikita nilang dalawa. Sinabi pa nga niya sa tv na mahal pa niya si Hezekiah hanggang ngayon pero heto at hindi siya makatingin rito ng deretso at mukhang walang balak na kamustahin ito.

"Kailangan po talagang magset ng priorities, Tito, Tita." Ngumiti si Hezekiah. "Hindi naman po kasi ako pinanganak na may nakasubong pilak o gintong kutsara sa bibig. Kung hindi po kasi ako magpupursige wala pong patutunguhan ang buhay ko."

"Narinig mo iyon Belle?" Nakangiting salita ni Papa sa akin. "Hindi puro party at gala. Learn to know your priorities."

"Well, I am using my own money for it." Sagot ko pa. Umiling naman si Papa. It's true. Though at times when I really need a bigger money for travel that' s when I ask money from them.

"Kamusta na baby...I mean Belle?" Ngiti nito sa akin. Inikutan ko lang siya ng paningin. "Pasensiya na Belle, nasanay akong tawagin kang baby kasi..."

"I  am not a baby anymore obviously and you are not the same Eki that I used to know. Funny, after ten years without hi and hello you'll just show up at the doorstep like nothing's change." Tumahimik sa mesa. Tiningnan ako ni Mama at si Papa ay umiling samantalang si Liv ay wala pa rin kibo at patuloy pa rin kumakain. Samantalang si Hezekiah ay nakangiti pa rin. The nerve of him!

"I'm sorry about that..." Salita pa nito. Gusto ko sanang magsalita pa pero nakatingin sa aking si Mama reprimanding me. "Yes, I think I missed out alot of things. Kamusta ka na? Meroon ka na bang sariling bakeshop ngayon? Anong specialty mo na cake? Tanda ko noon bata ka pa na gustung-gusto mo ng caramel cheesecake--"

"Don't talk as if you knew me. I barely know you. Sino ka ba?" Bara ko.

"Belle." Nagsalita bigla si Liv at natigilan ako. "He is asking you what you are doing right now." Nagtiim ang bagang ko.

"Okay...okay. Hindi ako naging patissier. That dream is too childish. I do modeling now." Pabalang na salita ko kay Hezekiah pero ang ngiti nito ay lalong lumaki.

"A model. Wow baby--sorry I mean Belle. Never would I thought that you'll be a model kung ang pagbabasehan ay noon bata pa tayo. But now seeing you grown up like this I must say that modeling is a good choice." I just stared at him with a bored look.

"I don't--"

"And Liv here is a known actress. Palagay ko naman ay napapanuod mo sa Palawan ang mga series at movies niya." Pinutol ako sa pagsasalita ni Mama. She knew that the man would again get it from me. Umirap na lang ako sa kanya at tumingin ako kay Liv na nagpahid ng table napkin matapos uminom. Tapos na ito kumain.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon