"Mahal."
"Mahal."
"Mahal..." Hindi ko pa rin siya kinikibo. Nauna na akong lumabas sa kotse at hindi ko na siya nilingon. Mabilis akong naglakad patungong pinto at binuksan iyon at sinarhan ko ng malakas. Naiinis ako sa kanya!
Tumuloy agad ako sa kwarto at naupo sa vanity table. Tinanggal ko ang earrings, bracelet at singsing ko. Matapos ay tinanggal ko rin ang make up sa mukha ko at ang pagkakatali ng buhok ko. Nagmadali na akong kumuha ng nighties, panloob at ang robe ko.
"Mahal." Naiinis akong marinig ang boses niya. Hindi ko siya tiningnan at pinansin. "Mahal naman." Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko pero kaagad ko tinabig at nagmadaling pumasok ng banyo at kinandado ko iyon.
Mabilis kong binuksan ang tubig sa tub habang pinagpatuloy ko ang paglilinis ng mukha ko. Nang mangalahati na ay nilagay ang bath bomb, nagbukas ng scented candle at ng matapos ay nahiga na ako sa tub.
I heard him knocking on the door. Oh no Eki I won't be sharing the tub with you tonight. Umirap na lang ako kahit hindi naman ako nito nakikita. Naiinis talaga ako sa kanya! Nakakainis! Nakakainis talaga! Birthday ko pa naman ngayon at iniinis niya ako ng ganito.
"Mahal, let me in." Rinig kong boses niya.
"Use the other toilet!" Pabalang kong salita. Natigilan pa ako noon una dahil hindi ko gawain sumigaw rito. Isa iyon sa mga napag-usapan namin bilang mag-asawa. No raising of voice pero reasonable naman talaga ngayon. Naiinis kasi talaga ako sa kanya.
"Mahal, please..." Inismiran ko na lang ito kahit hindi niya nakikita matapos ay pumikit.
After forty five minutes ay lumabas na ako ng bathroom. I wore the skimpiest nighties that I have under my robe. I wore it intentionally.
Pagkalabas ko ay nakita ko na itong nakaupo sa side niya sa kama at bukas ang lamp shade. Nakaligo na ito at nakapagpalit at sa itsura ng tuyong buhok nito ay kanina pa siya tapos maligo. May hawak itong libro at binabasa. I know what book it was. It was the Bible. Ugali na namin magbasa every night and morning. Pero ayokong gawin ngayon iyon. Bahala na siya. Naiinis talaga ako sa kanya.
Hinubad ko na ang robe at hinang iyon sa may rack at saka naglakad patungong kama. Nakatingin ito sa akin at alam ko base sa tingin niya na tagumpay ang choice ko ng damit. Now we are even. I will make you frustrated, Eki just how you made me frustrated on my birthday.
Inayos ko ang mga unan sa side ko at inalis ang comforter. Hindi ko na ginawang buksan ang lamp sa tabi ko dahil magiiskip nga akong magbasa ng bible dahil ayoko siyang maging kasalo sa bible namin. Nahiga na ako at tumagilid patalikod sa kanya. Pumikit na rin ako.
"Mahal, magbabasa pa tayo." Hindi ko siya kinibo at nanatiling nakapikit. "Mahal." Naramdaman ko ang kamay niya sa exposed na parte ng balikat ko hanggang braso. Hinaplos-haplos pa niya iyon. I know what you're thinking Eki.
"Ikaw na lang magbasa. I am not in the mood to share the bible with you. Goodnight." Inis kong salita at tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Narinig ko naman itong magbuntong hininga. At alam ko kapag ganoon ay sumuko na ito. Bahala na siya. Kaya ko siyang hindi pansinin kahit isang linggo.
"Paano na iyon birthday make love natin?" Napairap ako sa isip ko. Well, lalaki ang asawa ko at sa pitong buwan na namin pagsasama ay doon ko rin natutunan na magkasama ang physical na desire at pagmamahal nito sa akin. My husband is an excellent lover and he always make me feel loved, adored and satisfied. At natutunan ko rin ng parte ng pagiging lalaki nito ang minsan intense na desire sa akin. Siguro ay dahil kakasal pa lang namin kaya ganoon na lang ang pagkasabik nito. Kaya ito ang gagamitin ko sa kanya. I know I am wrong pero nakakainis kasi siya.
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...