"Dahan-dahan, babe." Inirapan ko na lang si Teo na hawak-hawak ang bewang ko habang pababa ako ng hagdan. Alam kong kanina pa siya nag-eenjoy sa pwesto niya pero wala akong magagawa dahil kailangan ko ng tulong. "Last step." Sa wakas ay natapos na rin ang hagdan na kaya kong babain sana ng ilang segundo pero dahil sa pilay ko ay inabot ako ng mahigit labinlimang minuto.
Kaagad na akong humiwalay kay Teo at ginamit ang saklay na bigay ni Tatang. Umaga ngayon at gusto kong makalanghap ng sariwang hangin kahit man lang sa veranda ng bahay.
"Sabi ko naman kasi sa'yo babe buhatin na lang kita. Kayang-kaya kita 'no." Umirap na lang ako rito.
"Tigilan mo nga ako bata." Lakad ko pa gamit ng saklay. Ito naman ay nakabuntot sa akin.
"FYI, I am 21. I am not a teen anymore so don't call me 'bata'." Napangiti ako. Kahit papaano namiss ko ang kakulitan nito. Well, Teo is a good distraction.
"Good for you then."
"I can date you now." Natawa na lang ako at dahan-dahan naupo sa upuan sa may veranda.
"Good for you kid. Find yourself a girlfriend then." Naupo ito sa tabi ko at nagbuntong hininga.
"Hay girls like you..." Umiling-iling pa ito. "Lantaran na nga ang pagsabi na gusto kita pero tinuturo pa ako sa iba." Natawa naman ako sa sinabi ni Teo pero pinigilan ko na lang ng kamay ko. Tiningnan naman ako nito at halata ko naman ang paglaki ng mga mata nito "What is this?" Kinuha nito ang kaliwang kamay ko. Napatingin ako rito at nakita ko na ang pinatutungkulan niya. It was the engagement ring from Eki. Hindi ko na ito nahubad at namalayan suot ko. Note to self: I need to remove and keep it later.
"A ring."
"I know it is a ring. Is it an engagememt ring?" Tumingin ako rito. A solitaire diamond, white gold ring--everything in it spells it is an engagement ring.
"Engaged na si Belle, Teo." Napalingon ako sa likod at nakita ko si Tatang na may dala-dalang tray na may juice.
"Oh no! Really? To whom?" Hindi naman pagkadismaya ang narinig ko kay Teo more of masaya pa ang tono nito.
"Kay Kuya Hezekiah mo."
"Kay Kuya Heze? Really?" Hindi makapaniwala pang salita nito. "Grabe ang dami kong hindi alam."
"Kailangan bang malaman mo pa?" Sa totoo lang ay mukhang wala pang alam si Tatang sa kung anong meroon sa amin ni Eki. Hindi niya alam na hiwalay na kami at hindi na tuloy ang kasal. Alam kong masasaktan rin si Tatang dahil kay Eki.
"Nalulungkot ako, babe. I thought what we had was special." Napailing na lang ako kay Teo. Nagdrama pa ito pero sa huli ay ngumiti rin. "But I am happy for you. Basta kung love ka naman ni Kuya Heze. Pero kapag inaway ka niya I am just here. I will always be here." Natawa na lang ako sa sinabi ni Teo.
"Tumigil ka nga diyan bata ka." Inabutan na niya kami ng maiinom. "When are you flying to your grandparents?" Napatingin naman ako kay Teo sa tanong ni Tatang.
"Next month." Tila hindi interesado nitong sagot.
"For vacation?" Tanong ko rito.
"No Babe I am planning to settle down in the U.S."
"Wow." Natawa pa ako pero seryoso si Teo at si Tatang ay nakatingin lang sa kanya na walang kibo. "Why?" Hindi ko mapigilan sagot.
"Wala naman rason magstay." Tingin pa niya sa akin at kindat. "Ikaw sana ang last resort ko, babe." Inirapan ko ito. Kita ko naman ang magpabirong gleam sa mga mata nito ulit. "Ano babe, bibigyan mo ba ako ng rason na magstay?"
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...