FOL Chapter 7 - Love does not Dishonor others. It is not Self-seeking(Last Part)

1.7K 110 52
                                    

"Answer the phone, ate please." Pero wala akong napala dahil unattended ito. Gusto kong kausapin si ate at malaman kung totoo ang mga pinagsasaabi nila Mama.

Sinubukan ko ulit idial ang number niya pero ganoon pa rin. Ganoon-ganoon na lang ba iyon, Liv?  You put up a happy face but you are hurting?!

I texted her. 'I need to talk to you. I need to talk to you about Eki. Please talk to me. Please ate.' And I sent it five times to her sms, viber, whatsapp, messenger and line. Naghintay pa ako ng ilang saglit pero walang reply, walang seen. Wala lahat. I gripped my phone tight before I threw it on the bed.

...

"So? May napili na kayong flavor ng cake?" Tumingin ako sa pastry chef bago sumagot.

"The dark chocolate ganache in the chocolate cake tasted cheap and very sweet. The nuts and the vanilla were not a good combination. And the wine used to this so called cake tasted cheap." Naiirita kong pahayag sa harap ng pastry chef at nanlaki ang mga mata nito sa gulat.

Humawak sa kamay ko si Eki. Tumingin ako sa kanya at umiling lang siya.

"Kung hindi ninyo gusto ang flavor ng cakes ko maghanap nalang kayo ng iba." Pagmamagaling pa nito. "Kala niyo naman sino magaling sa panlasa." Bulong pa nito kay Nala na akala mo ay hindi ko narinig.

"Excuse me?!" Tumayo ako at kaagad rin tumayo si Eki.

"Belle." Hinawakan ako ni Eki sa balikat at napatingin ako sa kanya. Umiling lang ito sa akin.

"Nala, hindi ko gusto rito." Diin kong sabi kay Nala at kaagad na lumabas sa pinto. Kaagad akong pumunta sa sasakyan ni Eki at doon ko na siya hinintay.

"I suppose your palate is trained for high end cakes." Ngiti pa ni Eki sa akin. Inirapan ko lang ito. "Mainit ba ang ulo ng mahal ko?"

"Eki, buksan mo na ang kotse. Mainit rito at nabubwisit ako sa kacheap-an ng cakeshop na ito." Mabilis naman binuksan ni Eki ang kotse at mabilis akong pumasok. Pinaandar niya ang makina at aircon.

"Gutom ka na?" Umiling ako.

"I just want to go home." Wala akong ganang umalis at gumawa ng kung ano. May naisip rin akong gawin na matagal ko ng hindi nagagawa simula ng maging kami ni Eki. Ang uminom.

"Merienda muna tayo. Para matagal pa kitang makasama." Kindat naman nito sa akin. Natawa ako bigla sa ginawa nito.

"Masarap ba diyan?" Kunwari'y pagtataray ko. Ngumiti lang ito ng makahulugan sa akin.

...

Palinga-linga akong nakatingin sa resto. Back to the Past. Dito kami unang kumain magkasama noon hindi nasipot si Eki ni Liv dahil sa prior appointment niya.

Napaisip naman ako. What if nagpunta si ate? Would their love story prosper? Ano na kaya ako ngayon kung nangyari iyon?  Napailing na lang ako sa naisip ko.

Umorder si Eki ng salted caramel cheesecake at cappucino. Kaagad akong sumubo ng cheesecake at napapikit pa ako para lasahan ang cake. Namiss ko ang lasa. Ang sarap talaga ang cake na ito. At dahil din dito sa cake na ito at sa lugar na ito pinarealize sa akin ni Eki ang long lost dream ko. Ang baking.

"Thank God for the cheesecake. Nakita ko rin iyan magandang ngiti mo." Napatingin naman ako kay Eki dahil sa sinabi niya. I didn't know I was smiling. Maybe it was the cheesecake.

"Masarap talaga ang cheesecake nila dito. Sa dami kong natikman cheesecake walang tutumbas rito." Ngumiti naman si Eki at tumango-tango.

"Why not we get them to bake a cheesecake wedding cake for us." Napatitig naman ako kay Eki dahil sa sinabi niya. Napangiti ako.

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon