'Noon isang buwan pa iyon, Belle. I was there and Liv was there but it wasn't intentional. May meeting ako roon. At alam mo naman kapag nandoon si Liv maraming camera ang nakasunod.'
Napabuntong hininga ako. Tiningnan ko pa ang news sa isang sikat na spreadsheet at isang picture ni Liv at ni Eki ang nandoon.
'Belle, trust me. Iyon lang naman iyon. We were not dating. Hindi ko--'
"I know..." buntong hininga ko na naman. "I believe you, Eki." Hinga ko pa ng malalim. "Pero kung ayaw mong madawit ang pangalan mo kay ate...siguro iwasan mo nalang din ito. Kasi ang blind item at showbiz reporters gagawa ng kwento iyan kahit sa walang malisyang litrato."
'I'm sorry, mahal.' Ramdam ko ang remorse sa boses niya. Tumango ako kahit alam ko naman na hindi niya ako nakikita.
"Eki..."
'Yes, Belle?' Umupo na ako sa couch.
"Are you..." Napabuntong hininga ako. Dahil sa nabasa ko sa dyaryo at nakita ko ang news tungkol sa kanilang dalawa ni ate ay napakaraming pumasok sa isip ko.
'Belle? Anong sasabihin mo?' Napapikit ako sa soothing at gentle na boses ni Eki. I love him so much...ayokong mawala siya sa akin.
"Are you sure I am the one you want to be married with?" Insecure kong tanong. Naiinis talaga ako sa balita na iyon at nagiging ganito ako.
'Yes, Belle. Nagdududa ka pa ba sa akin ngayon?' Huminga ulit ako ng malalim dahil sa sinabi niya.
Umiling ako. "No, Eki."
'I love you, Belle. Ikaw ang gusto kong makasama sa buhay at sa pagtanda ko. Gusto ko ng ipaalam ang lahat sa mga magulang mo at ate mo para wala ng ganitong issue. I am more than willing Belle to tell them about us if you will let me.'
"I believe you, Eki." Tugon ko. "Pero ako na. I'll tell ate first. I'll tell her everything."
'Are you sure you don't want me to come?' Nag-aalalang boses nito.
"I'm sure. I really need to talk to her alone."
'Okay...' Buntong hininga nito. 'Tell me when it's over.'
"I will."
'I love you, mahal.' Dagdag pa nito.
"Eki, redundant na. May I love you na nga may mahal pa." Biro ko rito. Tumawa itong mahina sa kabilang linya. Napangiti naman ako.
...
"Baby!" Yakap sa akin ni ate ng mahigpit. Kakauwi niya lang from her taping sa Batanes at pinapunta na niya ako agad sa bahay dahil miss na miss na raw niya ako.
"Ate, you're suffocating me." Alma ko. Napakahigpit ng pagyakap sa akin ni ate at hindi ako makahinga. Pero lalo pa niyang hinigpitan. "Ate." Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya at sa wakas ay tinanggal rin nito pero ang pinagdisketahan naman niya ay ang pisngi ko. "Aray!"
"I missed you, baby!" Halik pa nito sa pisngi ko. "Sobra-sobra." At niyakap na naman ako nito.
"Ate, stop hurting me." Kunwari irap ko rito.
"Aw...I just missed you so much." Lumayo na ng konti si ate sa akin. Thank God for that. Malalamog ako kay ate pagnagkataon. "Come let's eat. At makapagkwentuhan tayo. I need to hear all the juicy details of your stay there, baby. Meroon bang French guy na nakipagdate sa'yo." Napatingin naman ako kay ate. "Meroon nga?!" Exclaimed pa nito. "Let's eat muna bago tayo magkwentuhan. Dito ka matulog ha. Tabi tayo." Hinila na ako nito sa dining area. Huminga na lang ako ng malalim bilang paghahanda.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...