Kabanata 41

586 12 0
                                    

Wasak

Nakaupo ako dito sa sofa habang nakatulala, mahal ko na nga si Lael. Alam kong mabilis ang pangyayari, pero hindi ko alam kung bakit ganoon. Hindi ganito kalakas ang pag tibok ng puso ko, hindi ganito ang puso ko noong nanliligaw pa sa akin si Terrence. Kakaiba, ang nararamdaman ko ngayon kay Lael...

Inaantay ko ngayon yung dalawa, ngayon na ang outing namin. Ang bagal nilang kumilos, daig pa ng babae.

Nasa harapan ko ang iphone ko, gusto ko ng buksan ito at ilagay ang sim ko. Gusto ko ng makausap si Lael, gusto kong mag sorry. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya, mahal na mahal...

Dinampot ko ang iphone ko, habang nakatitig lang don. Nanginginig ang kamay ko habang nilalagay ang sim ko doon, binuksan ko na ang iphone ko. Pero agad ko ring ni-off ang phone ko, mukhang hindi pa ako handa mag paramdam kay lael...

Naiiling kong inilapag ang iphone ko sa sofa sa tabi ko, napahiga ako sa sofa habang pinipikit ang aking mga mata.

"Denise..."

"Hmmm"

Sinundot na niya ang tagiliran ko,"Denise..."

Agad akong napadilat, napatingin ako sa direksyon nung gumising sa akin. Pag angat ko ng tingin ko sa kanya, ay agad akong napayakap sa kanya! Namiss ko siya agad...

"Nicholas! Namiss kita, sakto mag a-outing tayo..."

Niyakap niya rin ako pabalik, ramdam kong inamoy niya at hinalikan niya ang ulo ko.

"I missed you too..." Hinalikan niya muli ang ulo ko, "kaya nga ako umuwi agad dito, para makasama sa inyo..."

Napangiti ako dahil nandito na ulit siya, kahit isang linggo palang siyang nawala.

"EHEM."

Napakalas kami agad ng yakapan ni nicholas, dahil kay kuya dylan. Napatingin kami agad ni nicholas sa direksyon niya, napangiti kami ni Nicholas. Habang si kuya ay naka taas ang kilay sa aming dalawa.

"What, Kuya? Aalis na ba tayo?" Pag iiba ko ng awkward na scene.

Napatingin sa akin si Kuya, "Oo, kaya tara na."

Nagsimula ng maglakad si Kuya papunta sa labas ng kanyang condo, napatayo narin kaming dalawa ni nicholas.

Aambang kukuhanin ko na ang bag ko para sa outing, pero nagulat ako ng pinilit niyang kuhanin iyon sa akin.

"Ako na, Nic..."

"Ako na nga..."

Napairap ako at napangisi, habang siya ay nakataas ang kilay sa akin.

"Ako na nga, Nic! Kaya ko naman kasi talaga 'to."

Umiling siya habang nakangisi, pero nagulat ako ng nakuha niya yung bag ko na parang bola. Ang bilis! Tss, basketball player.

"See? Sabi ko ako na e..." Natatawa niyang saad.

Napairap ako at iniwan siya doon sa loob, nakakainis! Pero namiss ko talaga siya. Yung pagkamahiyain niya, yung kanyang pagkamasayahin.

"Hey! Wait up!" Hinihingal niyang saad.

Nilingon ko siya "Bilisan mo kase!"

Tumakbo siya papalapit sa akin, hingal na hingal siya. Papunta na kami ngayon sa elevator, si Kuya at Adrian ay nasa Van na daw pala. Kaming dalawa nalang ni nicholas ang inaantay, ang nandito parin sa condo.

Pag pasok namin ni Nicholas sa elevator ay ni-pindot ko ang button pababa, pagkatapos non ay inihilig ko ang ulo sa dingding ng elevator. Nahagip ng paningin ko si Nicholas na nakatitig sa akin. Dahil doon ay tiningnan ko siya ng nakakunot noo.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon