"Sigurado ka na ba diyan?"
"Faye sigurado na ako. Nagpasa na nga ako di ba?" Tingin ko rito. Kanina pa ako hindi pinapatapos sa gagawin nito simula ng malaman niya sa hr manager namin na nagresign ako. Kinaumagahan ng birthday celebration ni ate ay umiwi na ako. Hindi na ako nagstay gaya ng hiling ni ate dahil magstay sila roon ng ilan pang araw. Sinabi ko na lang sa kanila na kailangan ako sa trabaho. Even if my ate pleaded to Eki to allow me to stay and to talk me through it but I didn't bother. Magsasalita pa lang si Eki ng binara ko na siya. I don't want to talk to him anymore. Or kung pwede, I dont want to see him ever again.
"Bakit? Anong problema? Binubully ka ba ni..." Hindi na nakapagsalita si Faye at tumingin lang sa kakapasok na si George.
"Faye hindi rito ang department mo. Maaga pa sa tsismisan." Supladang salita pa ni George. Kaagad nagpaalam na si Faye at naiwan na kami ni George.
"Why?" Iyon agad ang tanong niya at umupo ito sa tabi ko. "I thought we finally broke the ice." Napatawa ako ng mahina kay George.
"It is not all about you." Salita ko.
"Then what it is?"
"Gusto ko ng umalis."
"Hindi pa to aprubado ni Sir Heze. May final say pa rin siya." Naikot ko na lang ang paningin ko.
"I really don't care." Irap ko.
"Teka...teka..." Hinawakan ako nito sa braso at napatingin ako sa kanya dahil doon. "Is it about our Sir Heze?"
"What about?" Tanong ko.
"Oh I get it..." Umiling ito at ngumiti pagkatapos. "I know that look. Nagdaan din ako diyan Belle. Alam ko na iyan."
"What are you trying to say?" Taas ko ng kilay rito.
"Belle, alam kong may something ka sa kanya. Huwag ka ng magtago. He is your friend right and you got friend zoned." Ngumiti ngiti pa ito. Tiningnan ko lang siya. Isa pala ito sa mga tsismosa.
"And so what? Hindi lang pangit ang napefriend zone. Mas malala pa nga sa akin little sister zoned. But I don't care. I've moved on. There is more to life than being hurt."
"Gusto ko iyan attitude mo na iyan, Belle."
"I know right? Pero hindi ako magpapaboy cut at magpapalit ng wardrobe na shirt and pants. I would still be my stylish self." Ngiti ko sa kanya. Ngumiti naman ng malaki sa akin si George.
...
"Hi Belle." Bati sa akin ng sekretarya ni Eki. Pinapatawag raw ako nito at dahil boss ko pa rin siya kaya pumunta ako. Akala ko magstay pa siya ng matagal gaya ng sinabi ni Liv pero isang araw lang ang agwat ng uwi namin. At pagkauwing-pagkauwi niya ay pinatawag agad ako. Mukha nakarating na sa kanya ang resignation ko. Napabuntong hininga na lang ako. Kung anuman ang naging problema namin sa personal as much as possible ayokong dalhin sa trabaho kung maari. Pero may malaking posibilidad na personalin ko ito kaya minabuti ko na rin magresign. Sayang, naeenjoy ko pa naman ang trabaho sa ngayon at marami na akong nakalapit na tao pero kailangan ko itong gawin. Hindi ko na rin naman gustong makasama pa siya after ng nangyari.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at binuksan ang pinto. He said 'pasok' so I came in but he was on his handphone. Sinulyapan niya lang ako saglit at sinenyasan na maupo. Kaya naupo na lang ako sa chair sa tapat ng mesa niya. Nakita ko ulit ang litrato ng half sister niya at napatitig naman ako roon at may napansin ako. Nandoon ang litrato namin dalawa noon mga bata pa kami. Kailan pa niya iyon nilagay? Nilagay niya ba iyon bago ako pumasok to remind me again of his brotherly love to me? This...
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...