Kabanata 2

2.5K 41 7
                                    

Sakit sa ulo

Tamara's POV.

Makalipas ang ilang araw, hindi parin maalis sa isipan ko yung tatlong lalake yon. Especially, yung mukhang leader nila. Yung lalaking nasa gitna nila, grabe! Ang pogi niya. May makisig siyang pangangatawan kahit sa malayo! Sa malapit pa kaya? Tapos may pagka puti rin siya. Itim na itim ang kaniya buhok, at nakatayo ang mga ito. Hindi ko nga lang alam kung malambot ba ang buhok niya, malayo kasi ako sa kaniya non. Tapos, ang angas pa niyang manamit! Lagi pa siyang may headphones, pero nakalagay lang yun sa leeg niya. Sa isang salita, hot siya! Swear!

Hindi ko alam habang dinidescribe ko yung lalaking yon, na pre occupied na pala ako.

"Huy! Ano ba?! Kanina pa kita niyuyugyog diyan! Pre occupied kana naman ba? Hindi ka naman ganyan ah." Sabi sakin ni Samaya.

Nasa school na nga pala kami, 2 days na ng nakalipas yung araw na nakita ko yung tatlong lalaki. Dahil sa lalaking nasa gitna, hindi na masyado akong nakaka sunod sa mga lessons. Dahil nga lagi akong pre occupied! Ganito pala ang nang yayari kapag inlove, lagi kang na prepre occupied. Parang laging wala ka sa sarili mo, ang lalala pala nito! Kailan kaya ako babalik sa pag ka tino? Hmm.

"Huy! TAMARA!! Kanina pa kita kinakausap! Hindi ka naman nakikinig! May problema ba? Tapos kahapon nung nag exam tayo, ang baba ng score mo! Ano bang nang yayari? Simula yan nung Monday ah. Dahil ba sa tatlong lalaki? Emeghed!" Sabi ni Samaya. With matching pa cute. (-.-)

"Oh? Sorry, ano nga ba ulit yung sinasabi mo? At sinong mga lalaki? Hindi yun yung dahilan no! Ew! Wala akong alam sa Love no! Ano kaba naman Samaya! Hehehe." Sagot ko sa kaniya

Sabay nag iwas ako ng tingin sa kaniya, ayokong mag pahalata! Hindi talaga puwedeng mangyari 'to! (T_T)

"Oh, talaga lang ha? Napapag halataan na kita Tamara! Lagi kang pre occupied, lagi kang natataranta tuwing binabanggit ko yung tatlong lalaking yon! Tapos simula nung hindi pa ulit natin sila nakikita, lumungkot kana. Ano bang meron? Don't tell me, inlove ka sa isa sa kanila?! OMG! First time ituuuuu!!" Aniya, sabay yugyog sa balikat ko.

Seryoso, masakit yung pag yugyog niya sakin ha? Masyado ba akong pahalata? Sorry na! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Hindi naman masama kung crush lang diba? Pero iba na tong nararamdaman ko, love na ata. Mali ito! Maling mali!

"H-Hoy! Hoy! Hindi no! G-gutom lang talaga ako! Tara na nga! Mag bebell na oh! Hehehe. Saka ano bang sinasabi mong inlove?! Hindi puwede sakin yon no! Imposible kaya no! Tsss." Sagot ko sa kaniya, sana hindi ako mahalata.

She smirked.

Ano na naman ba yon? Nahalata niya? Fine! Aaminin ko na sa kaniya, kahit kailan talaga. Bulok ako sa pag sisinungaling.

"Fine! Oo na! Simula 'to nung Monday, kinakabahan nga ako e. Iba na tong nararamdaman ko, yung tipong tuwing naririnig ko palang yung word na "tatlong lalaki" sila agad napasok sa isip ko. Tapos nabilis ang tibok ng puso ko, ito na ba yung love na sinasabi mo? Ang sarap sa pakiramdam, pero nakakatakot. Yung tipong, natatakot kang masaktan agad. Saka nakakalungkot kapag hindi mo siya nakikita, parang hindi nakakabuo ng araw. Katulad ngayon, pre occupied pa ako lagi. Anong gagawin ko Samaya? Tutal, naranasan mo narin naman ito." Sabi ko sa kaniya, ng hindi makatingin ng diretso sa mata niya.

Sumagot agad siya sakin, pero may pakilig kilig effect pa!

"Omygesh! Totoo nga ako! Akala mo hindi ko nahahalata? Haha! Duh! Naranasan ko na yan no! Kaibigan mo ko! Kaya alam na alam ko ang galaw mo! Hahaha! You're inlove Tamara! Grabe ka! Hahaha. Love na nga yan! Yung tipong, unang kita mo palang sa kaniya. Bumilis agad tibok ng puso mo, yung tipong parang nag kakarerang kabayo sa sobrang bilis hahaha!" Aniya, with matching talong talon effect!

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon