Kabanata 39

552 10 0
                                    

No

Sa loob ng dalawang buwan ay nandito na kami sa condo ni Kuya dylan dito na kaming apat natutulog, malaki ito at pang mayaman talaga ang mga disenyo nito sa loob at ang mga gamit dito. May chandelier nga pala pag pasok mo, tapos second floor pa ito. May dalawang hagdan isa sa kanan at isa naman sa kaliwa, sa gitna noon ay may chandelier rin. White ang kulay ng mga dingding, at gray naman ang iba pa. Modern ang disenyo sa loob nito. Napaka linis! Oo malinis si kuya Dylan, lalo na ngayon dahil nakaka turn-off sa babaeng idadala niya dito tuwing gabi.

Yes, you heard me right. May mga babae siyang dinadala dito tuwing gabi, iba iba bawat gabi. Minsan ay hindi kaming nakakatulog ni Adrian at ni Nicholas sa naririnig naming ungol na hindi maintindihan, nakakakaloka!

Nakaupo ako sa upuan sa mini bar ni Kuya Dylan, habang silang tatlo ng mga kaibigan niya ay nag tatawanan at nag iinom sa mini bar niya.

Pinapaikot ko lang ang headset ng Ipad ko, pinipaikot ikot ko lang ito. Habang nakatitig sa screen ng Ipad ko, nakakagat labi ako habang nag iisip ng gagawin dito.

Sa kanan ko naman ay si Kuya Dylan, tapos sa tabi naman niya ay si Adrian then si Nicholas.

Silang tatlo ay nag iinom, habang may pinag uusapang mga babaeng naka one night stand nila.

Napailing ako sa kanilang tatlo, habang kinakagat ang aking labi.

Tinapik ni kuya Dylan ang balikat ko, tiningnan ko siya ng nakakunot noo.

"Ano?" Tanong ko.

Hawak hawak niya ang kanyang shot glass, habang mapupungay ang kanyang mga mata. Humahalakhak parin siya ngayon, dahil doon ay amoy ko ang amoy alak niyang hininga. Mabango naman iyon, amoy mint na hindi maintindihan.

Tinuro niya ako at si Nicholas, dahil doon ay napatingin ako kay Nicholas na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanyang shot glass.

"Anong meron kay Nicholas?" Tanong ko ulit.

Binawi ma niya ang pag kakaturo sa aming dalawa, "May gusto na pala sayo 'tong si Nic," tumawa siya at naging seryoso, "Ipadaan mo muna sa akin kung sakaling liligawan ka niyan ah?"

Nag kasalubong ang kilay ko at napatingin kay Nicholas na napaawang ang bibig, si Adrian naman ay nakangisi kay Kuya Dylan. Habang ito namang si Kuya ay humahalakhak parin.

I laughed, "Are you insane, kuya?"

Umiling si kuya at pinag laruan ang kanyang shot glass na may Jack Daniel's sa loob noon.

Pero nagulat ako ng tumayo ng padabog si Nicholas, nilingon namin siyang tatlo. Yung dalawa naman ay kinakatyawan pa lalo si nicholas, napalunok ako.

"Anong nangyari sayo, Nic?" Natatawang tanong ni Adrian kay Nicholas.

Tiningnan ko ng maagi si Nicholas, namumula na siya dahil sa alak. Silang tatlo ay namumula na, lalong kita iyon dahil sa kanilang mapuputing balat.

Nakatingin sa akin si Nicholas, napalunok ako at nag iwas ng tingin.

"A-ano..." Sabi ni Nicholas.

"Ano? Torpe ka na naman?" Natatawang tanong ni Adrian.

Parehas nilang pinag tatawanan si nicholas, habang si nicholas ay hindi mapakali sa kinatatayuan niya. Ano bang problema nito? Parang may kiti-kiti sa paa, ang gaslaw masyado!

Tumayo si kuya para kumuha ng panibagong Jack Daniel's sa kanyang mini ref, pag kakuha niya noon ay pinag malaki niya iyon sa dalawa. Napailing ako, lasing na talaga siya.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon