"Ayoko, Liv." Salita ko sa telepono. Balak ko lang magtago sa loob ng bahay ko at matulog buong maghapon.
"Sige na. Hindi ko naman inaasahan itong event ngayon gabi. Hindi maaring hindi ako pumunta. Atsaka hahabol naman ako. Just be his company first. Nagpareserve pa iyon ng dinner."
"Sabihan mo nalang na icancel." Alma ko. Bakit naging problema ko ang date nila ni Eki?
"Wala ng panahon icancel. May reservation fee iyon, Belle. Sige na please. I owe you one."
"Ate!" Sigaw ko. "Hindi pwede. Ayoko." Ayoko talaga. Ayokong makita ang pagmumukha ng lalake na iyon.
"Wala ka naman pupuntahan sige na."
"Ayoko makasama si Eki. May allergy ako sa tao na iyon." Pagtatapat ko pa.
"Belle, please. Travel. Isasama kita sa bakasyon ko if you only go there and meet up with Eki." Natigilan naman ako.
"Where are you going then?" Narinig ko naman ang pagtawa ni Liv.
"Somewhere beautiful, relaxing and with adventure." Salita nito. "Sige na."
"I'll have my own room and time for myself during that time?"
"Yes. Just agree for now, Belle please."
"Okay, basta honor your word." Banta ko pa rito.
"I do. Kailan ba ako nangako sayo na hindi natupad?" Natigilan naman ako.
"Okay...okay..."
"He is going to fetch me from our parent's house around 6."
"Nasa pad ako ngayon."
"Uwi ka munang bahay."
"Olivia naman." Inis kong salita.
"Belle please..." napabuntong hininga na ako.
"Susunod ka. Okay?" Masama talagang ideya ito.
"I will try. After the event."
"Okay..." Wala na talaga akong magagawa.
"Thank you baby!" Napairap na lang ako ng humiyaw ito sa kabilang linya. "I owe you this, Belle. Thanks. 6 at our parent's house okay?"
"Oo na." Binaba ko na ang telepono at humilata sa kama ko. Hay! Ano ba itong napasukan ko?
...
I wore very normal clothes. Shirt, jeans and Stan Smith. Hindi ko ito sariling date kaya hindi ako nag-abalang magbihis ng maayos.Alas singko y media ng dumating ako sa bahay ng mga magulang ko at nagulat ako na nandoon na agad ang sasakyan ni Hezekiah. Ang aga niya.
Bumaba na ako sa taxi. Hindi ako nakapagmotor dahil pinagawa ko pa ito. Pumunta ako sa may sasakyan niya at nakita ko siya roon at nakapikit. Mukhang tulog ang loko. Kinatok ko ito at nagmulat ito at tila gulat na nakita ako. Binuksan nito ang pinto at bumaba ng sasakyan niya.
"Belle." Ngiti nito.
"I'm waiting for Liv." Pansin ko ang mga mata nito na tila pagod. Kaya siguro nakatulog sa sasakyan niya.
"Alam ko. Pero wala siya kaya ako muna ang stand in. Susunod din daw siya after ng biglaan event." Nakatingin lang ito sa akin na tila hindi naintindihan ang sinabi ko. "Ngayon kung ayaw mo akong stand in kay ate pwede rin hindi natin ituloy. Kumain ka na lang mag-isa sa pinareserve mong kainan." Taas ko ng kilay sa kanya. "Mas okay sa akin iyon. Uuwi na lang ako."
"Ga-ganoon ba. Sure, walang kaso kung ikaw. Halika na." Madali pa nito. Pinagbukas pa ako nito ng pinto at tumuloy na ako sa loob. Naupo na rin ito sa kabila. "Ay teka, hindi ba tayo magpapaalam kina Tito at Tita?"
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...