Chapter 9 - Shameful

2.1K 104 25
                                    

Matapos ng napakaraming stints ay ang panahon naman na walang project. I am my own talent manager while tinutulungan ako ni Titus kapag may alam siyang mga stint. Friend cum agent ko rin si Titus without the commission. But Titus doesn't need money. That guy is rich. He is an heir to one of the biggest airline company in the country. He is doing make up because it makes him fill his obsession. He likes making women beautiful. Pero kapag ako naman ay meroon alam na stint ay nirerekomenda ko si Titus. Not for the money but for the joy it gives him when he makes someone beautiful.

"Try something new then." Taas ko ng kilay rito. Nasa pad ako ni Titus at kanina pa niya ako pinagpaparaktisan ng bago niyang naisip na look.

"What something new?" Tanong ko. I told him that I am bored in doing modeling now. Kung dati ay adik na adik akong magpose sa kamera, maglakad sa rampa at magsuot ng mga magaganda, mamahalin at weirdong damit ngayon ay hindi ko makita ang sarili ko na ginagawa ito. "Alis na ako sa modeling?"

"Oh my Belle no!" Arte pa ni Titus at pameywang pa sa akin. "Don't you ever!" Salita nito. "You are used in getting editorials why not try something different, something on the wild side." Napataas naman ang kilay ko.

"What do you mean?"

"Swim suit or naked. Pose in a mag wearing a skimpy close to nothing two piece or go all the way naked." Nanlaki ang mga mata ko. Though I modeled without brassiere before but I am still covered with garments. Hindi ko pa nagawa ang sinasabi ni Titus.

"Hindi ko iyon kaya. Hanggang pang editorial lang talaga at may damit."

"Well then you're just the stereotypical model. You are wimp then." At talagang hinamon pa ako ni Titus.

"No."

"C'mon baby girl what's wrong in showing skin? They can only see you but cannot touch you. Atsaka siyempre may art. Hindi lang basta-basta."

"Titus." Saway ko.

"Aanhin mo pa iyan boobs mo at likuran mo kung itatago mo lang? Hindi lang yan pang bra at pampanty."

Binuksan ko na lang ang tv at hindi nakinig kay Titus. It was evening news. Natigilan naman ako at si Liv ang isa sa mga headlines.

May pinakitang video ni Liv na may kahawak kamay na papasok sa isang restaurant. The headline says 'Angels Everywhere. Angelic face Liv and her Angel boyfriend?'.

Sa video ay mabilis na pumasok si Liv sa restaurant kahawak kamay ang isang lalake. Si Eki?

"Is that the guy from last time? The one who fetched you from the bar? Ang ex boyfriend ni Liv?"

Yes it is Eki. Kahit profile lang nito ang nakita kumpirmado ako na siya iyon.

Nagpaunlak pa ng interview si Liv sa event na pirmahan ng kontrata sa bago niyang pelikula.

"Siya ba iyon sinasabi mo na first love mo?" Tanong ng showbiz reporter. Liv smiled. Naghiritan ang mga tao palagay ko ay mga fans ni Liv. "Maari ba namin malaman ang pangalan ni Mystery Angel Guy?"

"He is a private person so let spare him from the limelight." Salita pa ni Liv at ngiti ng matamis.

Are they now....pero... It has been weeks that I haven't seen Liv due to her sched and Eki...so doon na ba ito nagsimula? But Liv said about different priorities so what now?

"Your sister smile is different. May something. Mukhang totoo ang claim." Napatitig ako sa paulit-ulit na video ng pagpasok ni Liv at ni Eki. Walang duda na si Eki nga iyon. "Akala ko ikaw na pinopormahan ni Paeki."

FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon