"Shall we?" Sagot ng HR Manager na naginterview sa akin. Akala ko pa naman ay si Eki ang mag-iinterview pero hindi. At isa pa kanina ko pa siya hinahanap ng palihim pero hindi ko siya makita sa office. "Pasensiya na talaga at may maintenance ang elevator at kelangan magstairs tayo. I'm sure na nagstairs ka rin kanina." Tumango ako at sinalubong ang tingin niya. Tumingin muli ito sa suot kong three inches heels, pencil length knee high skirt at white blouse. Hirap na hirap akong umakyat sa stairs nila dahil mataas ang steps pero ayoko ng magreklamo. I need to be enthusiastic.
"It's okay. I am used to walking in heels on the catwalk. This is no biggie." Ngiti ko.
"Yes, I saw in you resume that you are a model." Ngumiti naman ang HR manager. "Laking gulat ko nga ng pinasa ni Sir Heze ang resume mo. Akala ko biro, pero ngayon nandito ka kaya naniniwala na ako." Tumango na lang ako.
Naglakad pa kami at nagpunta kami s isang maliit na office sa baba. Walang tao roon at napangiti ang babae.
"Mukhang coffee break na pala nila. Halika doon tayo sa pantry." Tumingin ako sa orasan. Ten thirty ang coffee break? Naglakad na lang ulit ako kasama ito dahil wala naman akong choice. Naaninag ko na ang isang malaking kwarto na may clear na glass panel at kita mula roon ang mga mesa at may mga taong nakaupo at nakatayo at kabilang sa nakatayo at may hawak pang mug ay si Eki. He was talking to someone that I cannot tell if man or woman. Lumingon din naman sila sa amin at doon ko na nahalata na babae pala ang kausap niya na maikli ang buhok. Mukha nga lang lalake dahil sa porma nito.
"George." Tawag pa ng HR at lumapit pa sa amin ang tibo. So George pala ang pangalan niya.
"Kilala ko na siya. Nasabi na si Sir Heze." Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. She sounded boyish pero halata pa rin ang tining ng boses ng babae. Napatingin naman ako kay Eki na nakikipag-usap naman sa ibang tao.
"Belle, siya si George, siya ang Logistics Manager, sa kanya ka magrereport. " At siya pala ang aking direct supervisor.
"George, this is Isabelle and you can call her Belle. Ikaw na ang bahalang magbrief sa kanya ng gagawin. She is a newbie here and a newbie for the job. Please train her."
"Sure." Pinalaki pa ni George ang boses niya at halata ko iyon. Umalis na agad ang HR."Sir Heze!" Napatingin naman ako kay Eki ng tawagin siya ni George.
Tumango naman si Eki rito.
"Nandito na po ang trainee ko. Mauna na po ako." Ngumiti lang si Eki rito at tumango. Sumulyap si Eki sa akin pero hindi ngumiti. He is the overall boss. Siya ang boss ng boss ko at kahit naman may atraso pa ito sa akin ay kailangan ko itong galangin sa trabaho. At isa pa siya ang tumulong sa akin sa trabaho na ito.
Naglakad na kami ni George at nagpunta kami sa maliit na opisina kung saan kami unang nagpunta kanina ng HR.
Nagulat naman ako ng binigyan ako nito ng dalawang makapal na libro sa mesa kung saan niya sinabi na station ko.
"List of sop, contacts at contracts. Pag-aralan mo." Napatingin naman ako. "I'm giving you two days tapos practical on the third day."
"Teka...teka...ang kapal nito." Alma ko.
"Kaya simulan mong basahin." Bakit pakiramdam ko naman ay inis ito sa akin?
"Pero--"
"Hindi porke't rekomendado ka ni Sir Heze ay iba ka na sa ibang empleyado dito. Pare-pareho tayo ditong nagtatrabaho walang special treatment." Mayabang pa nitong tugon.
"Hindi ko sinasabing dapat may special treatment ako." Mariin salita ko. Tinaasan ako nito ng kilay.
"Then anong gusto mong sabihin?"
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...