Kabanata 20

659 23 0
                                    

Mahal parin kita...

----Lael----

Loud music is in the air, girls dancing and beers. Inshort, my hide out. Welcome to my own Bar! Napunta ako dito kapag kailangan ko mag pahinga? Kapag kailangan ko mag pasaya.

"Hey, babe. Wanna go out with me?" Yaya sa akin isa sa mga naka one night stand ko.

Umiling ako, habang nilalaro ang beer ko.

Pinulupot niya ang braso niya sa aking leeg, hindi ko hahayaang mag pa seduce. Not now, wala akong gana. Hinayaan ko lang siyang gawin ang gusto niya, pero hindi ako nag papa seduce. Yes, im already drunk. But i can control myself as long as i can, hindi ako kagaya ni Kyle na mahilig mag pa seduce at mabilis malasing.

"Babe, let's go out." Aniya ni Chelsea sa akin.

"Not now." Iling ko.

Hindi siya nakuntento sa sagot ko, kaya hinalikan niya ang leeg ko. Wala akong pakielam kahit ano gawin niya sakin, i just need to heal my own wounds. Ayokong gumamit ng ibang tao para makalimot ako, ayoko.

"Babe, tara na kasi..." Lambing niya sa akin.

Nag igting ang panga ko sa kakulitan ng babaeng nasa tabi ko, gusto ko siyang sapakin kasi binibigay niya ng binibigay ang sarili niya sa akin. Wala na siyang respeto sa katawan niya, tss.

"Chelsea, please just leave me alone." Sabi ko.

Ininom ko agad ang beer na kanina ko pa hawak, napaka kulit ng babaeng ito. Ayaw akong tigilan, kaya napapainom ako ng madami para kumalma ako.

"Fine!" Sigaw niya sa akin.

Buti naman at tumigil na siya sa pangungilit sa akin, kanina pa ako nag titimpi. Hindi ako marunong manakit ng babae, hindi ako nag papaiyak ng babae. Oo playboy ako, ako ang pinaka malala sa aming tatlo. Pero hindi ako nag papaiyak, dahil lahat ng mga ka fling ko ay mga sluts they don't give a fuck. Wala silang pakielam, sex lang talaga ang gusto nila. Pag naibigay ko na, tapos na.

Napangisi ako sa naiisip ko.

I'm Jacob Lael Sy, and i can't have her.

Napailing ako at saka ininom ang beer, hard beer itong iniinom ko. Gusto kong makalimot, kahit sandali lang. Lagi na akong nandito, nag iinom. Pero hindi ako nakikipag fling, nag iinom lang talaga ako.

Napahawak ako sa ulo ko at napa iling.

"Sir, may problema po ba kayo? Naiyak na ho kayo." Sabi sa akin ni Carbine bartender ko.

Tiningnan ko siya at saka nginitian. "Wala 'to."

Agad kong pinunasan ang mga luhang patuloy natulo sa aking mga mata, napaka torpe ko pag dating sa kanya. Iba kasi siya sa mga babaeng nakilala ko, simple, matalino, madaldal at saka kakaiba ang pagka kulit niya. Hindi nakaka inis yung pangit niyang pag tawa, kahit masakit sa tenga. Pag naririnig ko, napapangiti niya agad ako. Yung ngiti niya kahit pilit, napaka ganda parin. She's perfect.

Siya yung babaeng hindi sinasaktan, kung ako nalang kasi ang mahalin niya. Kayang kaya kong iparamdam sa kanya ang salitang 'pagmamahal'

"Sir, kailangan niyo na hong umuwi. Lasing na ho kayo." Aniya ni Carbine.

Umiling lang ako sa kanya habang hindi siya tinitingnan, at saka ininom ang beer na bago pa lamang.

Inubos ko lang inubos ang beer, ang sarap sa pakiramdam kapag umiinom ka. Nakakalimot ka nga, pero ramdam mo parin yung sakit.

Kahit ilan pang alak ang laklakin ko, hindi ko parin siya makalimutan. Paano ako makaka move on? Ang hirap.

Tiningnan ko ang relo ko, 12:48 Am na pala ng umaga. Pero walang wala pa ito sa akin, kaso nakaramdam na ako ng hilo. Tumingin ako sa paligid, at ito na nga ang kinakatakutan ko. Lasing na nga ako.

The Girl He Never Noticed [AWESOMELY COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon