"Tatang." Masayang bati ko rito ng makita ko ito sa kusina na gumagawa ng kanyang kape. Alas singko ng umaga at alam kong gising na siya para tumakbo sa hacienda. "You aren't running?" Tumingin naman ito sa akin bago ngumiti.
"Bakit alam mo ang morning routine ko?" Inirapan ko na lang ito. Sa isang linggong pamamalagi ko rito dati ay alam ko na ang morning routine niya at palagay ko ay hindi pa rin iyon nagbabago.
"Ewan ko sa'yo, Tatang." Tumawa naman ito. "Pinaplano ko pero naisip ko na baka kailangan ng señorita ng agahan."
"Your prejudice is exceptional in the morning." Tumawa lang ito. "If Eki didn't tell you yet-- I am good in cooking and baking my breakfast. Thank you very much."
"Nawalan na nga ata ng time na magkwento ang bata na iyon simula ng nalaman ko na ikakasal na kayo sa huling buwan ng taon. Iyon ang pinakahuli niyang binalita sa akin." Natigilan ako sa sinabi ni Tatang at dahil ginamit ko ang pangalan ni Eki. Yes, I do miss him and it still hurt so bad but I wanted to let him out of my system fast. And running away from him physically, mentally and emotionally is a good idea.
"Coffee." Abot pa sa akin ng mug ni Tatang na may mabangong kape. Kinuha ko ito. "Halika, maglakad tayo." Nanguna na sa akin ito palabas sa kusina at wala naman akong nagawa kundi sundan ito. Nakita ko ito sa may pintuan palabas ng bahay na naghihintay sa akin. Kaagad naman akong sumunod sa kanya.
I was silently sipping coffee while we were walking. Malamig sa balat ang banayad na hangin at palagay ko ay kayang pakalmahin nito kahit sinong may anxiety o maraming iniisip na tao.
"Ilang taon ka na señorita?"
"At talagang may bagong pet name ka sa akin." Irap ko pa rito at tumawa naman ito. Well, tinatawag ko rin naman siyang Tatang at wala siyang reklamo.
"I just turned twenty four." Salita ko.
"Wow, hindi ko na maimagine noon ganyan ako kabata." Napatawa ako ng mahina dahil sa sinabi niya. Tiningnan lang ako nito, umiling pero ngumiti rin sa huli.
"You are too old now to remember." Gatong ko pa.
"Hindi ako sensitibo sa edad. Masaya akong tumanda." Napangiti naman ako dahil hindi ito mapagpatol sa akin.
"How old are you then?" Tanong ko rito at taas ng kilay. Nag-isip pa ito. "C'mon Tatang you aren't that old to forget your age." Tumawa naman ito.
"I am turning 39 soon."
"Wow! You're so jurrasic. My gosh!" Exagerrated ko pang salita. I took a good look of Tatang. Hindi naman siya mukhang may edad na. Palagay ko ay papasa pa itong kuya ni Eki. Napailing na lang ako. Again with his name.
"A thirty nine year old man doesn't look this good." Natawa ako sa lumang style ni Tatang na magpapogi. I really like Tatang and his character. If I am not in love with Eki...gosh his name again! If I am not still inlove with him, Tatang would be my crush.
"I bet." Salita ko. "Which brings me to this question." Salita ko. "Why are you still single?" Ngumiti naman ng malawig si Tatang.
"Ikaw talagang bata ka." Naglakad na ito ahead sa akin pero kaagad naman ako sumunod dito at ikinawit ko ang braso sa kanya. I feel comfortable with him. Sa di ko malamang dahilan pero ganito ako kakomportable sa kanya. Para ko na siyang tatay o tiyuhin. Well he is Eki's uncle. Napailing na lang ako. Not again!
"Sige na Tatang. I want to hear a story."
"Because I wanted to, Belle." Napatingala naman ako sa kanya. He was not looking at me so I tugged his arm. "Yes?"
BINABASA MO ANG
Found
SpiritualCondemnation is a bondage that most of us have been doing intentional or unintentional. Condemning people of who they were and what they have done. Isabelle has been condemned by people and including herself all her life. This has been an unending...