"Si first love pa rin ba ang mahal mo kaya masasabi mong walang katotohanan ang mga nababalita ngayon na nagdadate kayo ng leading man mo na si Luke?" Napairap na lang ako sa nakita kong palabas sa tv na pinapanuod ni Nay Lita.
"Ganoon na nga po Tito Buy." Hay Olivia...
"Sino ba itong first love mo na ito? At bakit kayo nagkahiwalay?"
"Hay sana nanunuod ang batang iyon!" Hiyaw pa ni Nay Lita at nagsisunuran ang ilang kasambahay namin.
"Huwag na lang po natin siyang pangalanan dahil pribado po siyang tao." Napatitig ako sa mga mata ng kapatid ko na kanina nakangiti ngunit ngayon ay malungkot. "At hindi naman po kami nagkahiwalay. Ang ibig sabihin ko po roon ay hindi po kami nagbreak."
"So ang ibig sabihin ba nito Liv at kayo pa rin hanggang ngayon?" Napailing na lang ako.
"Kumplikado po." Ngiti pa ni Liv na nahihiya.
"Showbiz na showbiz ang sagot ha!"
"Shh! Belle!" Saway pa sa akin ni Nay Lita. Siya talaga ang number 1 fan ni Liv.
"Anong masasabi mo sa kanya ngayon kung nanunuod siya?" Nagfocus pa ang kamera kay Liv at tumingin ito. Halata ko pa rin ang lungkot sa kanyang mata. It has been ten years since he left and she still not over him yet. Pathetic. My sister is pathetic.
"I...I hope wherever you are that you are doing well there. I still love you." Kaagad ko ng pinatay ang remote pagkasabi niyang iyon dahil masakit sa tenga. Tiningnan lang akong masama ng mga kasambahay. "Ano pang ginagawa niyo magsipagtrabaho na kayo!" Bulyaw ko sa kanila at umalis na lahat sa komedor at naiwan na lang si Nay Lita na sinamaan ako ng tingin.
"Nay Lita gutom ako. Anong pagkain?" Umupo na ako sa mataas na upuan sa counter at nagdadabog akong binigyan nito ng kape.
"Nay hindi ako nagkakape." Irap ko rito.
"Tama lang na magkape ka para kabahan ka naman sa pinagagawa mo sa buhay mong bata ka." Pangaral na naman nito.
"Ano na naman ginawa ko?" Kinuha ko na lang ang pitsel ng tubig at uminom roon dahil uhaw na uhaw ako.
"Aba't talaga naman diyan ka pa uminom." Wala na rin naman nagawa ang matanda kaya pinagpatuloy ko na ang pag-inom."Alalang-alala ang Mama at Papa mo na tumawag kagabi at hinahanap ka. Umaga ka na naman umuwi. At...at sino na naman iyon lalaking kasama mo na naghatid sa'yo na madaling araw. Aba Isabelle bente dos anyos ka na. Kailan mo pa balak magtino?" Nilapag nito ang plato na may waffles at bacon sa harapan ko.
"Sige na Nay Lita wala na akong ganang kumain." Tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Aba't tingnan mo itong batang ito. Kapag pinangangaralan ka makinig ka. Hindi ka ba naawa sa Mama at Papa mo? Saan ba sila nagkulang sa'yo? Napakabait na tao ng Mama at Papa mo gayundin ang Ate Liv mo. Ikaw, ano bang ugaling meroon ka? Tinuruan ka naman nila ng magandang asal pero bakit ganyan ka? Bakit si Liv napakabait na bata? Bakit hindi mo gayahin? Mahirap ba iyo anak?" Umikot ang paningin ko sa sermon si Nay Lita. Masakit ang ulo ko dahil sa dami ng nainom kagabi at hindi ito ang gusto kong agahan kahit na hapon na ngayon.
"You've known me for 22 years Nay Lita. It's time for you to accept the fact that this is me. I am not your soft hearted and kind Liv. I am Isabelle, the black sheep. The bad girl. Accept it. Get used to it."
Naglakad ako ng mabilis at sinalampak ko ang pintuan sa komedor. Liv, Liv, Liv! Mabait sina Mama at Papa, mabait si Liv. Mabait si Liv, successful si Liv, mahinhin si Liv ar perpekto si Liv. The hell with Liv! Nabibingi na ako sa mga tao dito sa bahay na puro Liv na lang ang bukambibig. Kaya maling-mali talaga na dito ako nagpahatid sa tarantado na iyon. Well, I have no choice. Kung sa condo ako nagpahatid ay baka hindi ko kayanin ang sarili ko at nagawa niya talaga ang pakay niya sa akin. Mabuti na rin pala na dito atleast nandito si Nay Lita to the rescue. But downside is ang kakaharapin ko sa umaga. Maybe, maybe I should have slept with that guy. Atleast in the morning I know he will be gone and noone will remind me about having no place in this family that is full of goodness. What a crappy life I have!
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...