"Damn it!" Hindi ko maaccess ang lahat ng savings account ko pati ang mga credit cards ko. Hindi lang kasi ito ang unang banta ng pamilya ko na puputulin nila ang sustento sa akin pero hindi ko alam na totohanin nila. Bwisit talaga!
Tiningnan ko na lang ang laman ng pera ng personal account ko. Hindi ako nag-iiwan ng malaking pera sa personal account ko at kalimitan ay nilalagay ko sa savings account ko. Bad idea. Ten thousand pesos on my personal account. Napailing na lang ako.
...
"Wala pa rin ba, Titus?""Nada." Sagot nito sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako. "Malaki ang impluwensiya ng mga magulang mo at ng kapatid mo."
"Okay, if this is what they want then let it be. I'm through trying to be a part of the 'good family'."
"Then...what are you going to do?"
"Escort girl?"
"Gaga!" Ang lutong ng pagkasabi ni Titus. Napailing na lang ako. "Subukan mo at ako ang unang sasabunot sa'yo hindi ang ate mo."
"I only have five thousand left." Mahinang tugon ko."Why do you have to leave me at this time?" Nalulungkot kong salita. Titus flew to Germany to study about aeronautics.
"Alam mo naman di ba?" He sighed. "I had to." Malungkot na sabi nito. "Ito ang hindi alam ng mga mahihirap. Akala nila kapag anak mayaman at heir ng isang negosyo ay masaya na. Hindi nila alam iyon mga ganitong pressure sa atin. Iyon kailangan maging disente, kailangan katanggap-tanggap sa tao at pagsunod ng pinili nila sa atin."Buntong hininga nito. "I don't want to handle wrenches I want to handle make up brushes."
"Akala ko okay na sila sa choice mo pero hindi pa pala."
"Sabi nila pinagbigyan na nila ako kaya sila naman daw ang pagbigyan ko. Or else I will be stripped off of my family name and fortune. Parang iyan..."
"Parang ginawa sa akin." Iling ko. "I don't care. Tapos naman ako ng pag-aaral. I can find a job."
"You need to bago maubos na ang lahat ng pera mo." Napalunok ako. "I am sorry baby girl as much as I want to help you..."
"I know." Alam kong nakahold din ang pera ni Titus. Parehong-pareho talaga kami ng kalagayan.
"Kisses for you. Ingat ka. Just call me."
"Kung may pera pa akong pantawag sa'yo." Buntong hininga ako.
"Then I'll call you."
...
Mahirap makahanap ng trabaho. Sa dalawang linggong paghahanap ko lagi akong rejected. Hindi ko alam kung impluwensiya ba ito ng mga magulang ko o talagang ayaw lang nila sa akin.
I have sold some of my signature dresses. Kailangan kong kumain at magbayad ng mga bills at mga credit card bills ko na dati si ate ang nagbabayad. Napalunok ako. No, I am not coming back to her or to them to ask for their forgiveness. Napakaliit lang ng bagay para gawin nila ito sa akin. Para tanggalan ng pera ko. But then, I want to prove them wrong.
Nakita ko ang isang bakeshop across sa lugar na pinaglalagian ko. Dito ako sa coffee shop dahil may libreng wifi. My goodness! Hindi ko maimagine ang sarili ko na nanghihingi ng wifi. Tinanggal ko na rin kasi ang linya ko sa telepono. Gosh! I am really pathetic now.
Naglakad na ako patungo roon. Huminga ako ng malalim at nagbukas ng pinto. Pagbukas ko ay winelcome naman ako ng mabangong amoy ng tinapay. Nagrereplenish ng stocks ang isang tauhan samantalang nakikita mula sa clear glass ang paggawa ng mga tinapay at cake. May display rin sila ng mga cake na ginawa nila at ang gaganda ng mga ito. I bet they are delicious also.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualeCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...