Chapter 7 - First Love Never Dies

2.5K 127 72
                                    

"Long time." Salita pa ni Diana.

"Yup. Long time." Ngiti ko dito. Bumalik ng Pilipinas sina Diana at Enzo, ang mga pinsan ko. Ako ang naatasan na sumundo sa kanila dahil abala sina Mama at Papa sa trabaho samantalang si Ate Liv naman dahil sa celebrity status niya ay hindi pwedeng basta-basta lumabas kaya naghihintay sa bahay.

"How's my favorite cousin?" Nagulat na lang ako ng niyakap ako ni Enzo. He has grown very tall and very masculine. Hindi ko akalain lalaki ito ng ganito dahil dati ay maliit ito. Umiling na lang ako.

"I am fine, Enzo." Kalas ko sa yakap sa kanya. Hindi ako makahinga sa higpit.

"I didn't even recognize you, Belle." Salita pa ni Diana. "You have grown so much. Mas matangkad ka pa sa akin ngayon."

Tumango na lang ako. Diana didn't even grow from the last time I saw her.

Tinulungan ko na silang ipasok ang bagahe nila sa likod ng kotse. Naupo katabi ko si Diana at si Enzo naman ay sa likod. Nagsimula na akong magdrive pauwi sa parents house ko. Doon sila tutuloy sa amin.

"Liv is very famous, right?" Excited pang salita ni Diana.  "Naalala ko naman mga bata pa tayo na paextra-extra pa lang si Liv sa tv but look at her now." May nadaanan kaming isang malaking billboard ng endorsement ni Liv. "Wow, she is really very beautiful."

"Well, Belle is also beautiful." Napatingin naman ako sa rear view mirror at nakatingin sa akin si Enzo at may kasama pang kindat.

"Of course she is beautiful. Magaganda ang mga lahi natin." Bida pa ni Diana.

"Nagbuhat na naman ng bangko." Salita pa ni Enzo. "Ang tunay na maganda nakikita hindi pinagsasabi." Ngumiti na lang ako sa kulitan ng magkapatid. I am not that close to them since they were almost the same age as Liv and during those times these two didn't really like me. Especially Diana. "Tingnan mo si Belle. Tahimik pero kung sino man makasalubong niyan tiyak lilingunin yan." Sumulyap ulit ako sa rear view mirror at nakita ko si Enzo na nakatitig sa akin matapos ay ngumiti.

"Ah ganoon? Sige, hindi ka namin sasama sa bakasyon ni Liv."

"Bakasyon?" Tanong ko.

"Yup. Nagyaya si Liv. Just like old times daw. Pero ngayon matatanda na tayo." Nakunot ko naman ang noo ko. Hindi sinabi ni Liv na ang bakasyon na travel na sinasabi niya ay kasama ang dalawang ito. Wala sa usapan iyon. "Excited na ako. Exclusive resort daw iyon eh. Ang dami kong dalang two piece!" Halos mabingi ako ng sumigaw si Diana.

...

The house was so noisy because of Diana's screaming. Sobrang galak na galak itong makita si Liv at parang noon mga bata pa kami. Well, Diana is the noisy one even before. At ayoko talaga kay Diana dati. Well, maybe things have changed.

Maraming pagkain ang nakahain sa hapag at siyempre puro Filipino food dahil iyon ang namiss ng dalawa. Si Nay Lita ay tuwang-tuwa sa pagseserve dahil gustong-gusto niya si Diana noon mga bata pa kami. Ito kasi ang katsismisan niya.

"I'm so glad to be back here. I missed these." Panay-panay kain pa niya.

"Hinay-hinay lang, Diana." Paalala pa ni Liv.

"Nagdiet pa talaga iyan si Diana bago kami umuwi rito. Cause she knows that you both are sexy. Kung alam niyo lang itsura ni Diana a few months ago."

"Shut up Enzo." Sigaw ni Diana. "Kumain ka na lang or you want me to start with you and your steriods?"

Natawa ako sa pamamahiya ni Diana sa kapatid.

"You are on steriods?" Manghang tanong pa ni Liv.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon