Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami patungong Room 77. Napatingin ako sa paligid at may ibang kababaihan at kalalakihan na palagay ko ay gaya namin ay patungo sa pupuntahan namin.
Narating na namin ang Room 77 at may mga upuan roon. May mga ilan kakilala kami at nakipag-usap rito. Pareho sila ng pakay sa amin. All of them have this ecstatic and cheerful faces.
Dumating na ang magkoconduct ng seminar. Si Pastor Benny Ho kasama ang ang asawa niya. Siya ang paborito kong pastor. Ngumiti siya ng makita niya kami lahat. Bago magsimula ay nagdasal muna at matapos ay pinabuksan niya ang bible sa 1 Corinthians 13:4-7 at pinabasa sa amin.
'4 Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. 5 It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. 6 Love does not delight in evil but rejoices with the truth. 7 It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres.'
Matapos namin mabasa ay tumingin siya sa amin at ngumiti. Saka nagsalita.
"Love is patient, love is kind."
Tumingin ako kay Eki at nakatingin na pala siya sa akin.
"What are you thinking? Are you still nervous?" Ngiti niyang bulong sa akin. Umiling ako.
"Love is patient, love is kind." I squeezed his hand and smiled at him.
...
Anim na buwan na akong nag-aaral at walong buwan na kaming magkalayo. Ahead ng pitong oras ang Pilipinas sa bansa kung nasaan ako. Kaya malaki ang adjustment ni Eki sa tawagan namin. Kapag gabi ako tumatawag ay madaling araw na sa Pinas kaya dinalangan ko ang tawag. I miss him so much but I need to make some adjustments. Alam kong kahit hindi nagrereklamo si Eki ay nahihirapan siya.
Mas lalong gumabi ang mga uwi ko dahil may kasama na rin training sa kilalang patisserie. Kaya mas lalong hindi kami makapag-usap dahil oras naman ng trabaho niya. Tuwing weekends naman ay ginagawa ko ang task ko. Tanging Sunday lang ang meroon ako at most of the time I spend it studying or practicing my baking. But I always find time to text him and update him about anything.
"I'll wait." Text sa akin ni Eki. Sinabi ko sa kanya na gagabihin ako pero maghihintay siya kahit madaling araw para makausap ako.
I looked at the clock. It is six o clock. Maaga akong pinalabas pero ala una ng umaga sa Pilipinas. I texted him and I asked are you awake.
Kaagad naman tumawag ito.
"Hi Mahal..." Garalgal ang boses, namumula ang mga mata na malalim at gulo-gulo ang buhok.
"Sinabi ko naman sa'yo." Salita ko. I am happy to see him and hear his voice pero naawa kasi ako sa kanya. Siya ang may pinakamalaking adjustment sa amin.
"I miss you. " Nakagat ko naman ang labi ko sa mababang boses niya dahil bagong gising ito. His voice sounded so sexy. Kung hindi ko lang kilala si Eki iisipin kong inaakit ako nito.
"I am missing you too." Balik ko. "I am sorry I've been so busy."
"Alam ko naman darating sa punto na ganito, mahal." His endearment, though it sounded so cheesy and corny but I find it endearing and sweet when he says it.
"I'm sorry, Eki." Nahihiya kong tugon. Alam ko ang pagkukulang ko. "Gusto kong bumawi pero ayokong mangako lalo na ngayon. Mas magiging mahirap ang susunod na mga buwan." Buntong hininga ko. Minsan naiisip kong itigil na lang lahat ng ito at umuwi para makasama si Eki. Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin iyon sa isip ko lalo na at ganitong napakaseldom na ng pag-uusap namin at wala naman akong magawa sa pagkamiss ko sa kanya. Ang tanging solusyon ko lang ay iwanan ang lahat dito at umuwi para makasama siya.
BINABASA MO ANG
Found
DuchoweCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...