FOL Chapter 6 - Love does not Dishonor others. It is not Self-seeking (2)

1.8K 101 63
                                    

"It will be three hundred thousand for the venue. All in na po. Flowers, decoration and seats." Update pa ng wedding coordinator namin.

Nagkacanvas kami ng lugar at ito ang by far ang pinakamaganda sa lahat. Sa Tagaytay ang napagpasyahan namin lugar ng wedding. At itong lugar na ito ang nagustuhan ko. Ang malapalasyong lugar na ito. Naiimagine ko na ang mga flowers na ilalagay at decoration na sinabi ng wedding coordinator namin.

"What do you think, Mahal?" Bumaling ako kay Eki na minamasid ang ulo sa buong lugar. Pati siya ay namangha sa palagay ko kung gaano kaganda ito. "Eki!"

"Yes, Belle?" Lumapit ito sa akin at ngumiti.

"Ano sa palagay mo? Three hundred thousand for the venue with flowers and decoration na." Ngiti ko ng matamis rito.

"Three hundred thousand?!" Hindi makapaniwalang tanong nito sa akin. Tumango ako.

"Malaki ito mahal tsaka iyon mga flowers na gagamitin natin imported." Paliwanag ko pa at tumingin ito sa akin mabuti.

"Ilan bang bisita ang balak mong imbitahin?" Tanong nito.

"Family and friends. Not that much mahal." I smiled at him. Ngumiti si Eki sa akin at lumapit ng mas malapit. Marahan pinalibot niya ang braso niya sa bewang ko.

"Nala, mag-uusap muna kami ng fiancee ko." Paalam pa nito sa coordinator namin.

"Sure sir. Maiwan ko muna kayo. Feel free to wander around." Tumango naman si Eki. Tinignan ko lang ito.

"Mahal, sa side ko baka si Tito Boaz lang ang iimbitahan ko pati na rin si Faye at Chari. Gawin na lang natin lima ang total para safe. Sa'yo ba ilan?"

"Around fifteen to twenty I guess?" Tumango-tango sa akin ito at ngumiti.

"Hindi ba masyadong malaki ang venue na ito para sa bilang ng mga bisita natin?" Napatitig naman ako sa nakangiting mukha niya.

"But I love this place, Eki." Simangot ko.

"Pero masyadong malaki, Belle. Hindi ba masasayang ang space pati ang pera natin kung kunin natin ito?" Inirapan ko ito sa sinabi niya.

"Ayan diyan ka magaling!" Taas ko ng kilay dito. "Share na kasi tayo sa gagastusin sa kasal. Huwag ka ngang magkuripot." Tumawa naman si Eki ng mahina at tuluyan na akong niyakap. Ayokong magpayakap pero hindi niya ako hinayaan. Hinalik-halikan pa niya ang sintido ko.

"Hindi ako nagkukuripot, Belle. Pero di ba napag-usapan na natin ang budget natin. Way over budget tayo sa venue pa lang. At bukod doon,  kahit gusto mo na itong lugar hindi ata praktikal kasi kakaunti lang naman ang iimbitahan natin."

"I don't care Eki! I can pay for it." Irap ko rito. "At siguradong tutulungan tayo ni Mama at Papa. Kasal kaya ng bunso nila." Mas lalo naman nitong hinigpitan ang yakap sa akin.

"Shh..."

"I know you have the means, Belle...and your parents. Pero sana hayaan mo sana akong gumastos para sa'yo." Naiikot ko ang paningin ko.

"But your budget for our wedding is to small. Eki naman! Maibibigay mo ba talaga ang gusto kong kasal?" I waited for him to answer but he didn't. Napaisip naman ako bigla sa sinabi ko. I think I went overboard. Gusto ko kasi ang lugar na ito at hindi ko matanggap sa sarili ko na kung anong gusto ko ay hindi ko makukuha. Kasal ko rin naman iyon...hay... Napabuntong hininga na lang ako. Hinintay ko pa siyang magsalita pero hindi siya nagsalita. Nakayakap pa rin siya sa akin. Maya-maya pa ay naramdaman ko siyang nagbuntong hininga.

"Ano bang gusto mong kasal, Belle?" Mahinahon niyang tanong. Natigilan ako sa tanong niya na iyon at hindi makapagsalita. Kinalas na niya ang pagkakayakap sa akin pero hindi pa rin siya lumalayo. Sinapo niya lang ang mukha ko ng palad niya at tinitigan. "Ano bang gusto mong kasal?" Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya at kung paano niya ako tingnan. Pakiramdam ko ay nasaktan ko si Eki sa mga sinabi ko kaya ganito na lang siya ngayon. "Ako Belle, kahit anong kasal, kahit maraming tao kahit kakaunti. Kahit hindi rin magarbo. Basta ang mahalaga sa akin, iyon papakasalan ko. Ikaw. At ang proseso na mabuklod tayo ng Diyos bilang mag-asawa." Tiningnan ko lang si Eki sa mga sinabi niya. Hindi naman siya galit pero may diin ito sa bawat katagang sinabi niya. Ayoko na lang magsalita ng tugon sa kanya dahil wala rin akong maisip at baka masaktan ko na naman siya.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon